The Meet Up

163 11 0
                                    

FRANCES

He looked at me with a shocked expression on his face. Hindi ko inexpect na ganito. I give him a sly smile.

"Hi, I'm Frances." I said and offer my hand.

He just looked at me with the same expression.

"Earth to Kobe!"

Sabi ni Sam. Doon  lang siya parang natauhan at tiningnan ang kamay ko.  He took my hand for a shake. Then let it go.

"Sorry nabigla lang ako." Napakamot naman agad siya sa ulo niya.

"Halata nga tol. Para kang nakakita ng multo eh."

Nakita ko na siniko ni Bella si Sam. Napangiti naman ako kahit konti. I miss this guy so much, and being here this close means a lot to me.

"Kumusta ka na pala?"

Tanong ko sa kanya na nakapabalik ng tingin niya sa akin. He looked confused, nakakunot ang noo niya sa tanong ko, pero unti unti ring nawala nang marealize niya ang sinabi ko.

"Hay bub, lutang ka pa rin minsan." Nasabi ko nalang sa sarili ko.

"Ah, medyo okay na naman ako."

I smiled, then there was an awkward silence. Kinakabahan talaga ako ngayon. I stared at the cake in front of me. Then I looked at Sam and Bella. Mga walang hiya tong dalawang to. Alam naman nila na ayaw na ayaw ko sa chocolate cake. I kicked Sammy's foot.

"Aray!"

Pagsigaw niya. Napatingin naman sa kanya ang dalawa. I raised an eyebrow, and looked at the cake.

"Okay ka lang?" Tanong agad ni Bella sa kanya. Then she looked at me, nakita niya ang cake sa harap ko. Nagpipigil naman ng tawa ang isang to. Then suddenly, I heard my phone beeped.

From: Sammy

Kainin mo nalang yang cake...😂😂

To: Sammy The 🐒

Lanya kang patpat ka! Alam mo naman na ayaw ko dito eh!

I sent the message and I heard both of them giggled. I just rolled my eyes.

"Ayaw mo ba sa cake?"

Napatingin naman ako sa katabi ko.

"Ah, kasi ano..."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niyang pinagpalit ang cake naming dalawa.

"Here eat this, hope you like mocha flavored cake."

I just stared at him. Sinimulan na niyang kainin ang cake. Napatingin ako sa dalawang taong nasa harap ko, and I can see that they are also surprised, pero unti-unti ring napangiti. Palagi niyang ginagawa to noon pag pinagtitripan ako nila Sammy.

Napatingin siya bigla sa aming tatlo.

"Bakit?"

Doon lang ako  natauhan at yumuko.

"Ah, wala naman."

Sagot ni Sammy sa kanya. Sinimulan ko nalang kainin ang cake na ibinigay niya. Tahimik lang siya habang ang dalawa da harap ko ay nagsisimula na namang magbangayan.

"Akin nga kasi yan!"

Sabi ni Bella habang inaagaw ang frappe niya kay Sam.

"Ang damot mo talaga, makikiinom lang eh!"

"Eh bakit ba kasi hindi ka umorder nang sayo?!"

Nag.aagawan pa rin silang dalawa sa inumin. I take a deep breath. At...

"TAMA NA NGA YAN!"

Napatingin ako sa katabi ko at ganun din siya. Sabay pa naming nasigawan ang dalawa. Napatingin naman ng dalawa sa amin. Ibinaba ni Sam ang frappe, kinuha naman agad ito ni Bella.

"Wow ha, sabay pa talaga kayong dalawa."

"Oo nga, parang dati lang."

Napatingin naman ako kay Sam, he just smiled and give me a peace sign.

"Anong ibig mong sabihin bro?"

Biglang tanong ni Kobe sa kanya. He just smile.

"Sabihin nalang natin na, may kasabayan ka rin dati sa pagsaway sa aming dalawa ni Bella."

SAM's POV

Alam ko nawewierdohan na si Kobe sa pinaggagagawa namin ni Bella. Talagang inorder namin ang chocolate cake para kay Frey, alam kasi namin na ayaw na ayaw niya yun. Simula bata pa kami, ayaw na niya sa chocolate cake. Iwan lang talaga namin kung bakit.

Gusto naming makita kung ano ang gagawin ni Kobe. At hindi nga kami nagkamali, he gave his cake kay Frey, nakakatawa lang talaga ang mukha niya.

Kami lang ni Bella ang nagplano nito, kahit si Frey walang kaalam-alam. Gusto kasi namin na tulungan siya. I hope this stir something inside his head.

"Alam namin na naguguluhan ka, Kobe."

Nakita ko na napatingin siya kay Bella. Pati si Frey ay napatingin na rin sa kanya. She was confused too. Sabi kasi namin sa kanya ipakikilala lang namin ulit siya kay Kobe. Pero iba ang gusto naming gawin, gusto namin siyang tulungan. Sa loob ng ilang buwan nakita namin ang effort niya para makilala siya ulit ni Kobe, nakita rin namin kung paano siya nafrufrustrate sa tuwing hindi man lang siya nito sinusulyupan.

"Sammy..."

I heard a hesitant voice, napatingin ako kay Frey. Hinawakan ko ang kamay niya to tell her it's okay.

"We want to introduce you again, to your childhood bestfriend Kobe."

Nagpatuloy sa pagsasalita si Bella, nakita namin na nakakunot ang noo ni Kobe, hindi naman makatingin si Frey sa kanya.

"Kobe Jacob Alvarez, we want you to meet Frances Freya Dominguez...again."

Heaven KnowsWhere stories live. Discover now