Unexpected Moments

168 7 2
                                    

KOBE

Matapos ang pag-uusap namin noong nasa bahay kami nila Frances, ay nag-usap din kaming apat. Alam naman namin na tama siya. Nitong mga nakaraang buwan mula ng malaman namin ang sakit niya ay bantay sarado na kami sa kanya, lalong- lalo na ako. We decided to follow her, alam naman kasi namin na hindi niya rin kami titigilan.

Nang mga sumunod na araw ay kanya-kanya na kaming pumunta sa mga gusto naming puntahan. I still keep on checking on her, halos kada oras ay tinatawagan ko siya. At syempre pa, napapagalitan ako dahil sa kakulitan ko.

Nasa park ako ngayon at naghahanap ng subject, gusto kong icapture ang sunset at ipakita sa kanya. Araw-araw, pagnatapos na akong magcapture ng mga litrato ay dumidiritso ako sa kanila para ipakita sa kanya ang mga shots ko. Siya ang nagsisilbing critic namin. Pinapakita din ni Darius ang mga pinta niya, at pinapatikim ni Bella sa kanya ang mga na bake niya, habang si Sam naman ay sinasabi sa kanya ang lahat ng resulta ng training niya. Gusto namin na kahit hindi namin siya kasama ay updated pa rin siya sa mga ginagawa namin. Nasanay na talaga kaming kasama namin siya parati.

Lumulubog na rin ang araw at napagpasyahan ko na pumunta sa may tabing dagat. malamig ang simoy ng hangin, magpapasko na rin kasi. Maraming tao ngayon na namamasyal kasama ang mga kaibigan at pamilya nila. I smiled, ganito rin sana kami kung okay si Frances. Napatingin ako sa paglubog ng araw, napakaganda. She love the sunset, ilang ulit kaming pumupunta dito para lang tanawin ang paglubog nito. I took a couple of shots and look at it. Nasa huling litrato na ako ng bigla kong naisipang icheck ang phone ko, nakita ko na maraming missed calls sina Darius bigla akong nakadama ng kaba. I hurriedly dialed her number.

Ilang beses kong dinial ang number niya pero walang sumasagot, I tried to dial the squads number too pero wala. Abot langit ang kaba ko, dali-dali akong tumakbo sa kotse ko at nagmadaling magdrive. I was praying so hard for her safety.

Nangmakarating ako sa bahay nila ay agad akong pumasok. Wala man lang tao, I looked for her everywhere, then I reached her room. I open the door and saw no one. Gusto ng pumatak ng mga luha ko ng may makita akong note.

"Hoy bakulaw! Pumunta ka sa garden."

Agad akong pumunta sa garden nila, hinihingal na ako at alam ko na aatakihin ako kung hindi ako kakalma, pero kahit anong gawin ko ayaw sumunod ng katawan ko. When I reached the garden I was frozen on my tracks. Hindi ko maintindihan kung ano ang dapat kong maramdaman. I then felt my tears fall. Sa gitna ng garden nila nandoon siya nakaupo sa picnic blanket at nakatalikod kung saan ako nakatayo, at parang kanina pa naghihintay. May malaking screen din na nakatapat sa may pinto.

I walked slowly towards her, trying to calm my self. Ilang hakbang nalang ang layo ko sa kanya ng lumingon siya. She smiled at me, hindi ko na napigilang humagulgol. I saw panic in her eyes at tumayo siya ng dahan dahan. Hindi na kaya ng mga paa ko at bigla akong napaluhod. She hurriedly walk towards me and hugged me tightly. Hinayaan niya lang akong umiyak, ramdam ko rin ang kabog ng dibdib niya at alam kong nababahala siya. I calmed my self but continue to hugged her.

"Tinakot mo ako bab..." Agad kong sabi sa kanya ng makalma ko na ang sarili ko. She let go of the hug, and gave me a sly smile.

"Sorry." Sagot niya at niyakap ako ulit. She held my face and smiled at me. "Ang tagal mo naman."

