Dreams Do Come TRUE.

190 5 2
                                    

KOBE

"Kasi sinasagot na kita."

"Kasi sinasagot na kita."

"Kasi sinasagot na kita."

I was just staring at her dumbfounded. I blinked my eyes a couple of times just to see her smiling widely at me. Then it slowly sink in. I need to ask again para maconfirm ko ang narinig ko.

"Anong sinabi mo bub?"

She laughed softly and touched my face. I hold her hand too.

"Sinasagot na po kita Mister Alvarez."

Then I felt my heart skipped. I smiled while a tear escaped my eyes. I am happy, very happy. I hugged her. She laughed.

"Totoo ba to? Hindi ka nagbibiro? Baka prank lang to ha."

She tapped my back, and I let go of the hug still feeling unsure.

"Opo, totoo po. I realized that maikli lang ang buhay. At mas maikli pa sitwasyon ko."

"Bub, wag ka namang magsalita ng ganyan."

"Bub, we need to face it. This is reality, my reality. Hindi ko alam kung mabubuhay pa ba ako ng matagal. Kaya ito ako, I will make every moment count. Mahal kita bub, at ayokong mawala na hindi ko mapaparamdam sayo yun. I want to be happy with the days that I have left. And ikaw ang nagpapasaya sa akin, kayo ng pamilya ko."

Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Nasasaktan ako, dahil kahit nakangiti siya ngayon sa harap ko nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya. She wiped my tears.

"Iyakin mo talaga. Can you promise me that you won't cry everytime we talk about my situation?"

"How can I do that? Natatakot ako na mawala ka sa akin, sa amin."

"Natatakot din naman ako bub, pero kung matatakot lang ako palagi, hindi ko magagawang ienjoy ang mga bagay na to. At ayoko noon. Please for me?"

I nodded. Ayokong masira ang gabing to. Ang gabing natupad ang isa sa mga panaginip ko, sana naman hindi panaginip to.

We watched a film while eating the food that they have prepared. Kaya pala napuno ng missed call ni Darius ang phone ko kasi gusto na nila akong makapunta kaagad sa bahay nila Frey. Sila din ang naghanda ng lahat dahil sa request ng prinsesa ko. Masarap sa pakiramdam na sa wakas girlfriend ko na siya, kahit puno pa rin ng pangamba ang puso ko. Natapos ang pinanood namin at humiga lang kami sa kumot na hinanda nila, we watched the stars while I was holding her hands near my chest.

"Ang lalim naman ng iniisip ng boyfriend ko." 

Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. I saw her smiling at me, and it was the sweetest smile I have seen. Hindi ko na rin mapigilang ngumiti. Seeing her happy now, makes my heart skip a beat.

"Wala naman. Ang sarap marinig na tinatawag mo akong boyfriend mo. Parang kailan lang nasa isang roller coaster ride tayong dalawa. Nawala ka sa ala-ala ko, nagalit ako sayo, nalaman ko na may sakit ka, niligawan kita, na matagal ko na sanang ginawa, at ngayon naman heto girlfriend na kita. Masaya lang ako na nandito ako kasama mo. Ikaw masaya ka ba, bub?"

"Kompara noong mga nakaraang araw at linggo, oo masaya ako ngayon.  Masayang masaya."

I smiled, I am contented with her answer. Iyon lang naman ang gusto kong marinig ang masaya siya. We continue to watch the stars in a comfortable silence.

Medyo malalim na ang gabi ng mapagpasyahan ko na umuwi. We are still outside , I looked at her and she was sleeping. I touched her face gently and smile. I am having mixed emotions simula pa kanina. Kaba, takot, tuwa. I gently get up and carry her to her room. Pagdating namin sa kwarto niya ang inayos ko siya sa higaan. I stared at her, hindi ko alam kong gaano ako katagal nakatitig lang sa kanya. Marami ang nagbago sa pisikal na anyo niya, pumayat siya at namumutla. I sighed and planted a kiss on her forehead, pagkatapos ay umuwi na ako.

Heaven KnowsWhere stories live. Discover now