03

86.2K 2K 868
                                    

Agad akong napatayo dahil sa sinabi ni Kianna. Nakakainis! Ano ba talagang gusto niya?

"Huwag mong papalabasin si Lia" I told her. I'm afraid that Ian might see her and take her away from me.

Pumunta ako sa may pintuan kung saan naghihintay si Ian at sinalubong ako ng mga mata niyang nagpapaawa na para bang inapi siya.

"Bakit ka nandito? Sinundan mo ba'ko?" Kaagad na bintang ko at pinagkrus ang kamay sa dibdib. 

"Eto lang pala ang lugar na matagal kong hinanap." Tumingin siya sa loob kaya napatingin din ako. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Lia na galing sa kusina at may dala dalang baso ng tubig.

"Ouch!" Sigaw ni Lia. Agad akong tumakbo papalapit sakanya nang madapa siya at nabasag ang baso sa harap niya. Natataranta ako habang tinutulungan siyang tumayo.

"Anak 'di ba I told you to be careful," Sinermonan ko siya dahil muntikan na siyang masugat. Napatingin ako sa pintuan at nakitang nakatingin sa direksyon namin si Ian. Sa sobrang taranta ko ay nakalimutan kong may ibang tao pala sa bahay.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil nagsimula siyang maglakad papalapit sa 'min.

"Oh anak!" Sigaw ni Kianna sa sobrang taranta nang makita niya ang sitwasyon.

"I told you to be careful naman eh baby," Pagsesermon ni Kianna tsaka humarap sa 'min "Sorry naka istorbo ba ang anak ko?" Pagsalo sa 'kin ni Kianna.

Nice catch Kianna! Alam niya na ayaw kong ipaalam kay Ian na may anak siya. Bakit ko naman ipapaalam? Para saan?

"No Kianna we 're fine." I smiled at her.

"Mommy who's that? friend?" Sabat ni Lia sa 'min. I nervously glanced at Ian who's staring at me right now.

"Yes baby." sagot ni Kianna para saluhin na naman ako "Let's go na, they're talking."

"What's your name?" Tanong ni Ian kay Lia at lumuhod para maging magkasing tangkad sila.

Sh!t!! Paalis na eh! Humirit pa!

"Aliana," Inosenteng sagot ng anak ko at nginitian siya.

"How old are you?" Mas lalo akong kinabahan sa tanong na 'yon kaya kinalabit ko si Kianna.

"Five years old." Si Kianna ang sumagot para sakanya. She lied, four years old palang si Lia since Five years ago nung umalis ako sa bahay kaya sa tingin ko hindi na maiisip ni Ian na anak niya si Lia.

"Tita you're wrong," Gulat akong napatingin kay Lia. "I'm only four years old, right mommy?"

Yinakap ni Lia ang isang paa ko at nakita ko ang gulat sa mukha ni Ian dahil doon.

"Can we talk?" Tanong ni Ian. Tumango lang ako at sinundan siya palabas. Hindi ko na matatanggi, halata sa reaksyon niya na may idea na siya.

Panahon na rin siguro para malaman na ni Ian na buhay ang anak namin. Buhay ang anak niyang tinakwil niya.

Umupo si Ian sa upuan sa garden ng bahay ni Kianna. Napahilamos siya sa mukha niya at yumuko.

"Why?" Tumingin na siya sa direksyon ko. Halatang nagbabadya ng bumagsak ang mga luha sa mga mata niya. "Why didn't you tell me? Nagkita tayo kahapon bakit hindi mo sinabi?"

Hindi ko alam kung bakit natatawa ako sa mga sinasabi niya

"Para saan? Para itakwil mo na naman ang anak ko?" Natawa ako nang bahagya "Sinabi ko naman noon ah? Sinabi ko sa'yo pero anong ginawa mo? Hindi mo tinanggap ang anak ko." Tears started flowing from my eyes down to my cheeks.

Married To My Bestfriend's BoyfriendWhere stories live. Discover now