• Twenty One •

88 4 7
                                    

Catalina Konan

°°°

Dahil nakakaramdam pa rin ako ng kaunting inis kay Gavin, sinabi ko sa kan'ya na bukas na lang kami lumabas at kasama ko rin si Hailey ngayon pero dahil makulit siya-- at ayaw niya kaming lubayan ni Hailey, sinabihan na 'ko ng isa na pagbigyan na si Gavin.

Sa huli, heto at kasama ko na siyang naglalakad. Hinayaan ko na lang siyang dalhin ako sa kung saan niya balak.

"Wala kaming last subject ngayon kaya maaga akong nakaalis ng school. But I didn’t expect you’d forget about our date and join Hailey," ngumuso siya at nilingon ako.

"H‘wag mo sabihing pinagseselosan mo rin siya?"

"Huh? I didn’t say that!"

"E bakit ayaw mo na bukas na tayo mag-date? Bakit pinilit mo ngayon?" tanong ko. Dahan-dahan pang umalis sa 'kin ang paningin niya at sumimangot, napakamot din siya sa kan'yang batok na tila batang nahihiya sa kan'yang sasabihin.

Ang cute niya sa reakyon na iyon pero naiinis ka, Konan! Be in character!

"Well, I can’t wait for tomorrow. We haven’t seen each other for days and I’m kind of worried you’ll be with Claudius again. For sure I’ll... get super jealous again," he answered in a low voice.

"Wala ako sa Protegé pag linggo. Bakit mo naman naiisip ‘yan? And why are you jealous of him? As if he likes me."

"Even so. Still, you liked it when he gives you compliments. And you’re having fun with him. I may sound selfish but I want you have more fun with me--- than him. And in case you’re thinking I hate him just because I’m jealous, you’re wrong. All I want is you, Konan. I want your all to me."

Lumakas ang tibok ng puso ko sa deretsahan niyang pagsasalita ng gano'n sa 'kin. Seryoso na ang kan'yang boses, nawala sa mukha niya ang parang batang nahihiya kagaya kanina.

Sa kabila ng mga narinig ko, hindi sinasadyang may tanong na pumasok sa isip ko...

I wonder how Sir Claudius will get jealous? Does he felt that way over Tiara and Zen?

Though there's no confirmation he liked Tiara in a romantic way... but his actions from before were obvious-- atleast for me. Did he get jealous? How did he get jealous?

Nagulat ako nang bigla akong hawakan ni Gavin sa isang kamay at tignan ako ng malalim sa mata. Napakurap-kurap na lamang ako.

"That's why I’ll make you happier today, than you were with him. Will you let me?"

Gavin being so persistent is not a surprise at all. Hindi ko maitatanggi na tumalon ang puso ko dahil sa mga naririnig. Ibig sabihin lang nito, gagawin niya ang lahat mapasaya lang ang taong gusto niya, 'wag lang siya malamangan ng ibang lalaki. Sometimes, being selfish for the one special to you is undeniably heart-warming. Though Gavin's becoming a bit possessive, I can tell.

Naglaho ang munting inis na naramdaman ko kani-kanina lang. Hinigpitan ko ang pagkakakapit ng kamay ko sa kan'ya.

"Okay, make me happier."

Gavin pulled me closer and towards him and I felt his forehead leaned down my shoulder.

"I’ll make you happier. So stick with me and only me."

I ran my fingers through his hair and answered back without thinking, "I will."

Malinaw sa akin na parehas kong gusto si Gavin at Sir Claudius. Kapag kasama ko si Gavin, nahihirapan akong tanggihan siya lalo sa ganitong usapin. Marupok, kumbaga. Pero kapag si Sir Claudius ang kasama ko, nagiging maingat ako sa mga sinasabi ko. Tipong ayokong magkamali dahil ayokong mag-isip siya ng kakaiba sa 'kin, ayokong lumayo siya sa 'kin ngayong kumportable na kami sa isa't-isa, ayokong dumistansya siyang muli dahil alam ko sa sarili ko na masasaktan ako.

Filed Up Feelings (Charity Series #2)Where stories live. Discover now