40

44.5K 877 124
                                    

"Babe!" Sigaw ni Ian nang mabilis akong naglakad papunta kay Denice na nakaupo pa rin sa sahig ngayon.


I held the collar of her shirt and pulled her upwards. I slapped her hard on her face. Maputi ang balat niya kaya halatang halata ang pamumula ng pisngi niya dahil sa sampal ko.


"Babe please calm down" Nasa likuran kona kaagad si Ian at pinaikot ang kamay niya sa bewang ko tsaka niya ako sinubukang hilain paalis pero hindi ako nagpahila.


"Aray! Ano ba?!" sigaw ni Denice nang hilain ko ang buhok niya. Akmang sasampalin niya na ako bilang ganti pero hindi niya natuloy dahil nahawakan ni Ian ang kamay niya at tinulak ito palayo.


"Love please, I'll take care of this" Bulong sa 'kin ni Ian dahil nagpupumiglas ako sa hawak niya. Nanggigigil ako kapag nakikita ko si Denice!


"Love please" Ian pleaded. Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili ko.


Hinawakan ni Ian ang magkabilang balikat ko nang mapansin niyang kalmado na 'ko at naglakad papunta sa swiveling chair niya. Pinaupo niya ako doon habang si Denice ay abala sa pag aayos ng buhok niya.


"Wait here okay?" Ian asked me. Tulala pa rin ako ni hindi ako makapagsalita. Hindi pa rin pumapasok sa utak ko ang mga nangyari at ang ginawa ko kay Denice. Well she deserves it!


Naglakad si Ian papunta kay Denice at hinawakan ang pulso niya. Kinaladkad niya ito palabas.


"Nasasaktan ako!" Reklamo ni Denice dahil mahigpit ang pagkakahawak sakaniya ni Ian. Nakikita na ang ugat ni Ian sa sobrang higpit.


"Talagang masasaktan ka kapag hindi ka tumigil" Inis na sabi ni Ian.


Napahilamos ako sa mukha ko nang magsara ang pinto. Hindi ko alam kung kanino ko ibabaling ang galit ko. Kailangan ko talagang pakalmahin ang sarili ko kung hindi baka kung sino sino nalang ang pagsungitan ko.


Tumingin ako sa pinto nabg magbukas 'yon at pumasok si Ian. Walang emosyon akong tumingin sakaniya habang papalapit siya sa 'kin.


Linahad niya ang kamay niya, tinignan ko muna yon sandali bago ko matamlay na inabot ang kamay ko. Hinila niya ako patayo at nang makatayo na 'ko ay siya ang umupo sa swiveling chair tsaka niya ako hinila paupo sa binti niya.


He immediately locked me by encircling his hands on my waist. I arched my neck when he started kissing it.


"I'm sorry" He murmured while continuously kissing the side of my neck.


"What for? It's her fault" I said and glared at him, inis pa rin sa nangyari kahit hindi niya naman ginusto.



"I promise it will never happen again" He assured me and angled his face to give me a soft kiss but before he could even brush his lips with mine, I stopped him by blocking his lips using my hand.


"I know her Ian. She will do everything to get what she wants, are you sure this won't happen again?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.



"Yes, I assure you. She can't take me away from you anyway" Kampanteng sabi niya "And about what happened earlier, please be careful wife, baka mapano ang bata" Sinabihan niya ako nang maalala niya.


"Okay" I nodded.


"Promise me hindi na mauulit 'yon" seryosong sabi niya at diretsong nakatingin sa mukha ko. Ilang pulgada lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko.


Married To My Bestfriend's BoyfriendNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