Starting Over

154 10 2
                                    

KOBE

Dalawang buwan na ang nakalipas mula noong nakipagkaibigan ulit ako kay Frances. Noong una nakakailangan kaming dalawa. Tinatantya pa kasi namin ng isa't-isa, lalo na ako. Kinikilala ko ulit ang bestfiend ko.

Masasabi ko na marami talaga siyang alam tungkol sa akin. Minsan naman may mga bagay akong nagagawa at nasasabi na nakakapagpatigil sa kanya. Tulad kanina sa classroom. Habang naghihintay kami sa teacher namin naguusap lang kaming apat. Mula kasi noong nakipagkaibigan ako ulit ay sumama sa ako sa kanila. Sabi ni Sam doon daw talaga ako umuupo katabi si Frances.

Nagtatawanan kaming dalawa dahil tinutukso namin si Sam at Bella. Hindi kasi maipinta ang mukha ni Bella habang si Sam ay pangiti.ngiti lang.

"Bub, tingnan mo ang mukha ng pinsan mo, hindi maipinta, hahahah."

Napatigil naman siya at napatingin sa akin.

"Oh, bakit ganyan ang mukha mo." Natatawa na din ako sa kanya.

Napatingin naman ako sa dalawa na nakangiti.

"Hoy, anong nangyayari sa inyo?"

"Tinawag mo kasi akong bub." Sagot naman ni Frances.

Napakunot naman ang noo ko.

"Yan kasi ang tawagan nyong dalawa, bro."

Napalingun ako kay Sam.

"Bub.." Inulit ko ng mahina ang sinabi ko. Parang pamilyar. Napatingin ulit ako kay Frances. Nakangiti na siya ngayon sa akin.

" Namiss ko rin yun ah." Sabi niya.

Magsasalita pa sana ako kaso dumating na ang teacher namin.

Ilang oras din kami nakinig sa mga lessons namin. Lunch break na at kasalukuyan kaming nasa cafeteria. Nakapila na kaming apat. Nakita ko ang carbonara. Nagorder ako at nilagay sa tray niya. Napatingin naman siya sa akin.

"Naalala ko lang na gusto mo niyan." Tapos ay ngumiti ako.

"Asus ang daming langgam ha. Tama na po titigan, dumadami na po nakapila." Pagsingit ni Bella sa amin. Tumawa nalang ako at namula naman ang kasama ko.

Pumunta na kami sa  table na napili namin. Nagsimula na rin kaming kumain. Ganang gana naman kumain itong katabi ko. Nilantakan agad ang carbonara . Napatawa naman ako ng makita ko ang sauce sa mukha niya.

"Bakit?" Tanong niya sa akin.

Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang muhka niya. "Dungis mo."

Napayuko naman siya. Pinagpatuloy ko na ang kain.

"Frey? Masama ba pakiramdam mo?"

Napatingin naman ako kay Sam pagkatapos niyang sabihin yun. Nakakunot ang noo kong tumingin sa katabi ko.

"Hindi naman okay lang ako."

"Eh bakit ang pula pula mo?"

Napahawak naman ako sa noo niya.

"Hindi ka naman mainit ah. Okay ka lang ba talaga?" Concern na tanong ko sa kanya.

"Ano ba kayo. Okay lang yan." Napatingin ako kay Bella na nagpipigil ng tawa.

"Ha?" Sabay naming sabi ni Sam.

Hindi na napigilan ni Bella ang sarili niya at tumawa na siya.

"Guys, kalma. Walang sakit yang si Frances. Kinikilig lang yan.

At tumawa namn ito uli. Napalingun ako sa kanya at mas lalo pa siyang namula. Ngumiti nalang ako sa kanya.

BELLA'S POV

Kanina pa ako tininitigan ng matalim ni Frances. Nakakatawa talaga ang itsura niya. Parang kamatis eh. Hahaha siguro pinapatay na ako nito sa isip niya.

Hindi naman lingid sa kaalaman naming lahat na may feelings siya for Kobe, and Kobe felt the same way towards her as far as we know, noong naalala pa niya ito.

Kaso ang dalawang to taguan ng feelings ang ginagawa. But looking at Kobe right now, nakikita ko na lumulutang yung feelings niya para sa pinsan ko.

Alam rin namin na, his doing his best para makalala, but at the same time they, we are making new memories. Ang saya lang nilang makitang nagkukulitan. Natutuwa ako na makita ang mga ngiti ni Frances. Isang taon din namin hindi nakita yun. Oo ngumingiti siya pero hindi aabot sa mga mata niya. Nakakatuwa lang na ngayon nakakangiti na talaga siya.

Naramdaman ko na may sumipa ng paa ko. Napatingin ako sa kaharap ko.

"Mamaya ka sa akin." She mouthed na nagpatawa pa sa akin.

"Hala anong nangyayari sayo? Anong nakakatawa?"

Tanong ni Sam.

"Wala, may naiinis lang kasi dyan sa tabi." Sabay tingin ko sa pinsan ko. Nagets naman ni Sam ang sinasabi ko kaya napatingin siya kay Frances, at hindi na rin niya napigilang mapatawa.

Nakita naman naming naguguluhan si Kobe sa ginagawa naming dalawa. Nagtawanan nalang ulit kami ng sumimangot si Frances.

"May gagawin ba kayo mamaya?"

Tanong naman ni Kobe, na nagpatahimik sa amin.

"Parang wala naman, bakit?"

"Gala tayo. Wala naman tayong afternoon class."

Napangiti naman kami ni Sam. "Game!" Sabay naming sagot. Napatingin namn kami kay Frances na tahimik lang na nakatingin sa pagkain niya.

"Ikaw Fran? Sama ka?"

Nagtaas naman ng tingin ang pinsan ko. Sus, konwari pa to gusto namang sumama.

"Ah, kasi, ano..."

"Sama ka na cous, ngayon lang nag.aya si Kobe oh."

Pagkokombinsi ko sa kanya.

"Oo nga naman." Na senigundahan naman agad ni Sam. "Tama na muna ang aral Frey. Matagal pa naman ang finals."

Nakatingin lang kaming tatlo sa kanya naghihintay ng sagot niya. Ngumiti siya, at tumango. Nakita naman namin na napangiti si Kobe.

Nagpahinga lang muna kami at naghintay na buksan na nila ang gate para makaalis na kami. Nakatambay lang kami sa parking lot.

"Anong gusto niyong gawin?" Tanong ni Frances.

"Arcade tayo. Matagal na rin tayong di nakakapaglaro eh." Sagot ko

"Pwedi naman. Para madagdagan ang points sa card ko." Sagot naman ni Sam.

"Ikaw Kob? Ako gusto mong gawin?"

Tanong ni Frances sa kanya.

"Hindi ko pa alam eh."

Natawa naman ang pinsan ko.

"Wow naman, ikaw ang nag.aya tapos hindi ko alam ang gusto mong gawin?".

"Eh, kasi gusto ko lang naman kasing makasama kayo eh, para makabawi na rin. Lalo na sayo."

Napatahimik nalang si Frances sa narinig niya. Habang ako naman ay nagpipigil ng kilig. Hay, nako ang dalawang to. Ang sarap tingnan.

"Seryoso mo naman dyan."

Napatingin ako sa likod ko, andoon pala si Sam. Teka parang nasa tabi to ni Kobe kanina ah.

"Kanina ka pa dyan?" Tanong ko naman sa kanya.

"Galing naman, tanong ang sagot sa tanong ko."

I rolled my eyes. Nakakainis talaga tong patpat na to.

"Pero bakit nga ba ang seryoso mo."

"Natutuwa lang kasi akong tingnan silang dalawa ni Kobe. Parang kailan lang kasi, palagi nating nakikita si Frances na malungkot. Pero tingnan mo ngayon. Masaya na siya. Nakangiti na palagi."

"Oo nga eh. Sana palagi nalang ganito."

Napangiti ako. Tama, sana ganito na lang palagi.

Heaven KnowsWhere stories live. Discover now