Psycho 4

234 14 2
                                    

AERA HAN

"Salamat." Sabi ko sa dalawang doktor na gumamot sa sugat ko nang matapos sila.

Hindi sila nagsalita at yumuko lang sakin bago ligpitin ang mga gamit at umalis na ng tuluyan. Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa mga gamit na nasa sahig na nilaglag nalang basta kanina ni Heeseung.

Dahan-dahan akong tumayo, napaungot ako sa sakit ng balakang ko na hanggang ngayon hindi pa din nawawala. Tiniis ko nalang muna yun saka naglakad papalapit sa mga kalat at isa-isa yung pinulot lahat. Binalik ko ang mga yon sa ibabaw ng mesa kung paano sila naka-pwesto kanina.

"If I had to do the worst thing in the world just to make you admit your sin, I would. The next time you cry, it is because someone important to you has died."

Natigil ako sa pagpupulot nang maalala ang mga sinabi sakin ni Mr. Lee kanina. Hindi ko maiwasang kabahan. Gagawin niya kaya ang sinabi niya? Pero hindi naman siya mukhang nagbibiro. Idadamay niya talaga ang mga mahahalagang tao sa buhay ko? Pero mga inosente sila.

Naalala ko bigla na wala nga pala siyang awa at konsensya kaya madali lang para sa kaniya gawin ang bagay na yon.

Dinagsa ng kaba ang dibdib ko. Nabitawan ko ang hawak na alcohol saka tuluyang napaupo sa sahig. Niyakap ko nalang ang tuhod ko saka yumuko. Nauubusan nako ng pag-asa. Hindi ko na alam ang gagawin ko para maniwala sakin ang lalaking yun. Idadamay niya pa ang mga taong malapit sakin na wala namang kamalay-malay kagaya ko.

Napalingon ako sa pintuan nang marinig na may kumatok doon bago pumasok ang kung sino.

"Lady Han!" Sabi ng pamilyar na boses bago tumakbo papalapit sakin at tuluyan akong tumayo. Si Jovilyn.

"Kaya ko na." Nginitian ko siya saka tumayo mag-isa.

Biglang magalang siyang yumuko sa harapan ko. "Patawad kung bigla nalang akong pumasok, pero pinapasabi po ni Mr. Lee na gusto niya kayong makita."

Ano na naman ang kailangan niya?

"Bakit daw?"

"Hindi niya po sinabi ang dahilan."

Tumango-tango ako. "Sige, pupunta ako. Hindi mo na ako kailangang samahan dahil alam ko naman na ang daan."

Maliit niya akong nginitian. Bukod kay Frederick, siya palang ang taong ngumingiti sakin sa loob ng palasyong ito. Kahit papaano gumaan ang loob ko.

"Salamat, Jovilyn. Pero pwede magtanong?"

"Ano po yun?"

"Bakit pinapaalagaan ako sa inyo ni Mr. Lee kung gusto niyang sirain ang buhay ko? Hindi ko maintindihan."

"Patawad, Lady Han, pero wala din po akong alam. Ang iniutos niya lang po sa amin ay alagaan kayo at ibigay ang kahit na anong gusto niyo."

Kumunot ang noo ko. "Ibigay ang kahit na anong gusto ko? Para saan? Para masulit ko na ang natitira kong oras dito sa mundo bago niya ako patayin?"

Napayuko siya at nag-iwas ng tingin. Hindi siya nagsalita kaya alam kong hindi niya na ako sasagutin. Muli ko nalang siyang nginitian bago siya hawakan sa balikat.

"Salamat, Jovilyn. Makakaalis ka na."

Tumango siya bago mag-martsa palabas habang ako naman ay nagpatuloy nalang sa pagliligpit bago ayusin ang sarili at lumabas na din ng kwartong yun. Mabuti nalang at natandaan ko pa ang daan na dinaanan namin kanina ni Frederick kaya hindi na ako naligaw at nakarating na agad sa kinaroroonan ni Mr. Lee.

𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon