Jealous Kobe

169 12 0
                                    

KOBE

Ilang linggo na ang nakakaraan mula noong nakita namin si Darius sa mall. Parati na rin siyang sumasama sa aming apat. Close na close sila si Frances, close rin naman sila ni Bella pero iba ang closeness nilang dalawa.

Nasa may park kami tumatambay, kanina pa wala sa mood si Frances. Laging nakaangil, laging nangiirap. Hindi ko naman malapitan baka masigawan ako. Nasampolan na nga kanina si Sam. Natatawa pa rin ako sa itsura niya.

"Tinatawa mo dyan?!" Napatingin ako sa nagsalita, nakita niya pala ako. Lagot na.

"Ah, wa-wala naman."

She rolled her eyes and made faces. Napabuntonghininga ako. Lakas ng tupak ng babaeng to ngayon.

"Ayan, tatawa-tawa ka pa kasi." Sabi naman ni Sam sakin. Kanina pa kami tahimik dito, hinihintay namin si Bella na dumating, may dinaanan pa daw kasi.

"Bwisit ang tagal." Reklamo nitong babaeng nasa harap ko.

Napailing na lang ako. Kanina pa kasi kami naghihintay sa kanya.

"Ba't ba ang sungit mo?" Tanong ni Sam sa kanya.

"Ewan ko sayo!" Angil naman ng isa. Napailing nalang ako, nakita ko namang nangingiti ang katabi ko.

"Hoy, anong problema mo? Ba't nakangiti ka?" Bulong ko sa kanya.

"Alam ko na kung bakit ganyan yan."

Nalito naman ako sa sinabi niya. Ngiting ngiti kasi ang mokong. Magtatanong pa sana ulit ko ng biglang dumating si Bella, at syempre si Darius. Magkasama pala ang dalawang to.

"Sorry cous, medyo natagalan."

Nakakunot na ang noo ni Frances at nakasimangot. Natawa naman si Darius, na mas lalong nagpainis dito.

"Oh, chill ka lang. Nagiging monster ka na naman eh."

May hinanap si Darius sa dala niya at nilabas ang isang box ng assorted chocolate. Bigla namang lumiwanag ang mukha nito at parang batang pumalakpak. Kinuha niya agad ang box at sinimulang kumain

"Sabi ko na eh." Napalingun naman ako kay Sam na iiling iling.

"Dahan dahan lng uy. Marami pa dito yan."

Napatingin ako sa plastic na dala nila. Puro chocolate ang laman.

"Para kay Frey 'yan lahat. Pasensya na Kobe ha, ganyan talaga yan pag meron."

"Ha? Anong meron?" Napatawa naman si Sam sa sinabi ko. Nabatukan tuloy ni  Bella.

"Red Days."

Doon ko lang naintindihan. Kaya naman pala kanina pa kami iniirapan. Napangiti nalang ako. Napatingin naman ako sa kanya na enjoy na enjoy sa kinakain niya. Tawa din ng tawa ang katabi niya. Naramdaman niya siguro na nakatingin ko sa kanya, tumingi  siya sa akin at inirapan ako. Anong ginawa ko?

"Tss." Binawi ko ang tingin ko. "Para namang hindi nakakain ng chocolate. Tuwang tuwa?" Bulong ko.

Tawanan pa rin silang dalawa ng tawanan.

"Kayo lang tao dito?" Bulong ko ulit.

Nakita ko na pinunasan niya ang mukha ni Frances. "Aliw na aliw ah." Bulong ko ulit. Ewan pero biglang uminit ulo ko. Naikuyom ko ang kamay ko. Kasabay noon ang pagsikip ng dibdib ko.

"Ahem, may jelly ace ata dito."

Napatingin naman ako kay Sam at Bella. Nakataas ang kilay ni Bella habang mapanukso naman ang ngiti ni Sam.

"Oh, problema nyo?" Tanong ko sa kanila. Bigla naman silang natawa dalawa. Hindi naman sila nagsalita at nag.apir pa. "Tss, ewan ko sa inyo."

Tumayo ako, tiningnan ko sila ni Darius, nagkakatuwaan pa rin sila. Tumalikod ako at umalis, bahala na. Gusto ko lang lumayo.

Naglakad lakad lang ako sa park at huminto ako sa isang malaking puno. Umopo ako, at napabuntong hininga.

"Ano bang nagyayari sayo Kobe?" Pagkausap ko sa sarili ko. Napatingala ako at napapikit, nakakainis, hindi ko alam kung bakit ganito ang mararamdaman ako.

Kinapa ko ang dibdib ko. "Ano ba tong nararamdaman ko sayo Frances?"

FRANCES POV:

Tuwang tuwa ako sa dala nila Darius. Isang plastic ba naman ng chocolate ang dala niya para sa akin. Nagiging monster talaga ako pag meron ako.

"Takaw mo talaga noh. Malapit mo nang maubos ang isang box." Sabi ni Darius na tawa ng tawa.

Inirapan ko siya. Ang sarap kaya nito.

"So saan tayo tapos mo dyan?" Tanong ni Bella sa akin. Nangingiti naman siya.

Nagkibit balikat lang ako. "Dependi sa inyo. Kahit saan game na ako."

"Hahahah nakakain na kasi ng chocolate kaya okay na." Tukso naman ni Sam sa akin. Tiningnan ko siya ng masama. Napakunot ang noo ko nang napansin ko na wala si Kobe sa tabi niya.

"San si Kobe?" Tanong ko sa kanila, doon lang rin nila napansin na wala ito.

"Andito lang yun kanina eh. Bumubulong bulong pa nga." Sabi ni Bella.

Napatayo ako. Saan na yun?

"Oh, kanina sinusungitan mo, tapos ngayon hahanapin mo?" Tukso ni Darius. Nakita niya kasi na iniirapan ko si Kobe kanina. Napakamot ako ng ulo.

"Tawagan nyo nalang kaya." Sabi naman ni Darius.

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number niya. Narinig ko na may nagring sa tabi ni Sam. Agad naman itong kinuha ni Sam.

"Andito ang phone niya Frey."

"Bakit iniwan niya 'yan."

I started to panic. "Andyan ba yung gamot niya?"

Agad namang tiningnan ni Sam ang bag na katabi niya. Alam niya na kay Kobe yun.

"Oo andito."

Napatingin si Bella sa relo niya. "Shit, oras na para sa gamot niya."

Nakita ko na natataranta na rin siya.

"Kumalma kayo. Hahanapin lang namin siya." Sabi naman agad ni Darius. Inaya niya si Sam na umalis habang kami ni Bella ay naiwan.

"Bakit ba kasi umalis yun?" Tanong ko kay Bella.

"Hindi ko rin alam eh."

Naiiyak na ako. Ano ba naman to. Kukutusan ko talaga yung Kobe na yun mamaya. Palinga-linga din ako hoping to see him. Grabe na ang kaba na nararamdaman ko. Hindi na rin mapakali si Bella.

Ilang minuto pa ng lumipas, nakita na namin si Sam na humahangos, nasa likod niya si Darius na akay akay si Kobe. Namumutla na ito. Agad naman akong napatayo at sinalubong sila. Tinulungan kong alalayan si Kobe, at pinaupo. Agad na kinuha ni Bella ang gamot at dahan dahan siyang pinainom.  Hinawakan ko siya sa mukha. His disoriented.

"Bub, tumingin ka sa akin.. Bub, hinga ka ng malalim. Bub, wag kang pipikit.'

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Nakakainis, hindi ko man lang namalayan na umalis siya. Dahan dahan siyang tumingin sa akin, unti unti na ring nagkakakulay ang mukha niya. Hinagod ko ang likod niya.

"Bakit ka kasi bigla biglang umaalis?!" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at napataas ang boses ko.

Hindi siya nagsalita, bagkos hinawakan niya ang kamay ko. Napabuntong hininga nalang ako. Ilang minuto pa ng nakalipas at unti unti nang bumalik ang paghinga niya sa dati. Hawak niya pa rin ang kamay ko.

"Guys, uwi nalang tayo." Pag.aaya ni Bella. Agad namang tumango ang dalawang boys.

"Kaya mo nang tumayo?" Tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin, ngumiti at tumango. Inalalayan naman siya kaagad ni Darius at Sam.

"Hatid ko na kayo." Sabi ni Darius. Agad naman kaming tumango, at tumuloy na sa sasakyan niya.

Magkatabi kaming tatlo ni Kobe at Bella sa loob nakapikit siya, pero hawak niya pa rin ang kamay ko. Nakatitig lang ako sa kanya.

Hay, buhay. Pinakaba mo na naman ako.

Heaven KnowsWhere stories live. Discover now