Chapter 16

86 3 0
                                    


"Taeyong bilisan mo ng kilos malelate ka na!" Taeil said na ngayon ay nagkakape kasama si Yuta. Mamaya pa ang klase nila kaya naman nakatambay lang sila ngayon sa lounge habang pinapanood si Taeyong na nagmamadali ngayong kumilos dahil malelate na sya sa first subject nya.

"Oo na. Eto na nga oh! Bakit kasi hindi ako ginising?"

"Akala ko kasi hindi mo na kaklase si Jaehyun. Text mo nga yun Yuta na isave ng upuan si Taeyong."

"Hoy wag na nakakahiya." Mabilis na pagpigil ni Taeyong sa kanila na nagresulta ng kanilang tawa.

"Nakakahiya ampota parang walang pinagsamahan." Sabi naman ni Hansol na kakalabas lang ng kwarto at ready na umalis. "Others ka?"

"Eh syempre iba na ngayon."

"Ano tetext ko o hayaan kang maghanap ng mauupuan? Baka hindi ka papasukin of ever." - Yuta.

"Text mo na nga! Shuta naman."

After mag-ayos, mabilis na hinila ni Taeyong yung bag nya atsaka tumakbo papasok ng University. Ilang minutes nalang kasi ay magsisimula na ang klase nila kaya naman ginawa nya ang best nya para tumakbo ng mabilis at makaabot sa klase. Buti nalang din ay nakita nya yung professor nila na on the way na din kaya mas binilisan ni Taeyong ang pagtakbo.

Hindi naman sya nahirapang hanapin si Jaehyun, may space din sa tabi nito kaya mabilis syang pumunta doon.

Pero bago iyon, hinarangan sya ni Autumn.

"Excuse me, ako kasi ang naka upo dito." Sabi nito at ngumiti pa kay Taeyong. Halata namang plastic. "Maghanap ka nalang, late kasi akong nagising eh." Nakangiti pa nyang dagdag.

"Okay." Huminga ng malalim si Taeyong pero bago sya makaalis ay may pumigil sa kanya. Syempre si Jaehyun yun.

"Sayo yan. Natanggap ko yung text ni Yuta." Sabi ni Jaehyun at hinila sya paupo doon sa upuan sa tabi nya.

"Jaehyun?!" Hindi makapaniwalang tawag ni Autumn sa jowa nya. "What the? Hindi ka ba marunong makiramdam? Hindi kami okay oh." Iritadong tiningnan ni Autumn si Taeyong.

Hindi sumagot si Taeyong but deep inside gusto nyang sumagot kaya naman pinili nalang nyang manahimik habang tinatanggal nya yung mahigpit na pagkakahawak ni Jaehyun sa kamay nya at syempre para na din makaalis sya. Hindi naman nya alam na hindi pa pala okay itong dalawa. "Jaehyun ano ba? Maghahanap nalang ako ng ibang mauupuan."

"Umupo ka jan." Malamig na sabi ni Jaehyun at tiningnan si Autumn. "Akala ko ba nagsisisi ka na naging boyfriend mo ako?"

Napanganga ng slight si Taeyong saka nya iniwas ang tingin at doon sa isang tabi nya binaling ang tingin dahil para sa kanya ay ang awkward ng situation nila.

"At ano yung mga sinasabi mo kay Sungchan? Autumn?"

Mukhang hindi inaasahan ni Autumn yung sinabi ni Jaehyun kaya para syang natameme sa kinatatayuan nya.

"A-Ano kasi--"

"We'll talk later."

Magsasalita pa sana si Autumn pero dumating na yung professor nila kaya wala syang choice kundi maghanap ng ibang mauupuan.

Dahan-dahan na tiningnan ni Taeyong si Jaehyun at piniling hindi umimik. Gusto pa nyang tanungin kung okay lang sya pero tinikom nalang nya ang bibig nya dahil magmumukha syang ex na may something pa sa ex nya at di makamove on kaya nakisiusyoso kapag ginawa nya yun. So, wag nalang.

"Sorry, you have to witness that."

"H-Hindi, ano. Wala akong n-narinig."

Walang narinig ampucha. Gandang palusot Taeyong. Napakabida-bida.

Feelings that can't Ignore [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now