Chapter 9

128 8 6
                                    

TAEYONG

"Hoy bakit? Bakit ikaw roommate ko?" Mangiyak-ngiyak akong dinuro ni Ten habang nakangiti ako ng tagumpay sa kanya. Naaamoy ko ang plano ng mga baklang to eh. Masyado ata nila akong minamaliit. Hah!!

Kaya bago pa mangyari yun, kinausap ko na si Chenle. Malakas ako dun eh, so ayon. Hindi sya makakatikim kay Johnny HAHAHA! I'm so genius!

"Arte mo bahala ka jan." Sabi ko sa kanya at nahiga sa bed ko. Nagcheck in na kami sa hotel ngayon and dahil kilala kami ni Chenle at halos pamilya na din ang turing namin sa isa't isa, binigyan kami ng discount nung uncle nya. Mabait naman sya, kilala nga ni Winwin eh.

"Ano ba yan! Wala na, hindi na ko mag-eenjoy."

"Parang tanga, anjan lang sya sa kabilang kwarto Ten!"

"Eh kahit na ba, I couldn't reach him." Maarte pang sabi nya kaya napangiwi ako. Pagkaarte naman talaga ng isang to.

"Alam mo, ang OA mo. Wag kang maingay matutulog ako."

Naramdaman ko yung kakaiba nyang tingin sakin kaya napilitan akong tingnan din sya pabalik.

Problema nanaman nyan?

"Ano ba?"

"Anong ano ba? Te nasa vacation tayo, tapos matutulog ka lang?"

"I'm fucking tired. May 6 days pa Ten. Lumabas ka na nga lang! At kung gusto mong magpakarat kay Johnny wag dito sa kwarto utang na loob!"

Narinig ko syang bumungisngis na parang demonyo dahil sa landi ng kanyang boses. Bwisit talaga eh no, natatakot na ako dito minsan eh.

"Pwede naman namin palipatin si Jaehyun dito."

"Sige subukan mo. Susumbong kita kay Autumn." Banta ko pa sa kanya.

"Ay taray. Close kayo? Past at present?" Pang asar ni Ten kaya binato ko sya ng unan.

"Pota ka alis na nga!"

"Oh sya. Call me if you need anything." Sabi nya sabay irap bago lumabas ng room.

---

"Aamin ka o aamin ka?" Tinutukan ni Hendery si Jaemin ng water gun sa noo nito at kaagad namang nagback up si Yangyang at Shotaro.

Nasa cottage sila ngayon at katatapos lang nilang magcheck in at nagdecide na magpahangin muna si Jaemin. Sumunod pala yung tatlo sa kanya ng di nya namamalayan.

"Akala nyo ba ang daling umamin ha?" Sagot nya kay Hendery.

"Sa kaso mo, oo? Sayo lang naman clingy si Jeno eh." - Shotaro.

"Anong connect nun Taro? One more thing, ganun talaga sya since bata kami."

"Oh, eh bakit samin hindi naman?"- Yangyang.

"Ewan. Tanong mo kay Jeno."

"Tatanong ko kung anong nararamdaman nya sayo?" Hendery teased kaya naman umiling agad si Jaemin at pabiro pa syang inambahan ng suntok.

"Pag binasted ka ni Jeno sabihin mo lang. Lalaklak tayo ng kape parepareho." Tumabi si Yangyang sa kanya at inakbayan sya.

Jaemin doesn't have an idea kung kailan mismo nagsimula itong kakaibang nararamdaman nya kay Jeno. Bata pa man sila, silang dalawa na ang magkasama, mabilis silang nagkasundo noon and it seems like, they can't live without each other.

Basta ang alam lang ni Jaemin, masaya sya kapag kasama nya si Jeno. Naiinis sya kapag may umaaligid ditong ibang tao o kaya naman nagcoconfess ng feelings nila, kasi si Jaemin, hindi magawa yun. He's afraid na baka iwasan sya ni Jeno o kaya naman masira ang friendship nila.

Feelings that can't Ignore [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now