Distance

149 11 3
                                    

KOBE

Nagpatuloy na hindi ko pinapansin at iniiwasan si Frances, sumasama ako paminsan minsan sa mga lakad nila na ako rin ang nagpaplano. Noong una, palagi siyang nagaatempt na kausapin ako, at parati rin akong lumalayo. I continue to pretend she does not exist. Hanggang sa tumigil na rin siya.

Kasalukuyan kaming nasa classroom at nakikinig kay ma'am. Palihim akong nakamasid sa kanya. Tahimik lang siya, tulad nang dati hindi na siya ngumingiti ng madalas. Nakatingin lang siya sa labas at parang may malalim na iniisip.

"Okay class, since malapit na matapos ang pasukan this will be your last activity, this will be a group activity. Get a piece of paper and write your name and put it here on the fishbowl. Bubunutin ko ang member ng bawat group."

Lahat kami ay sumunod sa sinabi ni ma'am. Isa-isa na rin naming nilagay yun sa fishbowl. Pagkatapos ng ilang sandali ay tinawag na ni ma'am ang membro ng bawat grupo.

"Darius Avela, Frances Dominguez, Samuel Alcantara, Bella Mariano, and Kobe Alvarez."

Napatingin ako kina Sam sa likod. Mula noong naalala ko ang lahat hindi na rin ako tumabi sa kanila. Nakatingin din sila sa akin maliban kay Frances na sa labas pa rin nakatingin. Darius gave me a thumbs up, to assure me na okay lang ang lahat. I then smiled shyly.

Inexplain na ni ma'am ang dapat naming gawin. Kailangan naming pumili ng isang kanta at gawan ito ng sturya. Matapos ang klasi ay napagpasyahan namin na magusap-usap para sa activity namin.

"So anong kanta ang gagamitin natin?" - Bella

"Pwedi tayong gumamit ng love song, kasi yun lang naman ang madaling gawan ng sturya." -Darius.

"Sige ganito gawin natin, kami ni Bella ang mag.iisip ng kanta, ikaw Dar ang gumawa ng script tapos itong dalawa ang gawin nating main character."

Napatingin ako kay Sam at pinandilatan siya ng mata. Nagpipigil naman ng tawa si Bella at Darius, habang tahimik lang si Frances.

"Okay lang ba yun sayo Frey?"

Tinanong siya ni Sam na parang walang nakita.

"Oo naman, okay lang sakin, pero baka kay Kobe hindi."

I hinted sadness in her voice. Gusto ko siyang yakapin, pero hindi ko magawa. Napatingin naman sila sa akin. Tinaasan ako ng kilay ni Bella kaya tumango nalang ako. Nagplano pa kami ng ilang minuto ng biglang...

"Uhmm guys? Tapos na ba tayo? Pwedi ba mauna na ako? May pupuntahan pa kasi ko eh." - Frances.

"Patapos na rin naman tayo, gusto mo samahan kita?" - Darius

"Okay lang Dar, ako nalang. May kukunin lang naman ako doon eh."

"Sige. Ingat ka."

Kinuha niya na ang gamit niya at umalis. I followed her until she disappeared from my sight.

"Bakit kasi hanggang ngayon hindi mo pa kausapin?" -Bella

Napatingin agad ako kay Bella, lahat sila ay nakatingin sa akin. I guess this is one of our "meetings". I sighed.

"Kob, dalawang buwan na kayong hindi nagpapansinan, nasasanay na nga kami ng ganoon eh." -Sam

"And looking at my cousin, nasasanay na rin siya na hindi siya nageexist sa buhay mo. Gusto mo bang dumating sa point na totally maging strangers na talaga kayo?" - Bella

Sasagot na sana ako ng biglang nagsalita si Darius habang nakatingin sa phone niya.

"Guys, kailangan kong sundan si Frances. Sam ihatid mo nalang si Bella ha? Ako nang bahala kay Frances."

Heaven KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon