45

39.8K 906 306
                                    

"Board room, now" ma-awtoridad na sabi ni Ian sa mga empleyado. Kakauwi lang namin mula sa business trip at dahil sa init ng ulo niya ay hindi siya nakatulog nang mahimbing kagabi.

Mababasa ang kaba sa mga empleyado sa mga mukha nila pagkaupo sa kani-kanilang upuan. Mukhang alam na nila ang tungkol sa kumalat sa issue.

"Who released those photos? Sabihin niyo na habang nakakapagtimpi pa 'ko" seryosong saad ni Ian maski ako ay natatakot sa mukha niyang kulang nalang ay may lumabas na usok sa ilong niya.

"Bro, may video ng halikan niyo ni Sha pero don't worry pinadelete ko na"  sabi ni Luis pagkapasok sa board room.

"What?!" Gulat na tanong ni Ian.

"Bakit bro?" Nagtatakang tanong ni Luis.

"Bakit mo pinadelete?" Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Ian at humarap sakaniya.

"Huwag kang mag-alala sinave ko naman" nakangising sagot ni Luis.

"Ipasa mo sa 'kin mamaya" napasapo ako sa noo ko. May oras pa talaga silang isingit 'yon.

"Kung wala kayong balak umamin, pinapa track ko na kung kanino galing yung mga photos. Sooner or later ay malalaman ko rin at sisiguraduhin kong malilintikan kung sino man ang nagkalat no'n" Bumalik na sa pagkaseryoso ang mukha ni Ian bago tumayo at linahad ang kamay sa 'kin. Hinawakan ko ang kamay niya hanggang sa makarating kami sa office niya.

"Don't stress yourself too much, love. We will get through this" I said to him and wen't closer to him. Pumunta ako sa likuran ng swiveling chair niya, kung saan siya nakaupo. Dumapo ang mga daliri ko sa noo niya at dahan dahan 'yong idiniin.

"Gladly I have you" Saad niya tsaka nagsilay ng matamis na ngiti na nakapagpainit ng pisngi ko.

"Hindi mo 'ko madadaan sa bola hoy" Mahina kong hinampas ang ulo niya.

"Syempre dinaan kita sa gayuma" Sinamaan ko siya ng tingin nang malakas siyang tumawa. Kaunti nalang talaga ay maniniwala na 'kong ginayuma niya talaga ako.

Tumigil siya sa pagtawa nang tumunog ang phone niya. Kaagad niyang kinuha 'yon mula sa bulsa niya at tinignan kung kanino galing ang notification.

Kumunot ang noo ko nang viniew niya ang video na sinend sakaniya ni Luis. Naghahalikan kami sa video! Doon sa event yon ah?

"I'm such a good kisser" puri niya sa sarili niya habang pinagmamasdan ang video. Sinapok ko tuloy siya. Parang walang problema at napaka kalmado niya!

"Look at it, ang ganda ng anggulo" pinagmalaki niya pa sa 'kin at inilapit ang phone sa mukha ko.

"Ang kalmado mo ha? Gusto ko lang ipaalala na marami tayong problema" sabi ko, baka kasi masyado siyang nawili at nakalimutan niya.

"Don't worry, dadating ang mga mag- iinterview dito mamaya at ikwekwento ko sakanila ang buong nangyari" natigilan ako sa sinabi niya at mabilis na pumunta sa harapan niya.

"Anong ibig mong sabihin? Sasabihin mo yung nangyari noon?" Tanong ko.

"Yes" Nagkibit balikat lang siya at parang walang pakialam.

"P-Pero kung sasabihin mo 'yon sasama ang imahe mo sa iba" nag-aalalang sabi ko. Aminado naman ako na marami siyang nagawang mali noon, hindi ko siya didipensahan doon pero kailangan niya ba talagang sabihin sa iba 'yon?

Hinapit niya ang bewang ko at pinaupo sa hita niya. He's smiling widely, may sinabi ba 'kong maganda at nakangiti siya?

"Stop worrying wife. I did those things. Malaman man nila o hindi, nagkamali pa rin ako. In order to move forward is to accept the fact, I'm accepting the fact that I was the jerk who let you go" he explained and pinched my nose.

Married To My Bestfriend's BoyfriendWhere stories live. Discover now