Chapter 18

97 7 6
                                    

"Shutanginang babae yon ha. Oh ano tama talaga ako diba? Napaka-ewan kasi nito. Lahat kuno pinaghihinalaan eh kahina-hinala naman sadya yong taglagas na yun." Napapitik si Ten sa hangin at nagmemake face habang nakatingin kina Taeil, Doyoung, Kun at Winwin. Lagi na kasi syang kinontra kapag may kutob sya eh, oh ano ngayon sila na napatunayang tama sya?

Ito kasing si Chenle at Jisung daw eh nawitness yung pagbreak ni Jaehyun at Autumn nung isang araw at ngayon lang nila sinabi kasi malay nyo naman biglang magbalikan sila. Edi sila pang dalawa ngayon ang na-fake news.

So ayun nga nang maconfirm na break na talaga saka nila chinismis kina Ten.

"Oo na kasi Chittaphon. Paulit-ulit ka." Sabi ni Kun.

"Away-awayin pa nya si Taeyong eh sya naman pala tong may masamang plano sa magkapatid." Sabi naman ni Winwin.

"Gago tirador ng bata si bakla. Eurgh! Ang pangit naman ng taste ni Jaehyun sa babae. Akalain mong gusto silang pagsabayin. Ganda! Tangina." Nangingilabot na sabi ni Ten sabay inom nito noong inorder nyang kape.

"Alam na kaya ni Taeyong?" - Doyoung.

"Duda ako. Hindi yon chismosa eh." - Kun.

"Oyy di mo sure." Sagot ni Ten sa kanya.

"Si Chenle talaga maaasahan mo din sa chismis eh. Tahimik lang yun pero nakikinig at nag-oobserve yun." -Winwin.

"Tahimik ba kamo? Joke yon." Sabat naman sa kanya ni Kun na nagpatawa din kay Doyoung.

"Hala buti nga break na sila."

"Break na nga pero walang pag-asa yang ship mo shutaca wala ng babalikan yon kay Taeyong." Madiin na sabi ni Doyoung kay Ten na naging dahilan ng pagkawala ng ngiti nito.

"Tanginang to wala naman akong sinasabi ah."

"Alam ko ang takbo ng isip mo tanga."

"Tanga ka din. Masyado kang advance. May hidden hatred ka ba kay Jaehyun? Napakaplastic nito oh."

Gigil naman syang hinarap ni Doyoung. "Hindi ko yun pinaplastic ha. Kinakausap ko yun ng harapan no! Hindi ko kasi maintindihan yang kaibigan nyo kung bakit sya pa yung may ganang magsawa eh sya nga yung nawawalan na ng time kay Taeyong."

Pareho namang natawa si Winwin at Kun dahil sa sinabi ni Doyoung. Ang hilig din talaga nitong kabardagulan si Ten lalo na pagdating kay Jaehyun at Taeyong eh. Noon kasi nakikiisa pa si Doyoung sa pang-asar kay Taeyong pero ngayon eh nagbago na ang ihip ng hangin.

Okay lang naman yun. Kanya-kanya naman yan eh, huwag lang talagang sosobra.

"Aluh, tingnan mo move on na daw yan." Pang-asar ni Winwin kay Doyoung.

"Sinasabi ko lang! Tanga." Sabi ni Doyoung bago sumipsip ng kape.

"Tsk. Tara uwi na tayo. Maghahapon na din oh." Yaya ni Kun sa kanila pero parehong umiling si Doyoung at Ten.

"Mamaya na. Kita mong pinagchichismisan pa natin yung ex ni Jaehyun eh. Mamaya nyan marinig pa tayo nun at magalit satin." Sagot ni Ten.

"Hindi yan. Mukhang hindi naman sya affected, disappointed lang kasi nagamit sya ng hindi nya namamalayan."

"Oh? Pano mo nalaman Win?" - Doyoung.

"Malamang sinabi nya sakin. Tara na uwi na tayo sa dorm. Namimiss ko na sila." Winwin said at nagpout pa talaga sya. Although masarap tumambay sa labas, iba pa din kapag magkakasama sila at masaya yung ingay sa loob ng dorm na yun.

Dahil nga sa pagpapacute ni Winwin, wala na din naman silang nagawa kundi ang pumayag dahil ang hirap humindi sa nagpapacute na Winwin.

--

Feelings that can't Ignore [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now