Chapter 17

94 5 6
                                    

"B-Babe..." Mahina pero kabadong tinawag ni Autumn si Jaehyun habang nakasunod ito sa likod nya. Tumigil si Jaehyun sa paglakad at tumingin na din kay Autumn finally.

"What do you think you're doing?" He asked her.

Autumn bit her bottom lip and she tried reaching for Jaehyun's hand pero binawi naman agad yun ni Jaehyun sa kanya.

"A-Ano kasi babe, it's not what you think."

Jaehyun scoffed at ginulo ang buhok nya. "Talaga lang ha." Bahagya syang natawa at kinuha ang phone nya at mukhang may hinahanap dito. "Hindi nagsisinungaling sakin si Sungchan."

Matapos makita ni Jaehyun ang kanyang hinahanap ay inabot nya ang cellphone nya kay Autumn. Nagtataka man ay tinanggap nya ito at tiningnan yunh phone para malaman kung ano yung gustong ipakita sa kanya ni Jaehyun.

Tuluyan na syang namutla sa nakita nya.

Ito lang naman yung convo nila ni Sungchan.

Yung convo nilang walang ibang sinabi si Autumn kundi pangungumbinsi kay Sungchan. Mukhang drunk texts pa yung iba at napaamin pa sya dito ng wala sa oras kaya halos mabitawan nya din ang phone ni Jaehyun.

Mukhang si Autumn din mismo ang naglalaglag sa sarili nya dahil halos lahat ng plano nya na dapat sila lang nung kaibigan nya ang nakakaalam ay binanggit nya kay Sungchan lahat.

"B-Babe..."

"You used me para makuha si Sungchan."

"N-No."

"Anong no? Itatanggi mo pa rin talaga ano? Akala mo hindi yun nagsasabi sakin sa mga pinaggagagawa mo sa kanya? You always texted him and calling him kahit kasama nya si Hyuck. Isa pa, pinipilit mo sya doon sa sinasabi mong party and what did you say? Hindi ko kailangang malaman? Bakit? Anong gagawin mo? Seduce him?"

"I can explain."

"Wala kang dapat i-explain. Nanjan na lahat, and I don't want your fucking explanations. Malinaw ang lahat na niloloko mo lang ako at ginagamit para mapalapit kay Sungchan."

Hindi makapaniwalang tiningnan ni Autumn si Jaehyun nang kunin nito ang kanyang cellphone.

"Eh bakit ikaw? Wala ka din namang pinagkaiba sakin? Girlfriend mo ako pero ano? Lapit ka pa ng lapit doon sa ex mo? Tingin mo tama yun? Mahal mo pa pala eh, bakit ka humanap ng iba? Ang gago mo Jaehyun sana alam mo!"

"Alam ko namang wala lang yun sayo dahil una pa lang, si Sungchan talaga yung gusto mong makuha after mong malaman na magkapatid kami. Akala mo ba papatulan ka nun? At oo, alam kong gago ako kaya nga pinalaya ko si Taeyong kasi hindi nya ako deserve. Ang pagkakamali ko lang, pumayag ako sa blind date na yun kahit hindi naman ako ang dapat sisipot sayo, na pumayag akong maging boyfriend mo without knowing the real you. Oo tama, ang gago ko talaga. Mali din ako na pumunta ng blind date habang naguguluhan pa ako sa nararamdaman ko."

Matapos sabihin iyon ni Jaehyun ay tinalikuran na nya si Autumn but he stopped when she called him again.

"Jaehyun! Are you breaking up with me?"

Huminga ng malalim si Jaehyun saka nilingon ng bahagya si Autumn.

"After ng nalaman ko, tingin mo may gana pa akong ituloy ito? Come on, we both knew that we don't like each other anymore. Pumayag lang akong maging boyfriend mo dahil pareho tayong nag-enjoy sa date na yun. The one you actually like is my brother. Not me."

"Mahal mo pa din ba si Taeyong? Akala mo ba may babalikan ka pa kahit makipagbreak ka sakin? Kung akala mong meron, mag-isip ka. Ikaw yung nagsabing nawalan ka ng gana diba?"

Feelings that can't Ignore [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now