Chapter 2

104 6 3
                                    


Kanina pang tinatapunan ni Taeyong ng masasamang tingin ang mga kaibigan nya. Nandito sila ngayon sa 2nd floor at ang magagaling ay bumili pala ng alcoholic drinks.

Nagpapakasipag nga syang isang mag-aaral ng kolehiyo pero ito namang mga kaibigan nya ay sagabal.

Hanggang ngayon talaga pakiramdam nya ang sikip dito sa dorm nila. Pano kasi anjan si Jaehyun malamang. Ayaw naman syang paalisin ni Ten. Same for Jaehyun kaya ayan wala syang choice.

"Ayoko nga uminom." Reklamo nya kay Doyoung at Johnny.

"Minsan lang to. Tapos mo na naman lahat ng gagawin mo diba?"

"Edi manghihingi ako ng gagawin sa prof ko ulit. Okaya mag gm ako sa mga kaklase ko na gawin ko yung ass nila." Sagot naman nya.

"Napaka KJ talaga nito. Dali na kasi, minsan lang eh. Kala ko ba nakamove on ka na?" Ayan, at bigla naman syang inasar ni Doyoung.

"Kingina mo ah. Anong connect nun don?"

"Madaming konek. Wag mo nalang isipin at sasakit ang ulo mo." Sabi ni Johnny.

"Alah. Basta ayoko. Kayo nalang jan, dun na ko sa 3rd floor."

Maigi pa nga dun sa 3rd floor. Although maiingay din naman sila doon, at least walang Jaehyun dun at walang nang-aasar sa kanya.

"Hindi. Baka gusto mong igapos kita sa tabi ni Jaehyun?" Pananakot naman sa kanya ni Doyoung.

"Atsaka mag-ayos na nga kayo ni Jaehyun. Para namang wala kayong pinagsamahan nyan eh. Naging magkaibigan naman kayo bago kayo naging magjowa to ex."

"Luh. Ayos naman kami ah."

"Ah ganon? Pero di nagpapansinan?"

Sana kasi ganun kadaling pansinin sya no? Sana madali lang makipag-ayos.

"Okay na kami sa gantong set up para hindi magulo. He will mind his business and I'll do the same and that's it. Tuloy ang buhay."

"Sige. Pero iinom ka. Halika." Hinigit naman sya ni Johnny at hinatak papunta sa tabi ni Jaehyun. Tumabi din naman si Johnny sa kanya para if ever na tumakas, mapipigilan pa nya.

Pabulong naman syang minura ni Taeyong. Bakit kasi sya tinabi kay Jaehyun?

"Johnny sasakalin talaga kita." Banta nya dito.

"Ito naman hindi na makisama."

"Fine. Di na ako tatakas. Just let me sit between Taeil hyung and Jungwoo."

"Hindi Taeyong. Jan ka na." Pagpigil naman ni Ten.

Honestly naiinis na naman sya. Ang kukulit kasi nila, umiiwas na nga sya kay Jaehyun ilalapit pa nila. Akala ba nila ang dali mag move on lalo na at nanjan lang si Jaehyun oh. Lagi nyang nakikita.

Taeyong ruffled his hair saka kinuha yung tagayan na may soju na at dirediretchong ininom.

"Uy sakin yun! Sabi ko ako mauuna eh." Lucas said and pouted.

"Hagis ko sayo to eh." Taeyong hissed.

"Wag kang high blood. Sha, akina." Lucas chuckled at kinuha yung tagayan kay Taeyong.

"Pait. Bwisit."

"Parang ikaw?" Hansol teased at tumawa sila pareho ni Winwin.

"Yuta wag mong icrushback yang damuho na yan ha." Sabi naman nya kay Yuta kaya natigilan sa pagtawa si Hansol.

Taeyong smirks. Ano ka ngayon.

"Sinasabe mo jan?" - Yuta.

"O-Oo nga. Si Taeyong gawa issue." Si Hansol naman at natawa ng napipilitan sabay kuha ng tagayan kay Lucas.

Feelings that can't Ignore [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now