Psycho 19

207 14 6
                                    

AERA HAN

Kinuha ko ang mga gamit ko sa seat bago tuluyan nang lumabas. Mabuti nalang at hindi siya nagtaka na hindi ko dala-dala ang gamit niya. Malamang ay masiyado siyang maraming iniisip para mapansin pa yon.

Nginitian ako nung flight attendant na nakaabang sa pinto palabas, nakaramdam naman ako ng hiya. Nakita niya kaya kami kanina? Sana wag siyang magisip ng kung anu-ano.

Ngumiti nalang din ako at lumabas na. Bumaba na ako sa hagdan pero napako din ako sa kinatatayuan ko nang makakita ng red carpet sa dulo.

Nagtaka ako nang maraming lalaking naka-amerikana ang nakapaligid agad kay Heeseung eh kalalabas niya lang. Halatang mga businessman sila sa tindig palang at porma.

May mga guard si Heeseung na nakabantay. Nang tignan ko siya blangko at pormal na muli ang itsura niya. Malayo sa itsura niya kanina.

Tuluyan na akong bumaba at lumapit kay Jay na busy sa cellphone. Nang mapansin ako ay tinago niya din yon.

"Sino sila?" Tanong ko sa kaniya, tinutukoy ang mga matatandang lalaki.

"Mga gustong sumipsip kay Heeseung." Aniya. "Dahil si Heeseung ang pinaka-mayaman at isa sa pinakama-impluwensyang tao sa mundo pagdating sa business malaking panalo kung isa sa kanila ay makaka-sosyo siya. Kaya ayan, nagu-unahan sila."

Dahan-dahan naman akong tumango.

"I feel like that's also the reason why he doesn't want to come. He knew this would happen."

"Hindi niya pa naman gusto kapag dinidikitan siya ng kung sino." Dagdag ko.

Sumang-ayon siya. "Ilang beses na kasi yang napagtangkaan. Hindi na yun nakakapagtaka."

"Ilang taon ba siya nang maging CEO siya ng Lee Industries?"

Napaisip siya. "Hmm, I think he was 18 back then? 17 kasi siya nung namatay si Noona tapos marami pang nangyari, isang taon bago ma-take-over sa kaniya ang buong kumpanya."

Noona...

Naaalala kong yung ang binanggit na salita ni Heeseung kanina. "Jay, ano bang ibig sabihin ng salitang 'Noona'?"

Inakbayan niya ako. "Ate ang ibig sabihin non."

Napatango naman ako at muling binaling ang tingin kay Heeseung. Si Hannah ba ang laman ng panaginip niya kanina kung bakit siya nagkaganon?

Bumuga ako ng hangin. Masiyado agad maraming nangyari ngayong kararating palang namin dito.

Kinuha ko na ang bag ko kay Sunghoon na ngayon ay... may sakal-sakal?

Sakal-sakal niya ang lalaking matangkad na nakabuong itim mula ulo hanggang paa.

"Do you think just because you became an adult you can insult me like that, huh, dipshit!"

"What's wrong with calling a moron a moron?!" Bawi naman nito.

"Respect me because I'm older than you!"

"Respect is earned, asshole! Wala namang karespe-respeto sa pagkatao mo."

Tumaas ang pareho kong kilay.

𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon