Chapter 15

110 6 3
                                    


Taeyong was minding his business when Autumn approached him again. Nakangiti pa ito sa kanya na halos hindi pa masikmura ni Taeyong ang kaplastikan nito. Makangiti kasi akala mo walang nangyari eh.

Ano nanaman bang kailangan nito sa kanya? Lagi nalang kasing amoy masamang loob sya eh.

"Hi."

Hi? The audacity?

Hindi sya pinansin ni Taeyong at tumayo ito sa pagkakaupo para umalis pero mabilis si Autumn at nahila kaagad sya paupo sa tabi nito.

Asan na ba si Jaehyun? Bakit hinahayaan nya tong jowa nyang lumapit ulit sakin?

"Wait lang. Wag ka munang umalis oh."

"Ano nanaman bang kailangan mo? Pwede bang lubayan mo na ako?" Iritadong tanong ni Taeyong. "And wag kang ngumiti sakin ng ganyan na akala mo okay tayo."

Kaagad namang nagbago ang expression ni Autumn at nagseryoso ang mukha nya. "Gusto ko lang humingi ng sorry about yesterday. I'm just jealous." Malumanay nitong sabi at nagbuntong-hininga pa.

"Wala kang dapat ikaselos Autumn. Hindi lang talaga ako natutuwa na tinatrashtalk mo yung mga kaibigan ko sa harap ko."

"I know mali ako doon. I'm sorry dahil nasabi ko yun. Sana mapatawad mo ako Taeyong. You're friends are really lovely and sweet."

Oo nga tapos sasabihan mong toxic? Sabunutan kita eh.

"Sige. Pinapatawad na kita. Alis na." Sabi ni Taeyong sa kanya kaya nanlaki naman ang mata ni Autumn. Hindi nya ata ineexpect na iyon ang isasagot ni Taeyong sa kanya ng ganun lang and another thing, he sounds annoyed too.

"Grabe, humihingi na nga ng sorry."

"I heard you. Okay na yun. Pwede ka ng umalis."

"Ayaw mo talaga akong maging kaibigan?"

"Hindi ako natutuwang kaibiganin ka." Inirapan sya ni Taeyong saka ito tumayo para umalis at baka kung ano pang masabi nya. Wala na naman syang pakialam sa iisipin ni Autumn at ni Jaehyun sa kanya, might as well na umiwas na lang sya.

"You don't want to be my friend because of Jaehyun ba?" Maarte pang tanong nito na nagpairita pa lalo kay Taeyong.

"Syempre hindi. Hindi ako ganun kababaw Autumn. At sino namang matutuwang makipagkaibigan sayo after mong laitin yung mga kaibigan ko sa harap ko? Gago ka ba?" After nun sabihin ni Taeyong, umalis na din sya at baka kung ano nanamang masabi nya dito at hindi mapigilan ang bibig.

Pauwi na sila ngayon sa dorm, masaya naman ang naging vacation nilang ito kahit pa may uninvited guest na dumating eh hindi naman yun naging hadlang para mag enjoy sila.

So syempre kasama na din si Autumn doon sa bus na sasakyan nila pauwi, malamang. Baka magalit pa si Jaehyun kay Ten kapag hindi nila sinama yun eh. Masama na talaga kung masama pero ayaw nya talaga kay Autumn at mas lalong hindi sya plastic para magpanggap na mabait sa harap nya.

"Ate gusto mo po?" Alok ni Jeno kay Autumn nung kinakain nilang pagkain.

"Okay lang." Tanggi ni Autumn atsaka nginitian lang si Jeno.

Nakita iyon ni Taeyong at napapailing nalang sya. Kita nya yan, ang bait bait ni Jeno sa kanya oh?

Wala eh, hindi talaga sya makamove on dun sa sinabi ni Autumn about sa mga kaibigan nya.

"Ako gusto ko. Hindi mo ba ako aalukin?" Tanong ni Jaemin matapos nitong makalapit kay Jeno na hindi pa din sya pinapansin hanggang ngayon.

"Hingi ka dun sa gusto mo." Sagot ni Jeno sa kanya pero kumuha naman sya ng ilang piraso para ibigay pa din kay Jaemin bago ito umalis.

Feelings that can't Ignore [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now