23

48K 1.2K 183
                                    

Halata ang pagkagulat niya sa sinabi ko at napatitig lang sa 'kin. Nabalot kami ng katahimikan kaya umiwas ako ng tingin dahil nahiya ako sa sinabi ko. Nagulat ako sa biglaang paghila niya sa kamay ko at kaagad na pinaikot ang kamay niya sa 'kin. Yinakap ko din siya pabalik at binaon ang mukha ko sa dibdib niya.



"Why do you want me to hug you?" he asked and started to caress my hair. I feel comfort again.



"I told you, it was cold" I answered, sounding serious to hide my nervousness. Nakabaon ang mukha ko sa dibdib niya kaya rinig na rinig ko ang pagtibok ng puso niya sa sobrang lakas. Ang lakas din ng kabog ng puso ko sana naman hindi niya marinig.


"Is that it?" he asked. He's not convinced by my answer. I feel more nervous. I sighed heavily before answering


"I can't sleep" I answered honestly. Hindi ako makatulog kagabi pa dahil sa 'yong busit ka! Gusto kong sabihin sakanya 'yon kaso baka magtanong siya kung bakit


"Why, is there something bothering you?" he asked again. Gosh, can't he stop asking?


"Why didn't you call or even text me earlier?" I asked unconsciously. I need to zip my mouth sometimes!



He didn't answer that's why I glanced at him. Baka nakatulog na pala 'tong kausap ko. I saw him biting his lower lip to stifle a smile but I can see it. I was about to look down because our eyes met but he held my chin and made me face him, our eyes stared at each other. Naiilang ako sa mga titig niya pero nakipaglaban pa rin ako ng titigan.



"Why are you waiting for my message?" he asked and raised a brow. His smile turned into a smirk.



"Ano.. k-kasi ano.." shit ako din nga hindi ko alam e!


"That's good enough,no need to explain" he said. Hinila niya ang kumot pataas hanggang sa balikat ko at mahigpit akong yinakap. Nakapatong ang ulo ko sa braso niya at ang isang kamay niya ay nakapaikot sa bewang ko.

"Let's sleep. Masyado mo 'kong pinapakilig baka hindi na 'ko makatulog" he chuckled. He kissed my forehead and pulled me closer to him. Pinapakilig huh? Ano bang ginawa ko para kiligin siya?

Akala ko makakatulog na 'ko pero mas lalo ata akong hindi makatulog. Ang lakas talaga ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o ano.


He hugged me several times already but this hug feels different. I feel secured and I feel that no one can ever harm me.


I buried my face more to his chest, getting sleepy already.



Katulad ng inaasahan ko, pagkagising ko wala na siya sa tabi ko. I feel so energized today. I don't know why I'm so happy like nothing could go wrong.


Masaya kong linigpit ang pinaghigaan namin pagkatapos non ay naghilamos na. Pinuntahan ko si Lia sa kwarto niya at nagsalubong ang kilay ko nang hindi ko siya matagpuan doon. Bumaba ako sa kusina at natagpuan siyang kumakain doon kasama sina lola at lolo. Tumakbo ako palapit sakanikla at kaagad ko silang niyakap. Mukhang hindi pa nila inaasahan ang paglapit ko sakanila at nagulat pa.



Nakapagluto na sila kaya umupo nalang akong umupo para kumain. Namiss ko ang luto ni lola!



"Mukhang masaya ka Shalian" nakangiting kumento ni lola. May ibig sabihin ang mga ngiti niya na para bang mayroon akong hindi sinasabi sakanila.


"Syempre nakita ko kayo" nakangiting sagot ko bago sumubo ng kanin.



Pagkatapos naming kumain, nakipaglaro si Lia ng puzzle kay lolo habang si lola naman kinukulit ako para magkwento kung anong mga nangyari sa pagsasama namin ni Ian. Napapailing nalang ako sa mga sinasabi ni lola



Married To My Bestfriend's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon