Psycho 3

316 17 4
                                    

AERA HAN

"Get the fuck out of my sight, eyesores!" .

Magli-limang minuto na kaming hindi pa makaalis dito ni Frederick dahil hindi pa din tapos si Lee Heeseung sa pag-sermon sa mga chef na nasa harapan niya na konti nalang ay iiyak na yata. Ako ang naaawa sa kanila dahil kulang nalang ay saksakin sila ni Lee Heeseung gamit ang tinidor.

Mas nadagdagan ang takot ko sa kaniya dahil sa nakikita ko. Nakakatakot siyang magalit kaya hindi talaga siya pwedeng galitin, bagay na hinding-hindi ko gagawin.

“He is really like this every day. You'll get used to it." Bulong bigla sa akin ni Frederick nang maramdaman niyang tapos na ang panenermon ni Lee Heeseung sa mga kawawang chef.

Hindi ko nagawang sumagot kay Frederick. Bumuntong hininga nalang ako saka yumuko.

"Where else did you go, woman?" Nanlaki ang mga mata ko at otomatikong nanigas nang makita ang dalawang pares ng sapatos sa harapan ko. "I'm sure I told Frederick to tell you that I dislike waiting."

Hindi ako nakakilos. Muling bumalik sa utak ko ang ginawa niya sa akin kagabi. Ang puso ko ay akala mo hinahabol ng libu-libong kabayo sa bilis ng tibok. Hindi ko akalaing makakaramdam ako ng ganitong klaseng takot sa isang tao.

Binuka ko ang bibig para magsalita pero naunahan na ako ni Frederick.

"My apologies, Master Lee. Please, don't blame Lady Han as I was the one who was late at the appointed time to pick her up."

Nanlalaki ang mga matang binalingan ko si Frederick. Hindi ko aakalaing magsisinungaling siya para sa akin. Yumuko siya at lihim akong kinindatan, ngumiti naman ako sa kaniya pabalik.

"You what?” Sinamaan niya ng tingin ang matanda.


"It won't happen again, Master."

"Leave." Sabi ni Lee Heeseung na parang nauubusan na ng pasensya at wala naman ng nagawa si Frederick kundi umalis nalang. Mas dinagsa ang dibdib ko ng kaba dahil kaming dalawa nalang ni Lee Heeseung dito ang natira.

Nakayuko pa din ako at hindi siya magawang tignan sa mga mata.

"You, will you still deny that you know nothing about my sister's death? Will you still pretend to be innocent?" Aniya saka humakbang pa lalo papalapit sakin, umatras naman ako. "Answer me."

Umiling ako. "W-Wala talaga akong alam sa mga pinagsasasabi mo."

"Then why are you stuttering?"

Kasi nakakatakot ka.

"Wala akong alam. Wala talaga." Pinilit ko ang sarili ko na magsalita ng diretso at salamat naman dahil nagawa ko.

"Stop lying!" Hinampas niya ang pader sa gilid ko, tsaka ko lang napagtanto na kulong na ako walang at walang kawala sa kaniya.

"Hindi ako nagsisinungaling, wala talaga. H-Hindi ko kilala yung sinasabi mong Hannah." Sabi ko ulit habang patuloy na umiiling.

Napaiyak nalang ako ng kusa nang bigla niyang hawakan ng napakahigpit ang panga ko patingala sa kaniya dahilan para makita ko ang nakakatakot na ekspresyon ng mukha niya.

𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon