Her Truth

202 11 1
                                    

KOBE

Isang linggo na mula ng kinausap niya ako. Isang linggo na rin na inaayos namin ang lahat. At oo, hindi ko kayang mapalitan sa buhay niya. Nasa kuarto lang ako ngayon naalala ko ang nangyari noong araw na yun.

Flashback 1 week ago...

"Sana tinanggap ko nalang noong una na hindi na talaga ako parti ng buhay mo noong panahong nakalimutan mo ako. Sana hindi ko nalang pinilit na maalala mo ako. Pero wala akong pinagsisisihan. Kasi, kahit sandali naramdaman ko na naging parte pa rin ako ng bahong buhay mo kahit sandali lang, kahit panandalian lang, kaya salamat sa lahat, Kobe." -  Frances

Ngumiti siya sa akin, at humiga. Tumalikod din siya sa akin. Kahit wala akong naririnig alam ko na umiiyak siya. Napapikit ako, ayokong umiiyak siya, ayoko nang saktan siya. Umupo ako sa tabi niya, pinatayo ko siya at niyakap ng mahigpit...

"Kobe..."

"Oo nasaktan ako, nasasaktan pa rin ako dahil sa nangyari dahil hindi ko maintindihan kung bakit nasabi mo yun. Alam ko mali na hindi kita agad kinausap, mali na hinayaan kitang masaktan dahil sa paglayo ko. Kaya patawarin mo ako."

I let go of the hug, she was looking at me intently, I smiled and wipe away her tears.

"Nitong mga nakaraang buwan, pinagiisipan ko kung paano kita kakausapin. Naunahan ako ng galit ng bumalik lahat ng alaala ko. Natakot din ako na baka totoo lahat ng narinig ko, lahat ng nakita ko. I feel betrayed Fran, I felt na lahat ng pinagsamahan natin baliwala lang sayo. Pero noong panahong tumigil ka sa pagaatempt na kausapin ako, doon ko naramdaman nawawala ka na sa akin, mas nasasaktan ako habang lumalayo ka. Inaamin ko nagselos ako kay Darius, ako dapat ang nasa tabi mo, ako dapat ang kasama mo. Kaya Fran, sorry. Sorry kung naduwag akong kausapin ka. Sorry kasi sinaktan kita."

Hindi ko na napigilan ang luha ko, yumuko ako. Naramdaman ko na inangat niya ang mukha ko. Nakita ko siyang ngumiti. Ang ngiting matagal ko ng hindi nakita.

"Alam mo naman na hindi kita kayang tiisin diba? Hinihintay ko lang na kausapin mo ako. Ang gusto ko lang naman maayos tayo. Kob, lahat ng meron tayo mahalaga sa akin. Alam ko matagal pa bago maayos ang lahat ng ito. Pero, pwedi naman tayong magsimula ulit diba?"

"Oo naman. Babawi ako sayo Bab..."

Napangiti siya ng sinabi ko yun. Niyakap niya ulit ako, at niyakap ko rin siya ng mahigpit.

End of flahback.

Bumalik ako sa kasalukuyan ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at napangiti ako ng makita ang pangalan niya.

"Hoy, Kobe! Nasaan ka na?!"

Nailayo ko sa tenga ko ang cellphone. Nako, nako highblood na naman amg babaeng to.

"Oh, kumalma ka. Nasa bahay pa ako. Bakit?"

"Diba may pupuntahan tayo?"

Napatingin ako sa relo ko. 2 pm ang usapan namin na magkikita. 11 am palang. Napangiti ulit ako.

"Ang aga pa naman ah. Miss mo na ako noh?" Tukso ko sa kanya.

"Che! Pinapaalala ko lang sayo!"

Tumawa ako. Alam ko na kung bakit ganito ang mood niya.

"Ilang box ba gusto mo?"

Biglang tumahimik sa kabilang linya. Napangiti ako, nagcacrave na naman to. Time of the month na namn siguro.

"Si Darius na bahala sa chocolates mo. Ako na bahala sa donuts at iba pang pagkain na kinicrave mo."

"Hehe, okay! Wag kang malelate!"

Heaven KnowsWhere stories live. Discover now