33

40.3K 841 44
                                    


"Are you sleepy? Sleep here"  tinapik ni Ian ang balikat niya kaya pinatong ko ang ulo ko roon para makatulog nang maayos. Maaga kasi kaming umalis dahil aayusin pa ang mga kailangang ayusin sa Palawan. 


"I can't wait to marry you" that's the last thing I heard before I fell asleep. 


Nagising ako nung may naramdaman akong humalik sa pisngi ko at hinawi niya ang buhok ko. 


"We're here babe"  bumungad kaagad sa 'kin ang malawak niyang ngiti. 


Kinarga ni Ian si Lia nang makababa kami ng eroplano dahil medyo marami ang tao sa airport. Hila hila niya rin ang maleta namin, kaunti lang naman ang dinala naming gamit dahil ilang araw lang naman kami mananatili dito. 


Dinama ko ang byahe papunta sa hotel at kaagad na hinangaan ang magandang tanawin pagkababa namin sa van. Malapit lang ang hotel na tutuluyan namin sa beach at matatanaw ang kagandahan ng dagat mula sa itaas. Sariwa ang hangin at maraming mayayabong na puno kaya kahit nakadirekta ang araw ay marami pa ring masisilungan. 


"Let's sleep for two hours and then let's take the photoshoot"  Ian suggested. Dumapa na kaagad siya sa kama habang si Lia naman ay naglalaro ng doll niya. Buti nalang pumayag siyang isang laruan lang ang dalhin dahil ang dami niyang gustong ilagay sa bag kanina. 


Inayos ko ang gamit namin habang yung wedding gown ko, si Alexi ang may dala. Sa hotel room nila ako magbibihis dahil si Ian ang magbibihis dito. 


"Mommy can I have juice?" Lia asked and pouted cutely. 


"Huwag muna anak, you will drink lots of juice tomorrow so drink water muna ngayon" I smiled at her, kaagad naman siyang tumango. Buti nalang hindi ako nahihirapang sumaway sakanya, malikot nga lang at minsan ay makulit. 


Pagkatapos kong maayos ang mga gamit namin, tinabihan ko na sina Lia. Nakatulog si Lia kakalaro niya, mukhang pagod rin siya sa byahe dahil buong flight naglaro lang daw siya. 


Hinalikan ko muna sa pisngi si Ian, ganon din si Lia bago humiga para makabawi ng tulog. 


"Love, wake up. Kailangan na tayong bumaba bago lumubog ang araw"  Ian said softly. Humikab muna ako bago tumayo at kinuha ang susuotin ko para sa photoshoot. 


I stood in front of the mirror and looked at the reflection of myself wearing a white dress. Simple sleeveless white dress with a slit to show my left leg. Lumabas si Ian sa banyo, nakasuot na ng white dress shirt na hapit  sa katawan niya which making him look more sexy and fit. 


Humakabang siya palapit sa 'kin at tinignan ang suot ko. He licked his lower lip sexily before his eyes met mine. He looks amazed by it. 


Napunta ang dalawang kamay niya sa bewang ko at hinila ako palapit sakanya. Nang tumingala ako, nagtama ulit ang mga mata namin, hindi na niya hinintay na may makawalang salita sa bibig ko at marahang hinalikan ang labi ko. 


"I can't wait for tomorrow" he whispered when we parted. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko at binigyan siya ng matamis na ngiti. 


"Me too"


Pagkababa namin, tumambad kaagad sa 'min ang mga upuan na nakahilera na kung saan gaganapin ang kasal. Kaunti nalang at nakaready na ang lahat. 


Pipicturan muna kami kasama si Lia at pipicturan din kami ng kaming dalawa lang. 


Sa unang picture ay hawak naming dalawa sa kamay si Lia at nakatalikod sa camera. Yung pangalawang picture ay nasa tubig na kami at karga ni Ian si Lia. Sabay naming hinalikan si Lia sa pisngi habang tumatawa siya dahil pinaglalaruan niya ang tubig. Ang pangatlong picture naman ay naglalaro kami ng sand castle. 


Married To My Bestfriend's BoyfriendWhere stories live. Discover now