Chapter 10

114 8 3
                                    

"Musta? Okay na kayo ni Autumn?" Winwin asked Jaehyun. Kakarating lang nito at nasa beach sila ngayon para mag breakfast. Mukhang masama din ang gising.

"Hindi. She's really mad." Jaehyun sighs. "I'm not ready to face her parents pa. I do remember na I informed her about this vacation though."

Inabutan naman sya ni Winwin ng coffee at halata naman talaga sa mukha ni Jaehyun na sobrang frustrated nya.

May isa pa syang problema actually. He's so sure na wala na talaga eh, pero bakit ganito yung nararamdaman nya? Alam nya sa sarili nyang friendship nalang talaga ang gusto nyang mangyari between him and Taeyong. Yun na lang, even though break na sila sana naman wag mawala yung friendship nila and, he's afraid to lose him.

Kakamadali nya parang gago tuloy ang dating nya.

Hindi, gago na pala sya. Break na nga sila, napapaiyak nya pa din si Taeyong. Ano ba namang buhay to.

This is wrong.

Jaehyun saw him last night with Doyoung at pinupunasan ang luha nito. Aware sya na kasama nanaman sya sa reason nun.

"Nyare? Bat nakabusangot yan?" Tanong ni Johnny na ngayon ay nilalantakan yung pancake. "Is it Autumn?"

"Mm. I clearly told her, ayoko pa. I'm not ready, but she's forcing me."

Wala pa sina Taeyong, Jungwoo, Lucas at ibang youngsters. Karamihan kasi sa mga yun hindi morning person lalo na si Jaemin. Syempre sasamahan yun ni Jeno.

"Malapit na kayong mag one month hyung. Bakit nga hindi ka nalang pumunta?" Sabi ni Sungchan sa kanya. "In that way, you'll make her happy."

Napatingin naman si Jaehyun kay Sungchan. The way how Sungchan stares at him makes him nervous sometimes even though mas matanda sya dito.

"Sabing hindi nga handa eh, wag ka nga makulit." Sabi ni Hyuck sa kanya.

"Ikaw Hyuck, if ever na ipakilala mo ako sa parents mo sasama ako agad."

Biglang nabulunan si Donghyuck dahil sa sinabing iyon ni Sungchan kaya naman kaagad syang inabutan ni Mark ng tubig.

"Oh, are you okay?" Sungchan asked worriedly.

"Sira ka ba? Di naman kita jowa eh."

"Edi jowain moko."

"Oooooohhh Jung Sungchan!!!!" Hiyawan naman nila. Nakatikim naman si Sungchan ng batok kay Hansol dahil sa banat nyang yun, proud is understatement. Wala eh, tuwang tuwa sya.

"Aray hyung!"

Napayuko naman si Hyuck dahil doon. He's obviously blushing.

Pero si Mark, mukang hindi nagugustuhan ang naririnig nya at hindi nya alam kung bakit.

"Ano Mark? Galaw-galaw baka ka pumanaw!" Sigaw naman ni Hendery kaya sinamaan sya ng tingin nito.

"Jaehyun sinasabi ko sayo, ayusin mo ang mga desisyon mo sa buhay habang may panahon pa para ayos ang buhay nating lahat." Sabi naman ni Taeil sa kanya at sumang-ayon doon si Kun at Yuta.

Tinapik naman ni Johnny at Winwin si Jaehyun sa balikat nito.

"Alam mo kung anong wish ni Taeyong bago ka nya bitawan?" Taeil asked. Mahina lang para si Jaehyun lang ang makarinig. Pero mali sya don, narinig sya ni Johnny at Winwin.

Jaehyun bit his lip. He remembers clearly at yun din ang wish nya kay Taeyong. He don't deserve him after all.

Pero bakit ngayon, if ever na sabihin nyang muli ang mga salitang yun kay Taeyong, nasasaktan sya?

Feelings that can't Ignore [DISCONTINUED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora