Uncertain

132 12 0
                                    

FRANCES

Nakahiga na si Kobe sa kama niya. Medyo okay na rin siya. Nasa tabi niya lang ako at nakabantay sa kanya.

"Matutunaw na ako." Agad niyang sabi at minulat ang mga mata niya. I just stared at him. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Sorry kung pinag.alala ko kayo. Lalo ka na."

"Bakit ka ba kasi umalis?"

"Gusto ko lang sanang magpahangin. Hindi ko namalayan na napalayo na 'yung lakad ko."

"Pwedi ka namang magsabi eh. Iniwan mo pa ang phone mo. May problema ba? Hindi ka naman ganyan kung wala kang iniisip." Tanong ko sa kanya.

Iniwas niya ang tingin niya sa akin. "Wala naman."

I sighed. Alam ko na nagsisinungaling siya.
"Sa akin ka pa talaga magtatago?"

Napatingin naman siya sa akin. I looked at him intently. Naghihintay pa rin ako na magsalita siya.

"Hindi ko alam, pero..."

"Pero?"

"Naiinis ako pagmagkasama kayo ni Darius."

Napatahimik ako. Hindi ko alam kung bakit nakadama ako ng kaba sa sinabi niya.

"Bakit ka naman maiinis? Kaibigan naman natin si Dar ah?" Tanong ko sa kanya.

He looked away. Hindi ko rin alam bakit may saya akong nararamdaman ng sinabi niya yun.

"Are you jealous?" Napatingin siya sa akin. Nakakunot ang noo niya. But his eyes have answered my question. I smiled at him.

"Alam mo, wala ka namang dapat ikaselos eh. Dar and I are just friends. At kahit noon pa ganyan na talaga kaming dalawa. Alam ko naman na nakalimutan mo na kung anong pinagsamahan nating lima, lalong lalo na ang pinagsamahan natin. But I can assure you na wala kang dapat ipag-alala."

I smiled after I said that to him. He smiled at me too.

"Sige na pahinga ka na."

Tatayo na sana ako ng pinigilan niya ako.

"Please stay." Sabi niya habang nakatingin sa akin.

I smiled again and nodded.

KOBE'S POV

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Ginalaw ko ang kamay ko pero may napansin akong nakahawak dito, tiningnan ko ito at nakita ko na nakatulog sa tabi ko si Frances, I smiled. Napakaganda niya. Inalis ko ang nakaharang na buhok sa mukha niya.

"Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko kayo ni Darius na magkasama. Ayoko na pinapangiti ka ng iba, gusto ko ako lang ang gumagawa noon. Alam ko na kaibigan ko si Darius, naalala ko na masaya kami parati noon, pero hindi ko mapaliwanag kung bakit ganito, hindi ko alam pero nagseselos ako."

Oo, nagseselos ako kay Darius. Ngayon ko lang naamin sa sarili ko to. Mula ng dumating siya, pakiramdam ko may kaagaw na ako kay Frances. Sa atensyon niya, sa presensya niya at ayoko noon.

Napabuntong hininga ako. Dahan dahan akong tumayo at inayos ang pagkakahiga niya.

"Inaalala pa lang ulit kita pero pakiramdam ko may kaagaw na ako sayo."

Ilang linggo na rin ang nakalipas mula noong nangyari sa park, andito kami ngayon sa beach, biglang nag.aya si Bella, nabobored na daw siya sa routine namin. Sumang.ayon naman ang lahat dahil free day namin ngayon, may teachers assembly kasi sa school kaya wala kaming klasi ng tatlong araw. Long week end para sa amin, kaya instant bakasyon para sa aming lima.

Oo, kasama namin si Darius. Mula nang sinabi niya sa akin na wala naman akong dapat alalahanin, I tried to control my emotions pagmagkakasama kami.

May mga ala.ala na ulit na dumadating, kaming apat, kasama si Dar bago siya umalis. Kaya pilit kong winawaksi ang selos na nararamdaman ko pagnakikita ko sila.

Nakatambay lang ako sa veranda ng bahay bakasyonan namin nang lapitan ako nila Dar at Sam.

"Hanggang ngayon ba naman bro? Nakaw tingin pa rin?"

Napatingin ako kay Darius, hindi ko naman maintindihan ang sinasabi niya. Biglang tumawa si Sam.

"Sabi ko naman sayo Dar eh, lumalabas na talaga kung anong tinatago niya."

"Ano bang ibig niyong sabihin?"

"Hay nako. Alam mo Kob, bago ako umalis papuntang States may nakapagsabi na kasi sa akin na may tinatago kang feelings para sa bestfriend mo."

Mas lalong akong naguluhan sa sinabi niya.

"Sabihin mo nga sa amin ngayon bro, anong pakiramdam mo na parati mong kasama si Frey?"

Napatingin ako kay Frances matapos kong marining ang tanong ni Sam. Napangiti ako.

"Masaya ako, pinagagaan niya ang lahat. Yung tipong pag masama ang mood ko napapagaan niya agad, isang ngiti niya lang ayos na lahat."

"At hanggang ngayon selos na selos ka parin sa akin."

Napatingin ako kay Darius, nakita kong nakangiti siya.

"Alam mo kasi Kobe, matagal ko nang alam na nagseselos ka sa akin, sa atensyon na binibigay ko kay Frances. Bro, wala kang dapat ikaselos. At saka baka mapansin mo na parang nangyari nato, ito rin yung sinabi ko sayo bago ako umalis papuntang states noon. Kapatid lang ang turing ko sa kanya, at isa pa may gusto na 'yan eh. Hindi nga lang niya masabi."

Napakunot ang noo ko, may iba na siyang gusto? Sino?

"Kaya kung ako sayo bro, aminin mo na sa kanya yang nakatago dyan sa dibdib mo. Baka maunahan ka pa ng iba."

Tinapik ako nila Darius at pumunta kung nasaan sila ni Frances. Hindi maalis sa isip ko ang sinabi nila.

I looked at her, ang mga ngiti niya napakaganda. Kaya ko bang makitang ngumiti siya sa iba?

Heaven KnowsWhere stories live. Discover now