Epilogue - Salvation

276 4 0
                                    

Author's NOTE:

Hi, mga loves! First of all, gusto kong magpasalamat sa lahat ng nagbasa ng kweto nato. It has been a while since I have published a book here. Nakakataba ng puso na natutuwa kayo sa mga pinagsusulat ko. Secondly, sorry kung matagal ang pag-upload ko ng mga chapters, marami kasi akong ginagawa ngayon at kailangan ko talagang tutukan.

But here we are on the last chapter. Sana magustuhan niyo. Tell me about your thoughts. I would like to hear from you.

I will also be uploading a new KyCine Story. Titled MY MIRACLE. I will upload 3 chapters. Please tell me what you think of it too.

Love you all..

________________________________________________________

2 Years Later....

KOBE

Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Nararamdaman ko pa rin ang sakit at pagsisisi. Sana kung hindi ako naaksidente at nakalimot, marami pa sana kaming ala-alang nagawa. Nakakalungkot lang na hindi ko man lang nagawang ipakita kung gaano ko siya kamahal. Napahawak ako sa dibdib ko. Dinama ang peklat na nakaukit sa dito. I miss her...

"Sana makita kitang muli... Mahal na mahal kita... Paalam..." Sabi ko kasabay ng luhang naglandas sa mukha ko.

"Tama na yan, alam ko na masaya na siya kung nasaan man siya ngayon."

Napatingin ako sa tabi ko. Isang ngiti ang binigay niya sa akin. Ngiting habang buhay kong iuukit sa isipan ko. Katulad ng mga ngiti niya.

"Salamat..."

"OKAAAAAYYYYYYYY CUUUUUUUTTTTTTT!!!!!"

Napatingin kami sa sumigaw, at ngumiti. Sa wakas tapos na rin kami sa pagkuha ng eksina.

"Whaa nakakapagoooood!!!!!" Sigaw naman ng kasama ko. "Galing mo talaga Kob."

Ngumiti lang ako kay Bella, at ginulo ang buhok niya. Hinintay ko ang reaksyon niya.

"WHAAAA KOBE!!!! ANG BUHOK KO!"

Tumawa ako at tumakbo papalayo sa kanya. Alam ko kasing matatamaan talaga ako. Narinig ko naman tumawa si Darius at Sam.

"ANO SAMUEL! KANINO KA BA KUMAKAMPI!" Sigaw nito sa boyfriend niya na agad namang tumahimik. Mas natawa kami ni Darius.

"Baby, buhok lang naman 'yan. Kayang kayang ayusin. At saka mahal na mahal pa rin kita kahit mukha kang bruha."

Kitang - kita namin ang pamumula ni Bella at isang malutong na hampas ang binigay nito kay Sam. 

"Oh, tama na nga yan. Kayong dalawa talaga."

Napatingin ako sa nagsalita. Papalapit siya sa amin na may hawak na tubig. Binigay niya ito kay Bella at lumapit sa akin.

"Ikaw na man, tama na nga yan. Bawal ka pang magpagod baka nakakalimutan mo na kagagaling mo pa lang sa operasyon." Hinawakan ko ang kamay niya.

"Opo, nakakatuwaan lang naman kami. Ang sarap lang talagang pagtripan ni Bella."

Napatingin ako sa kanila ni Sam na nagbabangayan na naman. Dalawang taon na ang nakalipas pero ganoon pa rin silang dalawa. Minsan nga parang hindi sila magkasintahan sa pagbabangayan nila.

"Sinong mag-aakala na tatagal silang dalawa?" Tanong niya.

"Oo nga eh, hanggang ngayon aso't pusa pa rin sila." Agad kong sagot sa kanya. She turn to me and give me a shy smile. 

Heaven KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon