Psycho 23

198 13 10
                                    

AERA HAN

Natapos na ang paggamot ng mga nurse sa sugat ko at iniwanan nalang nila ako ng isang ice bag para idampi ko sa paa ko dito sa isang kwarto na kurtina lang ang nagsisilbing pagitan sa iba pang pasyente.

Mabigat pa din ang loob ko lalo na ngayong hindi ko pa nakikita si Heeseung. Sabi niya ay susunod daw siya pero hanggang ngayon wala pa din kahit anino niya.

Ano kayang nangyari sa kaniya? Ligtas kaya siya? Hindi kaya inatake na naman siya?

Ipiniling ko ang ulo sa naisip. Sana hindi naman.

Hindi ko alam kung anong mukha ang maihaharap ko sa kaniya kung sakaling magkita na kami pati na din kay Frederick. Nahihiya talaga ako.

Napalingon ako sa gilid nang bumukas ang kurtina. Bumungad sakin ang naga-alalang mukha ni Jay.

"Aera, what happened? I saw you guys on news." Lumapit siya at lumuhod sa harapan ko. "Is your foot okay? Does it hurt? God, why do you have cuts?"

Hindi ako nagsalita. Ang dami niyang tanong tapos sunod-sunod pa, hindi ko alam kung anong dapat na sagutin.

Nakita ko sa likod niya si Sunghoon at katabi nito si Yanna na mukha ding naga-alala. Nginitian ko silang dalawa.

"Sorry, naabala ko pa kayo." Sabi ko at yumuko.

Tumabi sa akin si Yanna at hinagod ako sa likod. "It's alright. Are you okay now? You look pale."

Tumango ako. "Ayos lang. Medyo nilalamig lang." Niyakap ko ang jacket na pinahiram ni Heeseung.

"What exactly happened at the grocery store? Bakit ang daming media na nakabuntot sa inyo? At bakit kayo nandon akala ko ba uuwi na kayo?" Seryosong sabi ni Sunghoon na naka-krus ang mga braso sa dibdib.

Kinuha ni Jay ang ice bag sa kamay ko at sinabing siya na daw. Hindi na ako tumanggi at nagpasalamat dahil nakakapagod na yumuko-yuko isama mo pa yung dress ko na ang baba ng neckline.

"Habang nasa biyahe kasi kami kanina naalala kong wala ng laman yung ref sa room namin kaya huminto kami sa store na yon para sana mag-grocery. Nang matapos palang ang rehearsal masakit na talaga yung paa ko dahil sa heels tapos habang nagtutulak ako ng cart may biglang tumamang skateboard sa paa ko kaya ayun natumba ako tapos nangitim siya." Tukoy ko sa paa kong hawak ni Jay. "Malakas din kasi yung pagkakatama."

"So that explains why I saw Heeseung bringing lots of bags of groceries to your room. Nag-grocery pala kayo." Si Jay.

Kumunot ang noo. "Pero iniwan na namin yun sa loob."

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam, malay mo binalikan niya. Nakasalubong ko siya kanina eh."

"Tapos habang..." Huminga ako ng malalim bago mag-salita. "... habang kausap ni Mr. Lee yung manager nung store, may nakita akong lalaking naka-itim na parang kinuhanan sila ng picture. Malamang ang lalaking yun ang dahilan kung bakit nalaman ng mga reporters na nandon kami."

Hindi ko na napigilan at napayuko nalang ulit tinakpan ng palad ang mukha.

"Natatakot ako. Baka kung anong sabihin nila kay Mr. Lee dahil nakita nila akong buhat-buhat niya. Ano nalang ang iisipin nila? Nag-aalala din akong baka magalit sa akin si Frederick, ang sabi niya pa naman mahalagang dapat laging maingat ang kilos na pinapakita ni Mr. Lee tapos ganon ang nangyari. Pinagkatiwala niya pa naman sakin si Mr. Lee." Pumiyok ako. Sumasakit ang dibdib ko.

Pinunasan ko ang luhang tumakas sa mata ko.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Jay. Kinuha niya ang kamay sa palad ko at hinawakan yun. "Aera, it's not your fault. Don't blame yourself. Hindi mo kasalanang nabangga ng skateboard yang paa mo at hindi ka makalakad. Heeseung just helped you out and it was his choice."

𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon