Truth About Him

133 12 0
                                    

FRANCES

Nagpunta ako sa bahay nila Bella para makausap siya, may atraso pa sa akin ang babaeng yun, pati na rin ang unggoy na Sammy na yun.

Tatlong linggo na ang nakalipas mula noong nagkita kaming apat at pinakilala nila ako kay Kobe. Pero hindi ko inaasahang sa ganoong paraan nila ako balak ipakilala.

Nadatnan ko sila ni Sam na nag.uusap sa garden, tamang tama hindi ko na kailangang hanapin pa ang unggoy na to.

"Siguro nga tama ka, kailangan niya nang malaman ang sitwasyon ni Kobe."

Narinig kong sabi ni Bella, hindi ko alam pero agad akong nakadama ng kaba.

"Anong sitwasyon?" Tanong ko agad sa kanila. Napatingin naman agad silang dalawa sa akin, they were shocked at first pero napalitan agad ito ng pag.aalala.

Tumayo si Sam at giniya ako paupo. "Maupo ka na muna Frey, sasabihin ko lang kay manang na magpapahanda tayo ng meryenda."

Sanay na sa amin ang mga kasama namin sa bahay kahit kaninong bahay pa kami pumunta. Umalis si Sam at naiwan kaming dalawa ni Bella. I was staring at her, gustong gusto ko nang malaman kung ano ang pinag-uusapan nila. She looked at me, pero patuloy pa rin ang pagkain niya sa brownies na nasa harap niya.

"So..."

"Hintayin na natin si Sam."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinutol niya agad ako. Ilang sandali pa bumalik na si Sammy at kasunod niya si Manang Sabel na may dalang meryenda. Nagpasalamat kami at umupo na siya sa tabi ni Bella.

Pareho lang silang nakatingin sa brownies na nasa harap nila. Siguro nag-iisip kung sino ang dapat na magsalita.

"Ano ba ang dapat kong malaman?" Pagbasag ko sa katahimikan na namumuo sa pagitan naming tatlo. Nagkatinginan naman silang dalawa at parang nag-uusap gamit ang mata nila.

"Ano magtititigan na lang kayong dalawa?" Inis na sabi ko.

I heard a sigh from Sam. He looked at me.

"Sasabihin namin sayo to, pero ipangako mo sa amin na hindi mo sisisihin ang sarili mo."

Naguguluhan naman akong tumingin sa kanya.

"Sabihin mo na nga lang Sam." Paguudyok ko sa kanya.

He took a deep breath, looked at me again with concern in his eyes. He held my hand.

" Alam ko naguguluhan ka kung bakit after ni Kobe na maospital hindi ka na niya pinansin. Hindi ka na niya kinakausap, at hindi ka na niya binibigyan ng oras."

I nodded. I was very devastated, naalala ko nang makalabas siya at gumaling na ako ay pinuntahan ko siya sa kanila. I waited for him sa sala nila, excited dahil makikita ko na siya, pero noong pagbaba niya tiningnan niya lang ako at umalis.

"Cous, hindi galit ang dahilan ni Kobe kaya hindi ka niya pinapansin."

I looked at Bella, mas lalo akong naguguluhan.

"Kung totoo ang sinasabi nyo na hindi siya galit, bakit ang cold niya sa akin? Bakit parang hindi niya ako kilala? Ano yun? Trip niya?"

"Hindi cous, hindi ka niya pinagtitripan..."

"Kung hindi 'yun trip, ano yun?!"

Naiinis na ako sa takbo ng usapan naming tatlo. They were hesitant to talk to me.

"Ano bang trip nyo? Kasabwat niya ba kayo?! Kasi kung ganoon, ang galing galing nyo!"

Sigaw ko na sa kanilang dalawa.

"Frey hindi."

"Eh, ano nga!"

"May amnesia si Kobe."

Napatahimik ako sa huling sinabi ni Sam. I looked at him, hoping that he will tell me na nagjojoke lang siya, pero para akong nabuhusan ng malamig na tubig, his eyes were not lying, I looked at Bella, her eyes were saying the same thing.

"Amnesia..." Pag.ulit ko sa sinabi ni Sam. Hindi ko madigest ang sinasabi nila. "Kailan pa? Pero bakit naaalala niya kayong dalawa?" Mahina kong tanong sa kanila.

" Noong araw na pinauwi ka namin para magpahinga, nagising si Kobe. Masaya kaming lumapit sa kanya noon, sinabi namin na matutuwa ka pagnalaman mo. Pero tinanong niya kami kung sino ka." Sabi ni Bella.

"Sinabi kong bestfriend ka namin, at magpinsan kayo ni Bella, pero hindi ka niya matandaan. Akala namin noong una nagjojoke lang siya, pero noong sumakit na ang ulo niya, doon na kami kinabahan." Pagpapatuloy ni Sam sa sinasabi ni Bella.

"His doctor immediately made some test para malaman kung ano ang nangyayari, ilang araw din naming hinintay ang results. At nung lumabas na, doon na naconfirm ang hinala namin, Kobe has Dissociative Amnesia. Natanong na rin namin ang doktor kung bakit parang nabura ka sa isip niya. Sabi niya, it was usually associated with strong emotion kagaya ng pain. Pilit kinakalimutan ng utak ni Kobe ang mga bagay o tao na nakasakit sa kanya..."

Nakita kong naiiyak na si Bella, hindi ko na rin maiwasang tumulo ang luha ko.

"All this time, akala ko galit siya sa akin. Pero bakit ngayon 'nyo lang to sinabi sa akin?"

Tanong ko sa kanila.

"Si Tita May, siya ang nagdesisyon na 'wag na munang sabihin sayo."

"Bakit?"

"Nakita ni tita kung paano mo sinisi ang sarili mo noong naaksidente siya. Ayaw na ni tita na madagdagan pa yun."

"Pero dapat ko rin namang malaman diba?!"

"Alam namin cous, mahirap din para sa amin na itago sayo ang totoo, lalo na at ikaw lang ang hindi niya naalala."

"Alam namin na may kasalanan kami, kaya patawarin mo sana kami ni Bella, Frey."

"Ginawa namin 'yun para sayo. Pero noong nakita namin na mas lalo kang nahihirapan sa sitwasyon, na parati kang frustrated kasi hindi nagbubunga ang efforts mo para mapansin ka niya ulit, doon na kami nagdalawang isip. Kaya nga sinabi namin sayo nga ipapakilala ka namin ulit sa kanya. Kaya ginawa namin 'yun 3 weeks ago."

Pinahid ko ang luha ko, I take a breath, at tumingin sa kanilang dalawa.

"Gusto kong magalit sa inyo eh, kasi itinago niyo sakin to. Pakiramdam ko pinagmukha niyo akong tanga. All this time, akala ko galit lang siya kaya hindi niya ako pinapansin. Akala ko pinagtitripan niya lang ako. Pero alam ko rin na ginawa nyo yun para sa akin. Pero ang unfair nyo pa rin eh. Kung nalaman ko lang sana ng maaga sana hindi na ako nagmukhang tanga sa bawat pagkakataon na sinusubukan kong mapalapit sa kanya."

"We are so sorry cous."

Tumayo sila at niyakap ako. Hindi ko pa rin maintindihan ang nararamdaman ko. Kaya pala, kinalimutan na pala ako ng isip niya.

"Wag kang mag.alala tutulungan ka namin para maalala ka niya." - Bella

"Oo nga Frey, hindi tayo titigil hanggang mabuo ulit tayong apat."

Tumango ako. Alam ko marami pa kaming dapat gawin, pero hindi ko siya susukuan.

Heaven KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon