Psycho 42

206 15 11
                                    

JAY PARK

“Hoy! Baka gusto mong tumayo diyan!” Sigaw ko kay Heeseung na nakahiga ngayon sa ilalim ng malaking payong habang dumudutdot sa cellphone.


Naka-shades pa ang tanga dahil hindi natulog kagabi kaka-kausap kay Aera, may eyebags tuloy. Akala niya hindi namin naririnig. Landi!

Tinaasan niya lang ako ng gitnang daliri at hindi pinansin. Napailing-iling nalang ako at binato siya ng binilog na buhangin. Mabilis akong tumakbo palayo agad sa kaniya.

“Jay! You motherf*cker!”

Well, masaya akong napasama namin siya yun nga lang wala yatang oras na hindi niya miss si Aera. Ewan ko ba sa kanila at ini-insist nilang mag-kaibigan lang sila, meron bang kaibigang sobrang clingy? Kung tignan niya si Aera para siyang tumitingin sa napaka-gandang bagay, yung mala-diyamante, ganon. Maganda naman si Aera, kaso talaga yung tingin eh may iba. Dinala niya pa nga yung stuffed na ni-regalo sa kaniya parang tanga lang.

Nandito kami sa Maldives at solo namin ang beach. Sino nagbayad? Si Heeseung siyempre, siya pinakama-pera eh. Barya lang naman sa kaniya yon. Kaninong eroplano din kami sumakay? Kay Heeseung ulit.

Nadaanan ko sila Sunoo at Riki na naga-agawan sa isang kabayo. Sila ang may pinaka-interest sa horseback riding at inaasahan ko na to.

“Tignan mo oh, ayaw niya sayo kaya tsupi.” Si Riki na kinumpas ang kamay sa pagmumukha ng isa.

“Mas mukha siyang allergic sayo, mukha ka daw kasing virus.”

Dinilaan ni Riki si Sunoo at niyakap yung kabayo. “Magkasundo kaming dalawa. Now, get out of my way.”

“Magkasundo kayo kasi magka-mukha kayong dalawa.” Sabi ni Sunoo at sinipa si Riki sa tuhod na ikinabagsak nito sa buhangin.

Si Sunghoon at Jake ay nasa tubig at nagpapatagalan yata ng hininga dahil sumisisid sila ng nakahawak sa ilong parang mga gago. Si Jungwon ay kumukuha ng pictures.

Bumuntong-hininga nalang ako dahil mukhang walang matinong makaka-walwalan dito. Bumalik nalang ako sa pwesto ko kanina sa harap ni Heeseung at nakikita ko siya ngayong ngingisi-ngisi habang nakatapat ang screen sa mukha.

“Ugh, please, I'm not fond of taking pictures—” Dahan-dahan akong lumapit at hinablot ang phone sa kamay niya. “what—hey!”

“Hi, Aera!” Kumaway ako sa tapat ng camera.

Nagliwanag naman agad ang mukha niya at kumaway. Ang bait-bait talaga ng mukha ng babaeng to, ikaw nalang ang mahihiyang kurutin siya.

“Hi, Jay! Kamusta? Bagay sayo yung shades, ang gwapo mo.”

Napangiti naman ako agad. “Hindi sa pagmamayabang, Aera, pero ako lang to.”

Isa sa mga bagay na nagustuhan ko kay Aera? Madali siyang patawanin at ang sarap pa sa tenga ng tawa niya. Kagaya ngayon.

“Kamusta ang bakasyon? Nasaan ang iba?”

“Uy, si Aera ba yan?!” Si Sunghoon a tumatakbo na palapit dito kaya tinapat ko sa kaniya yung camera. “Aeraaaa! Hello, miss na kita!”

“Sunghoon! Dapat hindi ka nag-hubad, sayang yung ganda ng balat mo.”

“Yung araw nalang mahihiyang paitimin ako no. Baka nga siya pa masilaw sa ka-gwapuhan ko.”

Hinarap ko na ulit sakin yung screen. “What are you doing? You look busy.”

“Ah, naisipan ko lang mag-bake. Sinusubukan kong gumawa ng cake.”

𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon