Ignored

144 10 3
                                    

FRANCES

Two weeks, two weeks na niya akong hindi kinakausap, pagnapapadaan siya sa harap ko tinitingnan niya lang ako, at katulad ng mga nagdaang araw his stare was so cold. Hindi na rin siya sumasama sa gala namin. Okay naman siya kina Sam, pinapansin niya silang tatlo pero ako? Parang hangin lang. I hate this feeling, parang bumabalik kami sa panahong hindi niya ako kilala pero mas masakit ito ngayon, dahil alam ko naalala niya na ako.

"Tulala ka na naman cous."

Narinig kong sani ni Bella, I looked at her and painted a sad smile.

"Tinitignan mo na naman si Kobe." - Darius

Doon ko lang napansin na nasa harap ko na rin pala ang dalawang itlog. I sighed, ganito ang senaryo araw-araw nasa malayo siya, at ako nakatanaw sa kanya. Tulad ng nakaraang mga buwan.

"Mabuti pa magmall nalang tayo." Excited na sabi ni Bella. Tumango naman ang dalawang boys.

"Pass nalang muna." Agad ko namang sabat sa kanya.

"Ano ka ba naman Frey, ilang gala na ang hindi mo sinamahan, parati ka nalang pass ng pass." Sabat ni Darius. "This time we won't accept no as an answer. Kailangan mo namang mag.enjoy."

"Tama si Darius Frey, dalawang linggo ka nang matamlay. Kailangan ko namang magloosen up."
Segunda naman ni Sam.

"Oo nga naman cous. Kaya tayo na dyan at aalis na tayo."

Wala akong magawa ng hilahin ako ni Bella. Sumangayon nalang ako kasi wala naman akong panalo sa tatlong to. Dumaan kami sa harap niya pero hindi man lang niya ako tiningnan. Nauna na kaming lumabas at naghintay sa labas.

Ilang minuto lang dumating na ang dalawa at may kasama. Si Kobe.

"Inaya na namin si Kobe ha, wala naman kasing gagawin. Okay lang ba Frey?"

Nakatingin lang siya sa malayo, tumango na lamang ako at sumakay na kami sa sasakyan. Tahimik lang kaming dalawa habang ang tatlo ang nagsasalita, nagbabangayan na naman si Bella at Sam.

"Parang tanga to, ang pangit kaya ng kulay." - Sam

"Excuse me! Makatanga ka ah!" - Bella.

"Hoy tumahimik na nga kayong dalawa. Kulay lang yan! Pagkayo nagkatuluyan, ewan ko nalang sa inyo."  - Darius.

Napangiti ako sa sinabi ni Darius. Parati nga namang ganito sila ni Sam. Ganito rin kami noon, nagbabangayan sa maliliit na bagay. I glance at him pero nakatingin lang siya sa labas. Paminsan minsan sinasaway niya ang dalawa. Tapos tatawa sa sinasabi ni Sam o kaya ni Darius. Iinisin si Bella, pero hindi man lang ako magawang tingnan. My heart ached, wala na ba talaga ako sa kanya?

Ilang minuto pa lumipas ay nakarating na rin kami sa mall. Nag.aya na muna silang kumain bago kami maglibot. Pumasok kami sa isang fastfood chain. Pumila na sila para bumili ng pagkain, habang ako na ang naghanap ng mauupuan namin.

Ilang sandali lang dumating na sila dala ang order namin. Nilapag na ni Darius ang pagkain sa harap ko. Nakakatakam ang mga yun, pero wala akong gana. Nagsimula na silanh kumain habang ako ay nakatingin lang sa pagkain ko.

"Hindi mauubos yan kung titingnan mo lang. Baka gusto mo subuan kita."

Napalingun ako kau Darius, at ngumiti. I looked at him too, pero busy siya sa pagkain niya. Kahit wala akong gana sinubukan kong kainin ang pagkain na nasa harapan ko.

Tahimik lang ang lahat na kumakain. Normal naman talaga sa amin to, pero dati yun. Now I felt awkward. Parang gusto ko nalang matapos ang araw na to, umuwi at ilabas lahat ng luha ko.

Pagkatapos naming kumain ay nag.aya na silang maglibot, naglaro kami sa arcade at nanood ng sine. Parati kong sinusubukang kausapin siya pero lumalayo siya kaagad. Minsan nagpapanggap siyang may katext kahit alam kong wala naman. And the cycle goes on. And my heart started to sink deeper and it hurts more.

Natapos ang araw, walang ni isang salita ang namutawi sa labi niya. Nawawalan na rin ako ng pag.asa na maayos pa namin kung ano man ang problema.

Hinatid na nila kami ni Bella sa bahay, sasamahan niya daw ako. Dumiretso ako sa kuarto at doon hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pa gustong lumabas. Bella rushed by my side and hugged me tight.

"Shhh, tahan na. Maayos din ang lahat."

"Pero paano? Ilang beses na akong nagtangkang kausapin siya. Ilang beses na rin along nabigo. Nakakapagod na Bella."

"Alam mo naman ang pinagdadaanan niya diba? May mga bagay siyang narinig na nakasakit sa kanya."

"Yun nga eh, mga bagay na hindi niya man lang masabi sa harapan ko. Paano ko mapagtatanggol ang sarili ko? Paano ko masasagot ang mga tanong niya?"

"Bigyan mo nalang muna siya ng panahon. Alam ko na kakausapin ka rin noon. He just need time."

I smiled, kahit na litong lito na ako. Nasasaktan na ako ng todo. Kaya ko pa ba to?

KOBE

Natapos ang araw ng hindi ko siya pinapansin. Ilang beses niya akong sinubukang kausapin pero umiiwas ako. Ayoko, hindi ko pa kaya.

Kahit hindi ko siya kinakausap, napapansin ko ang pagiging matamlay niya, nawalan na rin ng kulay ang mga ngiti niya. Palagi siyang malungkot at alam ko na ako ang dahilan. Distracted na rin siya. Ilang beses ko na siyang nakikitang nakatitig lang sa akin at nakatulala.

Hinatid na namin sila ni Bella, at inaya ako ng dalawang tumambay muna. Dinala kami ni Darius sa tinatambayan namin. Malamig ang hangin, at maaliwalas ang panahon. Umupo kami sa likod ng sasakyan.

"Hanggang kailan mo ba balak gawin to bro?"
Agad na tanong ni Sam.

Napatingin naman ako sa kanya, ganoon diin silang dalawa, hinihintay nila ang sagot ko. I took a deep breath.

"Hindi ko alam."

"Kob, alam ko na nahihirapan ka. Alam namin na hanggang ngayon nagtatalo yang utak at puso mo dahil sa mga naalala mo. Pero hindi naman kasi masasagot ang mga tanong mo kung hindi kayo mag.uusap." - Darius.

"Kanina sa mall, ilang beses ka niyang nilapitan. Pero ikaw yung lumalayo. Akala ko noong sinabi mo sa amin na yayain namin siyang lumabas kakausapin mo na siya." - Sam

"I was waiting for the same thing, Kobe. Dude, nahihirapan na si Frances, kung hindi mo napapansin, parati siyang wala sa sarili niya, parang kulang na nga sa tulog eh." - Darius

"Isa pa bro, nangangayayat na rin. Parating walang ganang kumain yun. Himala nga at kinain niya ang pagkain na inorder mo kanina." - Sam.

I sighed. I looked at them. My tears started to stream down my face.

"Nakikita ko lahat ng nakikita niyo. Kanina, gustong gusto ko na siyang kausapin, yakapin, hindi nyo lang alam kung gaano ko kagustong maayos na to. Hindi ko naman gustong mahirapan si Frances. Alam nyo na mahal na mahal ko siya. Higit pa sa bestfriend ang tingin ko sa kanya. Pero hindi ko magawang harapin man lang siya.  Alam nyo na kahinaan ko si Frances. Pero itong pesting sakit  na nararamdaman ko ang pumipigil sa akin para ayusin ang lahat ng to. Itong takot na to, ito ang humihila sa akin para tiisin na hindi siya kausapin."

Tinapik ako si Darius, ganoon din si Sam.

"Hindi ka namin pipilitin na kausapin siya ngayon, pero sana wag mo nang patagalin. Kasi, sa nakikita ko kay Frey, malapit na siyang sumuko." -Darius

"Oo nga bro, sana 'wag mo nang hintayin na umabot pa sa punto na yun. Kasi pagnangyari yun, baka tuluyan nang mawala si Frey sayo." - Sam

Katahimikan ang pumalibot sa amin matapos nilang sabihin sa akin yun. Masakit para sa akin ang lahat, at alam ko nasasaktan din siya. Sana makayanan ko nang harapin itong takot ko.

Heaven KnowsWhere stories live. Discover now