Fun and Memories

173 12 1
                                    

KOBE

Nagswimming na ang dalawang babae at naiwan naman kaming tatlo para ihanda ang pagkain. Nagiihaw si Darius at si Sam naman ayon nag.aabang. Nag.aabang ng luto at pinapapak kaagad. Muntik na siyang mabato ni Darius kanina ng pamaypay dahil bantay salakay ang ginagawa niya. Lumapit naman ako sa kanila bago pa magkabatuhan ng uling.

"Ano ba bro, nakakapagod na mag.ihaw dito ah!"

"Kahit kailan Sam, patay gutom ka!" Biglang sabat ni Bella sa usapan. Nakita rin pala nila ang pagbabangayan ng dalawa kaya napalapit na rin sila.

"Hay nako, ako na nga dyan. Doon na kayo maghintay sa cottage." Pagvovolunteer ni Frances.

Hinila naman kaagad ni Bella si Sam bago pa ito makaangal. Sinumulan na agad ni Frances ang pag.iihaw ng mapansin niyang nakatayo ako sa harap niya.

"Oh? Ikaw ba't nakatayo ka pa dyan? Samahan mo na sila doon."

"Samahan na lang kita dito. Saka ayokong maging referee sa dalawang yun."

Napatingin naman siya sa cottage at nakitang nagbabangayan na si Sam at Bella. She smiled.

"Kahit kailan talaga ang gulo ng dalawang yan, hindi na ako magtataka kung magkadevelopan ang dalawang 'yan."

"Hindi pa ba?"

Napatingin siya sa akin ng sinabi ko 'yun.

"Sa palagay  mo, may nararamdaman na sila sa isa't - isa?"

Tumingin ako sa dalawa na halos magpatayan na naman. Si Darius? Ayon, tawa na lang ng tawa sa isang sulok, nakita kung kinuha niya ang camera niya at nirecord ang bangayan ng dalawa, nakita niya akong nakatingin sa kanya at nagthumbs up, parang may pagtitripan na naman kaming dalawa mamaya.

"Hoy! Bigla kang natahimik dyan?"

Napalingun naman agad ako sa kanya, at ngumiti. "Para talagang aso't pusa ang dalawang yan."

"Sinabi mo pa! Pero alam mo Kob, bilib din naman ako sa pasensya ni Sam kay Bella. Akalain mo yun? Sa loob ng ilang taon nakakaya niyang makasama si Bella sa isang lugar kahit na may pagkaluka-luka yang pinsan ko."

"At saka wala naman, siyang magagawa eh, kahit saan tayo magpunta kasama si Bella." sabat ko naman sa sinabi niya.

"Anong wala? He can choose to leave Bella behind naman pag hindi tayo magkakasama, pero hello, silang dalawa pa rin ang magkasama pag hindi ka kasali sa lakad. Napapansin ko rin na palagi silang magkasama this past months, lalo na noong tinutulungan nila akong maalala mo ulit."

I smiled at that thought. Kung susumahin rin ang lahat, silang dalawa ang parating magkakasama. At tama si Frances, all this month na pinapaalala nila sa akin ang nakalimutan ko, effort na effort sila.

"Ramdam ko talaga may something na ang dalawang yan. Hindi lang umaamin." Pagpaptuloy ni Frances sa sinasabi niya.

Ilang minuto pa natapos na niya ang pagiihaw at dinala na namin sa cottage. At syempre pa hindi pa tapos ang dalawa sa pagbabangayan.

"Kasi nga patay gutom ka!"

"Tumahimik ka na nga! Hindi pa pweding gutom lang? Patay gutom kaagad!?"

Napabuntonghininga nalang ako. Kailan kaya matatahimik ang dalawang to. Biglang kumuha si Darius ng dakawang stick ng barbeque at lumapit sa dalawa. Napatawa nalang kami ni Frances dahil sinubo niya ito bigla sa kanila.

"Hay, salamat! Katahimikan!"

Nakita namin na sinamaan ng tingin nina Bella si Darius. Nagpeace sign lang ito sa kanila. Inilapag ko na ang barbeque at umupo sa tabi ni Frances.

"Yan kasi ang ingay nyu!" Sabi niya na tumatawa parin.

Kumuha na ako ng pagkain at ibinigay sa kanya. Ganoon na rin ang ginawa ng iba. Ilang minuto lang nagsimula na naman ang bangayan ng dalawa. Nagkatinginan na lang kaming tatlo at pinagpatuloy ang pagkain. This will be a memorable outing, that is for sure!


FRANCES POV:

Ilang oras na rin ang nakalipas mula noong kumain kami ng tanghalian, natahimik na rin sina Sam at Bella. Ilang oras na rin kaming nag babad sa tubig. Nakakarelax talaga ang dagat, kahit noon pa. Nakaupo ako ngayon sa dalampasigan, nagaabang ng sunset, ang pinakapaborito ko sa lahat.

"Seryoso natin ah."

Napatingin ako sa nagsalita, I smiled when I see Kobe. He sat beside me. Tumingin ulit ako sa kawalan.

"Nagrerelax lang. Hinihintay ko ang sunset."

"Ang paborito mo."

Napalingun ulit ako sa kanya. "Naalala mo?" Tanong ko sa kanya, he nodded. That made me smile even more.

"Unti - unti, may mga ala-ala na akong bumabalik. Mga gusto mo, mga bagay na gusto mo. Mga ginawa natin noon. May mga bagay pa na hindi masyadong malinaw, pero alam ko babalik din yun sa tamang panahon."

"Hmm, sige nga kung may naaalala ka na tungkol sa akin, sabihin mo nga sa akin kun ano yun."

"Hmm, mahilig ka sa chocolate, halata naman noong binilhan ka ni Darius ng isang plastic. Mahilig ka sa mga bagay na makaluma, I mean mahilig ka sa mga bagay na may history. Mahilig ka rin sa mga kantang may magagangdang meaning."

"Wow naman, medyo maramirami na rin ang naaalala mo sa akin ha. Improving ka."

Napatawa siya sa sinabi ko. Sa loob ng ilang buwan, natutuwa ako dahil unti-unti nang bumabalik ang closeness naming dalawa.  Kahit unti-unti mas pipiliin ko to kaysa noon na hindi man lang ako makalapit sa kanya.

" Alam mo may isa akong panaginip na hindi ko pa maintindihan."

Napalingun ako sa kanya.

"Nasa beach daw ako, naglalakad lang ako tapos may lumapit sa akin. Naglakad lang daw kami hanggang sa dumating ang sunset. Alam ko na may sinasabi siya sa akin eh, pero hindi ko marinig kung ano ang sinasabi niya. Hindi ko rin makita ang mukha niya. Para bang isang malaking puzzle hanggang ngayon para sa akin kung sino siya."

I was dumbfounded. Naalala ko ang huling bakasyon namin. May ganoon kasing nangyari. I smiled again. Para na akong baliw dito na ngiti ng ngiti. Habang nakaupo kaming dalawa, hinawakan niya ang kamay ko. He intertwined it. And it calmed me, tulad lang ng dati. Sana, sana bumalik na ang mga ala-ala niya sa akin. I prayed until the sun kissed the horizon.


Heaven KnowsWhere stories live. Discover now