I tried to give her a smile, kahit na ramdam ko pa rin ang kaba sa buong katawan ko. She held my hand and pull me slowly to get up. Giniya ko siya papunta sa blanket na nakahanda na. Umupo kaming dalawa, at hawak ko pa rin ang mga kamay niya. May takot akong baka mawala siya pagbinitawan ko siya.

"Hindi ako aalis." Ngumiti siya na para bang nababasa niya ang nasa isip ko. I smiled at her. She let go of my hand and wiped my tears. She cupped my face and make faces in front of me. Talagang alam niya kung paano ako pangitiin ng totoo. Unti unti nawala ang kabang bumalot sa akin. It took me a while to ask her kung anong nangyayari. She looked at me with her sweetest smile, and because of that I can't help but smile too. She looked at the sky.

"Gusto ko lang na magspend ng time na kasama ka. Nitong mga nakaraang araw kasi masyado na kayong busy sa mga projects niyo."

Napatingin ako sa kanya, I then sense sadness in her voice.

"Bab...." I reached for her hand, she looked at me and smile.

"Okay lang ako. Masaya nga ako na hindi na sa akin nakafocus lahat ng panahon niyo. Nakakalungkot lang na, hindi ko magawa ang lahat ng gusto ko kasi maraming bawal. Kung wala lang sana akong sakit, sana magkasama kami ni Bella na nagbebake, tapos pupunta tayo sa exhibit ni Dar, punpunta din tayo sa laro ni Samuel, at syempre sasamahan kitang kumuha ng mga litrato kahit saan."

"Magagawa mo rin yan. Lalaban tayo diba?"

"Pero, paano kung..."

"Wag kang mawalan ng pag-asa, bab. Andito kami, we are praying na makahanap na tayo ng donor para sayo. Kapit lang." Pagputol ko sa sasabihin niya. Ayokong marinig ang mga what if's niya. Nahihirapan ako.

"Para saan pala to?" Pag-iiba ko sa usapan.

Nilibot niya ang mata niya sa paligid. Ngumiti ulit siya.

"Pasasalamat ko sayo. Kasi, parati kang nandyan sa tabi ko, kahit inaaway na kita minsan, andyan ka pa rin. Kahit na makulit ako minsan, nasasabayan mo ang mga moodswings ko, kaya maraming salamat."

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Sa loob ng halos isang taon, andyan ka parati sa tabi ko, kaya asahan mo na hindi ako mapapagod."

FRANCES

The night was still young nang nagplay ang isang video. I looked at him and smiled when I saw him surprised. I looked at the screen. Pinaayos ko pa taaga ang lahat kanina kina Darius. I am thankful na andito sila parati, lalo na ang lalaking nasa tabi ko ngayon. I stared at him lovingly. I love him, at wala akong sasayangin sa natitirang oras na meron ako, kung sakali mang hanggang dito nalang talaga ang byahe ng buhay ko.

"Bab..." I called him softly, he looked at me still with the amazed looked in his eyes. I smiled.

"Paano mo nagawa to?" He asked me.

Napatingin ako sa screen, pictures naming dalawa ang kasalukuyang nagpiplay.

"Marami naman akong panahon. At saka special na araw kasi ngayon." I looked at the stars. "Tingnan mo ang daming mga bituin ngayon sa langit, parang nakikisama sila sa gagawin ko." Tumingin ako ulit sa kanya, confussion was written all over his face.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kobe, maraming salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Mula pagkabata, andyan ka palagi. Ikaw yung kasama ko sa lahat ng bagay, sa lahat ng adventures na nagawa ko. Mga lakwatsa na hindi naman na paplano, pero on the go ka pa rin."

He was listening attentively to me, I took a deep breath and gather my thoughts.

"Kobe, I want you to stop courtine me."

Then I saw confussion, sadness and surprise written all over his face.

"But bub, why? Handa naman akong maghintay. Diba sabi ko sayo na...."

Hindi ko na siya pinatapos magsalita. I hussed him, and I smiled.

"I want you to stop courting me, kasi sinasagot na kita."

Heaven KnowsWhere stories live. Discover now