Chapter 7

117 6 1
                                    

Takang tiningnan ni Taeyong ang hang over soup na ginawa ni Jaehyun para sa kanila. Sa totoo lang, naiinis pa din sya kay Jaehyun dahil sa pagpipilit nito sa kanya kagabi. Pero deep inside his heart, alam nyang hindi nya din kayang tiisin si Jaehyun. Kahit na break na sila, nandun pa din yung love nya na gusto nyang kalimutan na pero hindi nya agad-agad magawa.

"Thank you Jae." Doyoung said. Kagigising lang din nung iba. Si Mark natutulog pa sa 3rd floor kaya mamaya nalang dadalhan ni Jaehyun.

"Hoy bat si Taeyong may gatas at cake. Asan yung samin?!" Reklamo naman ni Yuta at nakakunot noong tiningnan si Jaehyun.

Napaisip din si Taeyong. Bakit nga meron sya nito? Aba naman, at favorite flavor pa nya. Ano bang ginagawa nito ni Jaehyun?

"Aba bumili ka."

"May something eh. Ano yan peace offering mo kay Taeyong? May nangyari ba kagabi?" Takang tanong ni Doyoung. Walang syang idea malamang dahil deadbol na yan pagdating ni Taeyong eh.

"Wala." Mabilis na sagot ni Taeyong.

"Pinilit kasi sya ni Jaehyun pauwiin dahil nag-aalala ang lover boy. Wala daw mag-iintindi dahil tulog na kayo ni Yuta at Mark." Sagot ni Ten. Sinamaan lang sya ng tingin ni Taeyong, pero as if naman na may magagawa sya para pigilan si Ten sa kachichismis.

"Hansol bilhan mo nga yan si Yuta. Inggitero masyado." Banat ni Johnny.

"Parang tanga. Taeyong pashare nalang."

"Sige."

Jaehyun glance at Taeyong at bago pa makakuha si Yuta ay naharang nya agad yung kamay nya dun sa cake at milk.

"Ano ba? Hindi ka titigil jan?"

"Pahingi lang eh!"

"Humigop ka nalang ng soup!" Saway ni Jaehyun sa kanya sabay tulak papalapit kay Taeyong nung cake at milk.

Nagkatinginan naman sila ni Taeyong at si Taeyong na din mismo ang unang umiwas sa kanila.

Tahimik nalang silang kumain ng breakfast nila. Buti na lang at walang pasok ngayon kaya okay lang na tanghali na silang gumising. Yung iba nga eh hindi pa gumigising. Wala atang planong umuwi sa kanila. Isa pa semester break na next week kaya free silang gawin lahat ng gusto nila. Yung parents naman kasi ni Taeyong nasa province kaya hindi sya umuuwi.

"Tara Doyoung sa inyo." - Ten.

"Oo nga. Namimiss na ata kami ni Mama eh, nagtetext sakin kailan daw ulit kami bibisita." - Johnny.

"Kakapal, tinatamad pa nga akong umuwi dahil alam kong sasama kayo eh."

"Luh tingnan mo tong tanga na to. Katatapos lang ng exam, magandang magrelax ngayon lalo na sa inyo." Sabi ni Ten.

"Oo nga." Si Yuta naman.

"Pwede naman tayong pumunta dun ng di sya kasama. Come on guys, pinayagan tayo ni Mama pumunta dun kung gusto natin diba?" Johnny winks at them.

Mama din kasi ang tawag nila sa mama ni Doyoung since binigyan sila nito ng permission to call them mom. Mas gusto pa nga nya iyon kasi feeling nya ang dami nyang anak.

"Kakapal talaga eh." Doyoung shakes his head.

"Sama ka?" Siniko naman ni Hansol si Taeyong ng mahina.

"Hindi. Tinatamad ako."

"Ang kj talaga nyan." Inirapan naman ni Ten si Taeyong.

"KJ agad? Tinatamad nga eh. Sa sunod nalang."

Parepareho silang lumingon nang lumabas si Winwin at Kun. Mukang paalis pa.

"Dun kami sa bahay nina Chenle magstay ngayon. Ininvite kami nung dad nya. Padating din pala parents ko. Sayang hindi kami makakasama sa inyo." Sabi ni Winwin at tumango naman si Kun.

Feelings that can't Ignore [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now