Chapter 11

104 8 3
                                    


"Autumn kumalma ka nga!" Saway ni Nam sa kaibigan nya na kanina pang palakad-lakad sa loob ng kwarto nito at hindi mapakali.

"Paano ako kakalma? He's out there having a vacation with his friends without telling me? Not to mention na kasama yung ex nya sa circle of friends nya ha. Ito pa, we always make up kapag nag-aaway kami before sleeping but last night? Pinatayan nya ako ng phone! What the hell? You tell me how to calm now!" She said at frustrated na naupo sa kama nito.

"Sinabi ko na naman kasi sayo noon, wag kang padalos dalos at kakabreak lang nila nung ex nya. Ano ka ngayon? Napapapraning? Isa pa, ha parang hindi ka naman aware na sa iisang dorm lang sila nakatira. Anong pinagkaiba nun?"

"Well, at least sa dorm kaya ko silang puntahan. Pero sa beach? Ang layo nun, ni hindi ko nga alam kung saang beach sila pumunta. Walang nagpopost sa social media nila so paano ko malalaman?" Sabi ulit ni Autumn.

"Ay, for real na ba to Autumn? I can see the development. Si Jaehyun na talaga?"

"Tanga. Boyfriend ko yun eh!"

Mas lalong sumama ang mood nya nang marinig nya ang kaibigan nya na tumatawa.

Ano bang tinatawa-tawa nito? Kitang naiinis na nga sya dadagdagan pa.

Autumn knew that Taeyong and Jaehyun are exes. Pero hanggang dun lang, the rest hindi na nya alam like, paano sila nagbreak? Ilang years sila? Ayaw naman nyang magtanong sa kung sino lang sa uni about dun sa dalawa. Basta, ayaw ni Jaehyun na pinagkkwentuhan about sa kanila ni Taeyong.

Gusto nya pang kwestchunin yun but she chose not to. Baka kapag tumagal pa sila ni Jaehyun saka ito mag-oopen sa kanya.

But still, he's so damn curious about them.

Naghahanap ata sya ng sama ng loob.

Lahat naman ng ig acc nung tropa nila nakaprivate at hindi inaaccept yung follow request nya kaya wala syang mahagilap. Maliban syempre kay Jaehyun, pero wala na silang picture ni Taeyong doon. Hindi nya alam kung dinelete ba nya o nasa archives lang eh.

Bakit ba ganun ang mga friends ni Jaehyun?

"What are you laughing at?"

"Baka kasi natakot sayo? Bakit kasi meet the parents agad te? Excited ka ikasal? Kayo ba hanggang sa huli?"

"Malay mo? Atsaka, hindi pwedeng masira yung plano ko!"

"Ano bang plano mo? Bakit di ako ata alam?"

"Alam mo yun! Stop pretending." Inis na sabi nito.

"Mas hindi ka mapapalapit doon kung ipapakilala mo si Jaehyun sa family mo agad. Ano natatanga ka na?" Sagot pa nito bago makihiga sa kama ni Autumn na akala mo'y pagmamay-ari nya din. "Iiwasan ka lang lalo nun."

"Gusto ko sila pareho."

"Hoy gago ka? Ang kapal mo sa part na yun ha."

"Ramdam kong iiwan ako ni Jaehyun in the end. At bago mangyari yun, dapat ako yung mauna."

She can feel it. Ramdam nya kung gaanong gusto makipagbalikan ni Jaehyun sa ex nya. Hindi man nito sabihin pero kitang kita at ramdam nya. Pero syempre hindi nya hahayaang mangyari yun sa ngayon.

Gusto nya munang makitang mahirapan yung dalawa.

Mali ka ng binangga Jaehyun.

Hindi naman pwedeng gamitin lang sya ni Jaehyun ng ganito, dapat pati sya makinabang na din.

"Akala ko naman jinowa mo lang si Jaehyun dahil gusto mong mapalapit dun sa isa. Shuta girl seryoso ka na pala?" Umiling iling pa si Nam sa kanya.

"I need to do something."

Feelings that can't Ignore [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now