Chapter 13

99 6 3
                                    

Muntik nang mapamura ng malakas si Taeyong ng makita nya si Jaehyun na ang sarap-sarap ng tulog sa kama ni Ten, sa kwarto nila rather. Ang messy pa ng buhok nito at mukang mahimbing pa ang tulog habang yakap nito ang kumot nya.

"Gago bat nandito to?"  Taeyong asked himself at sinilip pa ng kaunti si Jaehyun. "Tangina ang sakit ng ulo ko ah." Dagdag pa nya habang hinhimas ang ulo at nakasilip pa din kay Jaehyun.

"Asan ba si Ten?" Kinuha nya yung phone nya sa table malapit sa kama nya at sinubukang tawagan si Ten pero hindi ito sumasagot. "Kita mo nga naman yung baklang yun."

Tumayo si Taeyong sa kama nya at lumapit sa kama ni Ten na ngayon ay si Jaehyun ang nakahiga.

"Jaehyun." Kinalabit ni Taeyong si Jaehyun sa damit nito. "Bakit dito ka natulog?" Tanong nya kahit nakapikit pa din ito, pero alam naman ni Taeyong na sensitive si Jaehyun, kaunting ingay lang magigising na yan.

"Jaehyun! Asan si Ten? Di ka magsasalita jan? Kakaltukan kita tamo."

"Nasa room namin ni Johnny. I can't sleep there anymore. Amoy sex dun." Diredirechong sabi nito at nagtalukbong ng kumot, pero tinanggal din nya agad. Sanay na naman sila sa magjowang yun eh at active naman sila sa sex life nila. "Do you want coffee?" He asked Taeyong.

"For what?"

"For your hang over."

"Can you stop doing that? Please lang." Taeyong rolled his eyes at bumalik sa kama nya at humiga ulit.

"Why?"

"Anong why?"

"Bakit pag sila okay lang?" Jaehyun grumbled, mahina lang para hindi marinig ni Taeyong.

Taeyong sighs at kinuha ulit ang phone nya at tinawagan si Doyoung.

"Dons! Nasan ka?"

"Nasa 1st floor kumakain ng breakfast."

"Dalhan mo naman ako ng foods. Ehe, tinatamad akong bumaba eh. Masakit yung ulo ko. Sana all walang hang over."

"Sige. Maghintay ka lang jan."

"Yes. Thank you!" Sabi pa ni Taeyong bago binaba ang tawag.

Nakinig lang si Jaehyun sa kanya. Siguro about nga talaga sa kanila yung pinag-usapan ni Taeyong at Doyoung non kaya ganun nalang din makapagsalita si Doyoung sa kanya kagabi.

Jaehyun's phone rang at lumabas sa screen nya ang pangalan ni Autumn kaya kinuha nya ito at sinagot.

"Where are you?"

Jaehyun sighs at minasahe ang temple nya. "I told you nasa vacation nga ako."

"I know. Sunduin mo ko dito sa lounge ng entrance. I don't know where to go."

"What?"

"I'm here at Zhong's beach. Medyo nabored ako sa bahay kaya naisipan ko nalang na sundan ka here at nang makapag-usap tayo ng maayos, and I really miss you."

Napalunok si Jaehyun at sinulyapan si Taeyong sa gilid na nakapikit habang hinihintay si Doyoung.

"Okay. Wait for me." Sagot nya saka pinatay ang tawag at gumayak para sunduin si Autumn.

Hindi nya ineexpect na dadating ito ngayon at susundan talaga sya. Akala nya nagbibiro lang ito.

Binilisan ni Jaehyun ang pagtakbo nya para puntahan si Autumn sa lounge at mabilis din naman syang nakarating din.

As soon as Jaehyun arrived, mabilis na lumapit si Autumn sa kanya at hinalikan sya sa pisngi bago niyakap.

"I miss you!"

Feelings that can't Ignore [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now