Chapter 4

106 6 3
                                    

Sama-samang nagpapalipas ng oras sina Donghyuck, Renjun, Xiaojun at Kun sa ilalim ng isang puno malapit sa building nila. Pareparehong arts ang course nila at nagkataon na sabay ang vacants nila. 2 hours kay Kun at pareparehong 1 hour yung tatlo.

"Bat di mo kasama si Winwin?" Xiaojun asked Kun habang nagsusulat ng kung ano-ano sa notebook. Baka kasi gumagawa ng lyrics.

"Chismoso ka na din ha Xiaojun."

"Grabe tinatanong lang eh." Sagot naman ni Xiaojun kaya pinisil na lang sya ni Kun sa pisngi.

"May klase nga. Bakit ba kapag wala si Winwin sakin agad tinatanong?"

"Eh kasi hyung bestfriend mo yon." Sabat ni Renjun habang kumakain ng tinapay. "Hoy Donghyuck muka kang tanga." Sabi nya nang makita nya itong nakatulala na animoy wala din sa sarili.

Kahapon pa syang lutang actually.

"Mas tanga ka. Mangongopya na nalang hindi pa ayusin ng tingin tapos kapag bumagsak penmanship ko sisisihin."

"Kapal ng mukha nito. Kailan ako nangopya sayo?" Ngumiwi si Renjun saka umayos ng upo. "Pero seryoso muka ka ngang tanga. Bakit ba ganyan mukha mo?"

"Baka kasi nag-away sila ni Sungchan? Di mo pansin? Nag-iiwasan kaya sila kagabi."

Napatingin si Donghyuck kay Xiaojun.

Grabe, lakas naman pala makaramdam. Hindi na nga sya halos lumabas ng kwarto nya, napansin pa nya yun?

"Si Donghyuck nang-away pustahan tayo." Hamon ni Renjun.

"Samang ugali talaga nito. Alis nga!"

"Alam mo beh, pwede mo naman sabihin samin yan eh nang hindi puro buntong hininga ang ginagawa mo jan." Kun advised. Tumango naman si Xiaojun.

"Sasabihin ko naman eh, ayoko lang marinig ni Renjun."

"Tangina neto. Yoko na nga!"

Akma syang tatayo pero hinila sya pabalik ni Xiaojun sa tabi nya.

"Spill the beans. Dali na, malay mo makatulong kami."-Kun.

"Paano kung hindi?"

"Well, at least nailabas mo. Minsan kasi hindi mo kailangan ng advice, yung taong makikinig ng hinaing mo sa buhay lang, sapat na." -Xiaojun.

"Tama." Tumango si Kun.

Huminga ng malalim si Donghyuck bago magsalita.

Kesa nga naman sarilihin nya to, baka mabaliw na sya ng tuluyan.

"About nga kay Sungchan. Pero hindi kami nag-away okay?"

"Eh ano?" Tanong ni Renjun sabay kain ulit ng tinapay. Hindi nya inaalok si Kun kasi sabi nito magdadiet sya, kapag kasi sya kumain walang pigilan eh.

"Umamin sya sakin na gusto nya ako." Nahihiyang sabi ni Donghyuck.

Natigilan naman parepareho yung tatlo. Maging ang pagkain ni Renjun ay natigil.

"Yeah. Same reaction ko kahapon. Oo super nagulat ako dahil hindi ko naman ineexpect yun. He said, hindi ko sya kailangang magustuhan agad. But he'll do anything para magustuhan ko sya. I mean, I lowkey have a crush on him naman pero tangina nakakagulat pa din."

"Seryoso?" Renjun asked.

"Oo. Hindi ko alam kung anong gagawin ni Sungchan eh."

"Akala ko si Mark ang gusto mo?"- Xiaojun.

Donghyuck scratched his nape. "Oo nga. Pero sabi ni Mark hindi nya pa ako kayang tingnan ng higit pa sa kaibigan."

"Hindi pa? So may chance pa din."- Kun.

Feelings that can't Ignore [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now