Psycho 17

225 13 4
                                    

AERA HAN

“I think I found her!” Rinig kong sigaw ni Sunghoon.

At dahil akbay niya ako, wala akong choice kung hindi umikot muli paharap kayla Heeseung nang umikot siya.

“What?! No way!” Protesta ni Heeseung na agad akong sinamaan ng tingin. Ako namang walang alam ay umiwas na kaagad. Anong ibig sabihin ni Sunghoon?

“Bro, she's killing that dress. How come I didn't notice her?” Si Jay na nakatingin ba sa akin ngayon. Maliit siyang ngumiti. “Hi!”

“H-Hello.” Naiilang na sagot ko. Hindi ako kumportable sa akbay ni Sunghoon. Pero ang bango niya sa totoo lang.

“Can you be my date?” Anito, pabiro. Tumaas ang pareho kong kilay.

“Hoy, shut up. May babae ka na.” Si Sunghoon na dinuro pa siya. Inismiran naman siya ni Jay. “What do you think, Hee? Kaysa maghanap ka pa, itong si...” Tinaasan niya ako ng isang kilay.

“Aera.”

“Kaysa maghanap ka pa itong si Aera nalang. Para hindi na din ako mahirapan hehe.”

“I don't want to. That woman is...” Si Heeseung. Alam ko na ang susunod na sasabihin niya, otomatikong yumuko ako.

“Aera is?” Si Sunghoon at naghintay ng sagot. Kahit ako ay naghintay ng sasabihin ni Heeseung pero hindi ito nagsalita. “Sus, eto na naman tayo, nagi-inarte ka na naman. Maganda naman si Aera ha? She's my type actually. I like shy girls.” At tinaas-babaan pa ako ng kilay.

Ngumiti ako para pigilan ang tawa at nag-iwas ng tingin. Siraulo talaga.

“Then do me a favor. Get her out of here so you can have a moment with her.” Si Heeseung.

Nawala agad ang ngiti ko.

“You're so mean. I'm sorry but I already have a girlfriend for this week.” Si Sunghoon. “Come on, stop being a jerk. Wala din namang gugustuhing maging date ka sa kasal ni Jake dahil diyan sa ugali mo.”

“I can go without a date.”

Napairap si Sunghoon ng tuluyan. “You always find negativity in everything! Wag mong sirain yung kasal dahil diyan sa ugali mo, tanga. Be considerate naman.”

“Yeah.” Si Jay. Inirapan siya ni Heeseung. Nag-kibit balikat lang siya.

“And Master Hee, since I will be left here to take over the company for a while, wala kang makakasama papunta sa France. Mas mabuting masamahan ka ni Aera para may umalalay sayo.”

“I have guards.” Bawi naman ni Heeseung.

“Are you sure you'd let them carry your things?”

Doon hindi agad nakasagot si Heeseung.

Sa totoo lang ay hindi ako sang-ayon sa ideya nila. Bakit ba hindi muna nila ako tinatanong kung papayag ba ako o hindi? Ayaw ba nila akong bigyan ng choice?

Ayokong ngang makasama si Heeseung sa iisang kwarto dahil pakiramdam ko ay sinasakal ako tapos ngayon magkakasama pa kami sa iisang lugar sa ilang araw? Pakiramdam ko ay bubunuin ko lang ang mga araw na yun kakabuntot sa kaniya at kakatiis sa mga ipapagawa niya sa akin.

𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon