Familiarity

120 11 0
                                    

KOBE

Nasa may sala ako ng bahay namin. Iniisip ko parin ang sinabi nila Sam. Hindi ko talaga maalala si Frances. Hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi nila na bestftiend ko siya. Pagkatapos din ng pagkikita namin mas dumalas ang pagpapakita ng babae sa panaginip ko. Mga senaryo na alam ko na nangyari na sa nakaraan. Ilang gabi na rin akong hindi makatulog ng maayos.

"Ano ba, Kobe? Kanina ka pa lakad ng lakad nakakahilo ka na. Para kang trumpo, umupo ka nga."

Narinig kong sabi ni Kuya Frank. Umupo ako sa tabi niya.

"Ano bang problema mo at parang sinisilihan ka dyan?"

Tumingi ako sa kanya, I was hesitant to tell him. He just stared at me.

"Ano bang bumabagabag sayo? Mula noong umuwi ka pagkatapos ng gala nyo nila Sam, nagkaganyan ka na. May nangyari ba?"

"Kasi kuya may pinakilala sila Sam sakin 3 weeks ago..."

"Oh, tapos?"

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Baka pagtawanan lang ako nito. But, I know he can help me.

"Kasi, sinasabi nila na kilala ko daw yun eh. Bestfriend ko daw mula pagkabata."

Napatingin naman si kuya sa akin. He nodded then smiled at me. Wala naman siyang ibang sinabi at biglang tumayo.

"Labo talaga nun." Hindi pa rin ako natitinag sa kinauupuan ko ng bumalik si kuya na may dalang photo album. Ibinigay niya 'yun sa akin.

"Anong gagawin ko dito?"

"Titingnan mo malamang, alangan naman titigan mo lang."

Umupo na rin siya sa tabi ko.

"Ouh, ano pang hinihintay mo?"

Napatingin naman ako sa kanya. Agad kong binuklat ang album, puro baby pictures ang nandito. Napangiti ako, andami ko talagang pictures noong bata pa ako, kasama pamilya ko at nga kaibigan ko. Patuloy lang ako sa pagtingin sa mga litrato, hanggang sa may nakita ako at napahinto. Bakit kasama ko si Frances sa mga pictures na to?

"Siya ba ng pinakilala nila sayo?'

Napatingin ako kay Kuya.

"Kilala mo siya?" Manghang tanong ko sa kanya. Tumawa naman si Kuya na nakakuha ng atensyon ni mommy.

"Parang nagkakatuwaan kayong dalawa dito ah."

"Kasi ma, itong si Kobe..."

Sinamaan ko ng tingin si Kuya na mas lalo pang nagpatawa sa kanya. Nabaling ang tingin ni Mommy sa akin.

"Bakit anak? Anong nangyari?"

"Kayo nalang ang magusap ma. May pupuntahan lang ako."

Nagpaalam na si Kuya kay mommy at naiwan kaming dalawa. Umupo naman siya sa tabi ko.

"Care to share Kobe?"

I opened the album again and show her the picture. Mom stared at the picture and paint a sad smile.

"Kilala nyo po siya?"

She nodded, kinuha niya ang album sa kamay ko, at hinawakan ang picture.

"This is Frances, and I believe pinakilala na siya nila Sam sayo. Nagpaalam sila sa akin na sasabihin na daw nila sa kanya ang totoo."

"Ano po ang ibig niyong sabihin?"

She held my hand, and smiled at me.

"Anak, can you tell me kung anong naramdaman mo noong nakita mo si Frances sa hospital?"

Napaisip ako, ano nga ba ang naramdaman ko ng mga oras na 'yun? I tried to remember the first time I saw her.

"Una ko po siyang nakita sa hospital, noong nagising ako, parang pamilyar siya sa akin, lalo na ang mga ngiti niya, naramdaman ko pong tumibok nga mabilis ang puso ko. Tapos noong pinakilala siya sa akin nila Sam, magaan ang loob ko sa kanya, para bang kilala ko siya pero hindi ko kayang matandaan kung sino siya..."

"Do you want to know why you can't recognize her?"

Naguguluhan ako sa tanong ni mommy pero tumango ako.

" A few months ago, almost a year now. Naospital ka rin diba? 'Yun yung nabangga ka ng kotse. You were brought to the hospital. Pag.gising mo andoon sila Bella at Sam. Sa pagkakatanda ko, they mentioned her a few times but you asked who she is."

Naalala ko 'yun. Iyon ang unang beses na narinig ko ang pangalan niya. Mom hold my hand tighter. She stared at me with concern in her eyes.

"Anak, I was alarmed noong narinig kitang tinatanong sila Sam kung sino siya. Your doctor made some test and we have confirmed that you have amnesia."

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko, ako may amnesia?

"Hindi ko po maintindihan ma, kung may amnesia ako, bakit nakikilala ko kayo, sila ni Sam, si Bella. Bakit siya lang 'yung hindi ko maalala?"

Mom touched my face, I know cofusion was written all over it.

"Kobe anak, you have dissociative amnesia, sabi ng doctor may posibilidad na gustong kalimutan ng utak mo ang mga bagay na nakasakit sayo, and maybe Frances was the reason of that pain. Hanggang ngayon hindi pa rin namin alam kung ano ba talagang nangyari noong gabing sinundan mo siya."

Nakatitig lang ako kay Mommy.

"But, Kobe... Frances is a good person, she is the sweetest girl I have known. Hindi nga kayo mapaghiwalay noong mga bata pa kayo eh. She was always there for you kahit nang mga panahon na hindi pa siya pinapakilala ulit nila Sam sayo."

"Mom, naguguluhan po talaga ako."

"Talk to her. Tanungin mo siya ng mga bagay nga gusto mong malaman. Spend time with her, baka sakali bumalik ang mga alaala ko sa kanya, kung hindi naman, start your friendship again."

Mom hugged me tight. Alam ko na hindi ko masasagot lahat ng tanong ko kung hindi ko siya kakausapin, o kahit sila Sam. Alam ko sa sarili ko na kailangan ko siyang makita ulit.

Heaven KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon