12

63.7K 1.6K 216
                                    

"Sure ka? Dito talaga?" Kanina pa tanong nang tanong si Rave kung dito ba talaga namin titignan yung mga pictures,kapag naman tinatanong ko siya kung saan niya gusto wala siyang masagot






"Oo nga,tsaka wala naman 'yon sa bahay" pagkukumbinsi ko sakanya.Mukhang takot ata siya kay Ian






Tinignan ko siya at pinagtaasan ng kilay dahil nakatayo lang siya at tinitignan ang pintuan.







"Tara na" sabi ko sakanya at hinila siya papasok.Nagulat kaming pareho nang matagpuan si Ian na nakaupo sa sofa at linalaro si Lia







Bakit siya nandito? Dati halos hindi na siya umuwi dahil sa trabaho niya,o baka dahil sa'kin






"Kumain kana love?" Tanong ni Ian.Tumayo siya at kinarga si Lia tsaka naglakad papalapit sa direksyon namin







"Hi mommy!" Masiglang bati ng anak ko at hinalikan ako sa pisngi







"Hi baby!" Masiglang bati ko at pinisil nang bahagya ang pisngi niya







"Hi Lia,I'm tito Rave" pagpapakilala ni Rave







"Hi po tito Rave" binigyan siya ng malawak na ngiti ni Lia







"Did you eat?" Pag-uulit ni Ian sa tanong niya kanina.Umiling lang ako dahil hindi pa naman ako kumain







"Let's eat.Hindi pa kami kumain dahil hinihintay ka namin" pag aya ni Ian habang si Rave nasa likod ko lang.Naglakad na papunta sa dining table si Ian kasama si Lia,inupo niya muna si Lia doon sa isang upuan bago pumunta sa kusina.







"Bakit ka nagtatago sa likod ko?" Tanong ko kay Rave







"Nakita mo kung paano ako tignan ng asawa mo? Mukhang nagplaplano na kung paano ako papatayin e" reklamo ni Rave.








Huh? Hindi ko naman napansin pero ganon lang talaga si Ian,masungit siya sa lahat.







"Why are you still standing there?" Tanong ni Ian.May point si Rave,nakakatakot nga.Tono palang ng pananalita,nakakatakot na







"Huwag kang kabahan" Nginisian ko si Rave at hinawakan ang braso niya para hatakin papunta sa dining table.Rectangle ang table,nasa gitnang upuan si Ian at nasa tabi niya ako.Sa kabilang side naman ng table ay si Lia.Pinaupo ko si Rave sa tabi ko para maging komportable siya







Napatingin ako kay Ian nang lagyan niya ng pagkain ang plato ko







"You should eat more vegetables" Kalmadong sabi ni Ian habang patuloy paring nilalagyan ng pagkain ang plato ko.







"Nahihiya ako pre,sabi kona dapat kumain na tayo kanina pa e" bulong sa'kin ni Rave.Tinignan ko siya kaya napatingin si Ian sa'min







"Kakain ka o kakain ka?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.Nginitian niya 'ko at nag peace sign bago binalik ang tuon sa plato niya.








Binigyan kona lang siya ng kanin at ulam sa plato niya dahil baka nahihiya siyang kumuha.Ako din naman nahihiya kaya naisipan kong magbigay ng ambag every month.






Pinasusubuan ni Ian si Lia habang kaming dalawa ni Rave ay tahimik lang na kumakain.







"Mommy,I want a baby brother" Naubo ako sa sinabi ni Lia.Tinignan ko sina Ian at Rave na kaagad nag abot ng baso na may lamang tubig.







Married To My Bestfriend's BoyfriendWhere stories live. Discover now