31

45.8K 936 66
                                    

Sa hotel kami dapat matutulog ngayon pero nag suggest si Kianna na sa bahay niya nalang.


Umuwi kami ng maaga dahil nakatulog si Lia sa party. Nagstay pa si Kianna doon dahil hindi niya naman maiwan ang mga bisita niya.


Inihiga ni Ian si Lia sa kama at umupo sa tabi nito. Pinagmasdan niyang mabuti ang bawat sulok ng kwarto kung saan kami natutulog ni Lia noon.


"You're really close huh?" sambit ni Ian at kinuha ang picture na nasa sidetable. Picture namin nina Kianna Rave at Owen. Nakayakap ako sa leeg ni Rave, si Owen tinuturo kaming dalawa ni Rave habang si Kianna, naka peace sign lang.


"We're super close so you should be friends with him" 


"He's always making me jealous" pakikipag-away niya.


Napairap ako bago ko siya nilapitan at tumayo sa harapan niya. Tumingala siya sa 'kin kaya pinisil ko ang pisngi niya.


"You are the one being jealous, hindi niya kasalanan" I chuckled before walking on the other side of the bed to sleep.


Gabing gabi na at may kumatok sa labas ng kwarto. Nagising din si Ian sa katok kaya siya na ang tumayo para buksan ang pinto.


"Hi, sorry are you guys sleeping?" kinakabahang tanong ni Kianna. Tumayo na 'ko at maingat na naglakad papunta sakanila dahil baka magising si Lia.


"Nagising na kami" natawa ako at umiling.



"Since gising na kayo, let's drink!" tinakpan niya ang bibig niya nang mapansing natutulog na si Lia.



"Do you want to grab a drink?" I asked Ian. Tumango siya at sinundan kami papuntang sala. Nagulat ako nang makita sina Rave doon.



"Bakit ang aga niyo? Tapos na ang party?" nagtatakang tanong ko.



"Uuwi kana bukas e, I want to spend time with you"  sumimangot si Kianna.



Nginitian ko siya at umupo sa tabi niya. Umupo naman sa tabi ko si Ian. 




"Palit nga tayo" nakikipagpalit si Kianna ng pwesto, mukhang gusto niyang kausapin si Ian. Hinawakan ni Ian ang kamay ko, bakas sa mukha niya ang kaba. Nginitian ko lang siya bago binitawan ang kamay.  Umupo ako sa tabi ni Rave na kasalukuyang nakikipag asaran kay Owen. 




Linagyan ni Owen ng alak ang limang shot glass at iniabot sa amin isa isa. Sana lang hindi magising ang anak ko. 




"Anong gagawin ko sa 'yo kapag sinaktan mo ulit ang kaibigan ko huh?" diretsong tanong ni Kianna kaya napailing ako. She's always straightforward. 




"You don't have to do anything because I won't hurt her"  kalmadong sagot ni Ian habang nakatingin ng diretso sa 'kin. Nginisian ko lang siya bago ininom ang nasa shot glass ko. 




Sumusulyap sa 'kin si Ian kapag tinatanong siya ni Kianna tungkol sa past relationship niya e si Denice lang naman ang naging ex niya. Ang hirap kasing iapproach nung highschool, halos sinusungitan niya lahat. 




"Kianna tama na 'yan. Maglaro nalang tayo" sabat ko sakanila. Ayaw kong maglaro pero yun lang ang naisip kong palusot para tigilan siya ni Kianna. 


"Oo nga, hindi natin natuloy yung truth or dare noon dahil tumakas si Shalian!" tinuro ako ni Owen at mukhang may hinanakit pa sa 'kin. Alam ko namang pagtritripan niya lang kaming dalawa ni Rave e. 




"Game game!" Masiglang sabi ni Kianna at hinarapan na kami. 




Tumingin ako sa gawi ni Ian nang mapansing kanina niya pa ako tinitignan. Pinagtaasan ko siya ng kilay para tanungin kung bakit siya nakatingin. Tinapik niya ang pwesto sa tabi niya, sinesenyasan akong umupo doon. 




Tumayo ako at lumapit sa pwesto niya. Uupo na dapat ako sa sahig pero hinawakan niya ako sa pulso kaya nawalan ako ng balanse at napaupo sa pagitan ng mga binti niya. Hindi na 'ko nakaalis dahil kaagad niyang pinaikot ang kamay niya sa 'kin.




"Sa 'kin ka tumabi" seryosong sabi niya at hinalikan ang pisngi ko. 




I automatically glanced at my friends and saw them staring. I laughed at their faces when they all made a disgusted face. Nag akto pang nasusuka si Kianna. 




Pinaikot na nila ang bote at hindi nalang nagsalita. Unang itinuro ng bote si Ian kaya tinanong siya kung truth or dare. Namangha rin naman ako sa katapangan niya, nag dare pa nga. 




"Sabi ni Shalian magaling ka raw kumanta kaya ipagkanta mo kami kahit first chorus lang" utos ni Kianna. Himala, madali lang ang dare ngayon. 




Nakasandal ako sa dibdib niya kaya hindi ko nakikita kung paano siya kumanta.  Tumaas ang mga balahibo ko nang ipatong niya ang baba niya sa balikat ko at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa bewang ko habang nagkakanta. 




Married To My Bestfriend's BoyfriendWhere stories live. Discover now