Chapter 12

123 8 4
                                    

"Yuta! Ang bobo mo! Literal!" Sigaw ni Ten kay Yuta matapos nitong hindi mahuli si Kun. Si Kun yung last player na kailangang makarating sa unahan para matapos ang laban.

Kasalukuyan silang naglalaro ng patintero at syempre team building ulit nila yun. Si Kun ang last player and unfortunately, hindi sya nahuli ni Yuta kaya team nila Jaehyun ang nanalo.

Tawang tawa naman sila Renjun, Jaemin at Sungchan dahil kanina pang nagbabardagulan yang mga yan. Kulang nalang eh magkalbuhan.

"Si Kun lang yan oh? Bakit di mo mahuli? Sobrang tanga mo na ba?" Nakasimangot nitong sabi at pinagpagan ang sarili.

"Ako lang yun? Grabe ang pangit mo kabonding Chittaphon!" Sabat ni Kun sa kanya.

"Bobo mo din tanga! Ikaw nga hindi mahuli si Johnny. May favoritism talaga. Bat sakin ka nagagalit eh ang bobo mo din?! Hindi mo nga din mahuli eh!"

"Tama na nga yan, tanggapin nyo nang talo talaga kayo. Mahihinang nilalang." Pang-asar pa ni Jaehyun. Mas nagpaasar pa sa kanila yung tawa ni Lucas at Donghyuck na sobrang lakas. Isa pa naman yung batang yun ang lakas din mang-asar, akala mo kaedad nya lang yung pinipikon nya.

"Taeyong tatanggalan ko ng essential needs tong ex mo sabihin mo oo!" Sigaw ni Ten kaya tumigil sa pagngiti si Jaehyun.

"Anong essential needs?" Takang tanong ni Jaehyun. Hindi nya alam yun malamang, wala naman sya nung pinag-uusapan nila yun eh.

"Ayan oh." Turo ni Jisung kaya umatras si Jaehyun.

"Tangina moka gago! Kung mag-aaway kayo wag nyokong idadamay!" Balik sigaw ni Taeyong sa kanila. Nananahimik na nga sya idadamay nanaman eh. Lahat nalang ng about kay Jaehyun dapat kasali sya. Mga shuta talaga.

Imbis na awatin magbangayan si Ten at Yuta, pinanood lang sila nung mga tropa nila na parang nag-eenjoy. Aawatin naman sana sila ni Sungchan pero pinigilan sya ni Donghyuck.

"Wag. Baka masabunutan ka ni Ten hyung." Sabi nito.

"Ayiee concern." Sungchan teased.

Sinamaan naman sya ni Donghyuck ng tingin. "Oh sige pigilan mo nalang. Pasabunot ka don!"

"Uy joke lang baby." Sungchan kissed his cheek kaya natigilan ng slight si Hyuck.

"Hoy! Sungchan parang tanga!"

"Yawa talandi gusto din naman." Singit naman ni Doyoung kaya sa kanya ngayon nakatingin ng masama si Hyuck.

"Inggit talaga ang walang lovelife." Inirapan sya ni Hyuck.

"Ay nagblush. End game." - Xiaojun.

Binaling naman ni Taeyong ang tingin kay Mark. Nakasimangot lang sya pero nakatingin dun sa dalawa.

"Uy selos yarn." Asar ni Jaemin sa kanya.

"Luh. Sinong nagseselos? I don't like him that way."

"Sure ka? Hindi mo man lang namimiss? Kasi ikaw yung madalas kasama ni Hyuck noon nung hindi pa umaamin si Sungchan." - Taeyong.

"Namimiss din naman." Mark looked away at tumingin sa dagat. "But, yun lang yun. Sungchan's courting him and it's okay."

"Grabe? Wala ka talagang nararamdaman kahit kakaunti para kay Hyuck? Kasi kung ako ang tatanungin mo, feeling ko meron naman." Sabi pa ni Taeil.

Mark chuckled. "Well, I used to like him. Pero mas mahalaga sakin ang friendship namin. Hindi ko lang magawang aminin sa kanya dahil natatakot akong baka masira yun, and Sungchan is also important to me. Ayoko din mag commit, di ako ready."

Feelings that can't Ignore [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now