Psycho 32

218 16 30
                                    

AERA HAN

"Girl, tell me, ano yung nakita namin kanina ha." Naramdaman ko ang paniniko ni Harley sa tagiliran ko.

Nandito sila ni Yanna sa kusina kasama ko dahil gusto daw nilang tumulong kahit na hindi talaga sila marunong magluto. Ang dami daw kasi naming bibig na palalamunin sabi ni Harley.

"Anong 'nakita kanina'?" Tanong ko habang naghihiwa ng patatas.

Umirap siya sa ere. "Ugh, come on. We literally stood there watching you and Heeseung bicker to each other like a married couple." Aniya.

"Yeah, we were there for like, 5 minutes, I think?" Si Yanna.

"No, 7 minutes to be exact." Si Harley. "So tell us, what is your relationship with him?" Saka humarap sakin at pinag-krus ang braso.

Nanlaki ang mga mata ko. "Relationship?! Wala ah, ni-hindi nga kami mag-kaibigan."

Nanlaki ang butas ng ilong niya. "Nakuu! Teh, wag ako, wag ako. Siguradong may something."

Natawa ako sa reaksyon niya. "Siguro malapit na sa pagka-kaibigan pero wala pa diyan sa iniisip mo."

"Ano bang iniisip ko?" Tinaasan niya ako ng isang kilay, nang-aasar.

Sinimangutan ko siya, pabiro lang naman. "Harley, huwag mong bigyan ng malisya ang nakita mo."

"Parang malabo. Kasi knowing Heeseung, he hates everything about you." Si Yanna. "I don't mean na hate ka niya, yung tipo lang na pagkatao na meron ka. He doesn't like talkative persons, tipo na maraming tanong tas ang daming sinasabi tsaka yung nagf-feeling familiar sa kaniya. Kaya nga ayaw niya sa media eh. At ikaw na ikaw yun, Aera. Tapos kanina habang pinapanood kayong mag-usap parang sanay na siya sayo tsaka ang normal-normal ng pag-uusap niyo. Kung ibang tao yun malamang sinipa na ni Heeseung yun palabas."

Kumunot ang noo ko. Totoo?

"And girl, alam mo ba kung pang-ilang beses na tikhim na ni Riki yun kanina bago niyo siya mapansin? Para kayong may sariling mundo na dalawa habang nagu-usap. Hindi niyo nga napansin si Frederick na tinawag ka eh."

Umawang ang labi ko. "Tinawag niya ako?"

"See?" Sabay pang sabi nilang dalawa.

"So tell us the truth, come ooon, give us some teaaaa." Pakantang sabi ni Harley habang winawagayway ang sandok. Hindi ko napigilang matawa.

"Anong sasabihin ko, wala naman akong dapat sabihin." Sabi ko.

Bumagsak ang parehong balikat nila. "Ugh, that's so lame. Fine then! Maghihintay nalang ako ng mga 2 months. Ikaw, tih, ilan bet mo?"

"I think, 1 month is enough." Si Yanna. Napailing-iling nalang ako sa kanilang dalawa dahil hindi ko maintindihan ang pinaguusapan nila.

"Alright, ten thousand pesos sa pinaka-malapit na bet. Deal?" Nilahad ni Harley ang kamay sa harap ni Yanna.

Tinanggap naman yun ng isa. "Deal."

"Okay, material girls! Back to work!" Si Harley at pumalakpak ng tatlong beses.

Nakangiting napailing-iling nalang ako sa kakulitan nila. Ngayon lang naging ganito kaingay ang kusinang to sa tanang pagluluto ko dito. Salamat kay Harley.

𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon