20

58.7K 1.2K 518
                                    

"Ano ba?!" Sumigaw ako at hinagisan si Ian ng unan. Nakaupo siya sa kama,malapit kung saan ako nakahiga at kanina pa siya nagtatambol gamit ang laruang drums ni Lia para lang gisingin ako.





"Rise and shine love. Magready kana,aalis pa tayo" nakangiting sabi niya. Napaupo ako kaagad nang maalalang may kasunduan pala kami. Kinuha ko kaagad ang phone ko para tignan ang oras




Tinignan ko siya nang masama nung makita ko ang oras sa phone ko.



It's fvcking 6:30 in the morning and he's waking me up! 6:30 palang,10 o'clock pinag-usapan namin!



"Marunong ka bang tumingin ng oras?" Sarkastikong tanong ko sakanya.



"Ang tagal kasi ng oras kanina pa 'ko gising" reklamo niya. Napasabunot ako sa buhok ko at pabagsak na humiga. Pinikit ko ang mga mata ko para ituloy ang tulog ko na nasira dahil sakanya!



"Huy,love" bulong niya. Nararamdaman ko na malapit sa 'kin ang mukha niya.



"I'm just excited" he said in a low voice "I already cooked breakfast for you and Lia"



No use. Hindi rin ako makakatulog kahit mahina pa boses niya. Minulat ko ang mga mata ko at napaatras ako kaagad nang makita kung gaano kalapit ang mukha niya sa mukha ko. Kulang nalang idikit niya na ang mukha niya sa mukha ko e,nahiya pa!




"Bakit ba kasi nagmamadali ka? Ang aga aga nanggigising ka e pinuyat mo nga ak-" napatingin ako sa ibang direksyon at hindi na tinuloy ang sinasabi ko kahit na buo naman yung idea ng sentence ko. Naalala ko nga palang nagpanggap akong natutulog habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya tapos sasabihin kong pinuyat niya ako?




"Pinuyat? You heard everything I said?" Naguguluhang tanong niya. Hindi man lang nagulat na narinig ko ang mga pinagsasabi niya kagabi okaya nahiya man lang dahil sa mga sinabi niya.




"Oo narinig ko lahat" diretsong sagot ko "At ako pa ang masungit ah?" Dagdag ko nang maalala ang mga pinagsasabi niya kagabi.





"Masungit ka naman talaga" aba sumasagot pa! "Sa 'kin lang pala,ang sweet mo pala sa iba lalo na dun sa Rave" sarkastikong sabi niya at umirap pa!




Tumayo na 'ko para iligtas ang sarili ko sa pakikipag usap sakanya. Alam ko na ang kahahantungan nito. Sasabihin niya na naman na nagseselos siya,sakanya lang daw ako,mahal niya daw ako at asawa niya daw ako. Nakabisado ko na ang mga sinasabi niya.



Pinuntahan ko si Lia sa kwarto niya. Mahimbing pa ang tulog niya kaya hindi ko muna ginising. Sino ba naman kasing manggigising ng 6:30?? Dibale sana kung may pupuntahan kami ng ganoon kaaga





Bumaba ako para tignan kung ano ang niluto ni Ian. Hindi ko alam kung bakit nagluluto na siya ngayon samantalang hindi naman siya marunong magluto dati.




Pagkaupo ko sa upuan kaagad siyang lumapit sa 'kin dala dala ang pancake na niluto niya at nilapag niya 'yon sa harap ko. Sinubukan kong kunin sakanya ang tinidor at kutsilyong dala niya pero iniwas niya ang kamay niya kaya hindi ko nakuha. Siya ang naglagay ng syrup sa pancake at hiniwa niya din tsaka niya linapit sa bibig ko.





"Tikman mo" tinignan ko 'yon at binalik ang tingin sakanya. Kinukuha ko ang tinidor pero iniwas niya ang kamay niya. Tinignan ko siya ng masama





"Tikman mo" sabi niya ulit at linapit ang tinidor na may pancake sa bibig ko. Kesa sa tumagal pa ang pag-uusap kinain kona lang.



"How does it taste?" Tanong niya.



Married To My Bestfriend's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon