Psycho 22

219 11 25
                                    

AERA HAN

Katahimikan ang namamayani sa pagitan naming dalawa. Tahimik lang siyang nagmamaneho at ako naman ay nakatanaw lang sa labas ng bintana. Kung gaano kaganda ang Paris, France sa umaga ay doble ang ganda nito sa gabi. Nakakamangha at nakakabighani.

Naisipan kong ilabas ang cellphone at kumuha ng litrato nang huminto ang sasakyan. Napangiti ako nang i-check yung picture, kahit wala akong skills sa pagkuha ng picture mabuti nalang maganda yung camera ng phone na pinahiram sa akin ni Frederick.

"Make me food when we get back to the hotel." Biglang sabi ni Heeseung. Nilingon ko naman siya.

Sa totoo lang ngayong araw na to, ang daming ginawa ni Heeseung na naka-gulat sa akin. Kaninang umaga ay ang kakaibang ikinikilos niya nang magkausap yata sila ni Riki at ang reaksyon niya doon sa mga litrato. Pangalawa ay ang paglitaw niya sa rehearsal para sa kasal gayong sinabi niya na hindi siya pupunta, muntik pa nga silang mag-away ni Sunghoon.  Huli ay ito, sinabay niya ako sasakyan niya pauwi sa hotel eh sa lahat ng ayaw niya ay magkalapit kaming dalawa.

May nakain ba siyang hindi maganda?

"Why are you looking at me like that?" Nabalik ako sa ulirat nang magsalita siya habang ang tingin ay nasa daan pa din. Agad akong nag-iwas ng tingin. Hindi ko namalayang natulala pala ako.

"W-Wala po."

Inirapan niya ako. "Did you hear what I said?"

Nakagat ko ang pang-ilalim na labi saka tumango. "Opo, Mr. Lee." Sabi ko nang may bigla akong maalala. "Pero Mr. Lee, hindi ko po alam kung anong mailuluto ko sa inyo. Wala na kasing laman yung fridge sa kwarto kundi itlog."

Tumaas ang isang kilay niya. "But we've been there only a day. How come ubos na?"

Nakutkot ko ang kuko. Hindi ko alam kung ayos lang na sabihin ko to. Kinakabahan tuloy ako. "Mr. Lee, hindi kasi kayo nakukuntento kapag konti lang ang niluluto ko kaya... uhm... napapadami yung luto ko."

Wala akong narinig na salita mula sa kaniya pagkatapos kong sabihin yun. Nang sulyapan ko siya ay nakasimangot lang ang mukha niya. Maya-maya narinig ko nalang siyang bumuntong-hininga at hininto ang sasakyan.

Nagtataka ko siyang tinignan pero diretso lang siyang bumaba. Hindi ko alam kung anong gagawin kaya lumabas na din ako. Nayakap ko na naman ang sarili nang umihip ang malakas na hangin.

Para kaming nasa isang grocery store dahil may mga push cart akong nakita.

Mag-grocery kami?

Naunang naglakad si Heeseung nang hindi ako tinitignan. Sinundan ko nalang siya hanggang sa makarating kami sa harap ng pila-pilang push cart sa labas ng store.

“Get three.”

Tumaas ang parehong kilay ko. “Dalawa lang po ang kaya ko, Mr. Lee. Tsaka tatlo? Madami ba kayong gustong bilhin?”

“We will be here for four days more so—why the fuck am I explaining. Just do what I say and stop asking questions.” Aniya at tinalikuran ako saka naglakad dire-diretso papasok sa store.

Nakangusong tinanaw ko nalang siya bago humila ng tatlong cart. Paano ko naman to maitutulak ng sabay-sabay?

Bumuga ako ng hangin at sinunod nalang siya. Pinilit ko na itulak ang tatlo papasok. Iba tuloy ang tingin sa akin nung guard, malamang iniisip niya na ang weird ko dahil sino nga namang matino ang magtutulak ng tatlong cart ng sabay-sabay. Idagdag mo pa na naka-heels at dress ako.

Hinanap ko si Heeseung, nakita ko siya kung saan ang section ng mga karne. Nang mapwesto na ako sa likod niya ay naramdaman ko na namin ang sakit sa paa ko. Pakiramdam ko ay dumudugo na ang hinliliit ko.

𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon