Chapter 8

106 7 5
                                    

"Tingin nyo okay lang na iniwan natin si Taeyong don with Jaehyun?" Tanong ni Yuta sa kanila.

Kanina pa syang nag-iisip actually.

"Sus. Okay na okay." Bored na sagot ni Ten sa kanya habang pinagmamasdan yung kuko nya sa daliri.

"Pano kung malaman yun ng jowa ni Jaehyun?"- Yuta.

"Oh eh ano? Para namang may gagawin silang masama." -Johnny.

"Gago malay mo meron nga? Alam mo naman kung gano kahina yung kaibigan mo kay Taeyong noon. Hindi man lang ba kayo natrauma nung maabutan nyo silang nagchuchukchakan sa lounge?" - Yuta.

"Makapagsalita to parang magjowa yung dalawa ah." - Taeil.

"Sus, umaasa nga kayong magbalikan yung dalawa eh."- Yuta.

"Ipokrito ka Yuta alam mo ba yun? Parang hindi ka din umaasa ah?" Siniko naman sya ni Ten.

"Bakit kasi hindi ka kumatok?" - Doyoung.

"At bakit ako kakatok? Dun ako nakatira ah! May kwarto naman sila."

"Marunong ka pa ba eh hindi naman ikaw yung pinapapak eh." Sagot ulit ni Ten sa kanya kaya natahimik si Yuta. Oo nga naman.

"Pero baka nga malaman ni Autumn."-Hansol.

"Eh ano nga kung malaman? Wala naman silang maling ginagawa. Parang hindi nga alam nun na mag-ex sila eh."- Johnny.

"Sus duda ako. Imposibleng hindi nya alam no. Classmate nya si Taeyong, madalas syang sunduin ni Jaehyun noon."-Doyoung.

"Transfer yun tanga." - Taeil.

"Pero kahit na. Imposibleng walang magsabi sa kanya. Ikaw tinatanga mo ako ha." Doyoung pointed Taeil, kunwari pang nasaktan. Taeil only chuckles at him at mahinang pinisil si Doyoung.

"Masyado kayong nag-aalala alam nyo? Mukha ngang unbothered yung dalawa eh. I'm sure they're fine." Sabi pa ni Johnny at mabilis na sumang-ayon si Ten.

Nasa loob na sila ngayon ng bahay ni Doyoung at nanonood ng movie. Yung mother naman ni Doyoung ay nilulutuan sila ng pagkain. It's been awhile na din kasi nung huli silang pumunta kaya ayan, tuwang tuwa sya.

"Tara guys magbeach."- Doyoung.

"Yan din iniisip ko actually." Kinalabit sya ni Johnny.

"Sayang ang bakasyon. Tara magliwaliw. Minsan lang to sa isang taon."

"Tara. Dun tayo sa beach nung uncle ni Chenle para may discount." - Taeil.

"Gege. Gusto ko yan." Tumango-tango si Hansol at pasimpleng yumakap kay Yuta. Tiningnan naman sya nito ng nagtataka but he only winks at him.

---

Pinapanood lang ni Taeyong si Jaehyun magluto. Buti nalang at nagprisinta ito na magluto, if ever man na hindi, willing naman syang mag order nalang sa labas.

He wonders if napagluto na ni Jaehyun si Autumn?

Sus, eh ano naman? Labas na sya dun.

Pero hindi sya sanay na okay sila ngayon, medyo nasanay kasi sya na hindi sila nagpapansinan kaya naman medyo naninibago din sya. Bihira lang kasi silang mag-usap din, kung hindi pa sila aasarin oh kakausapin ng tropa eh hindi talaga mag-iimikan talaga.

After magluto ni Jaehyun, si Taeyong na ang naghanda ng table nila para kumain. Nagugutom na din kasi talaga sya, hindi na din nya itatanggi na namiss nya ang luto ni Jaehyun.

Yung luto lang ha.

After na makapagluto ni Jaehyun, nagsimula na syang kumain ng tahimik. Samantalang yung isa, ninanakawan lang sya ng tingin at ngumingiti pa. Pakiramdam kasi ni Jaehyun mukang kalmado na si Taeyong eh.

Feelings that can't Ignore [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now