• Thirty •

96 3 8
                                    

Catalina Konan

°°°

Sir Claudius seemed to be shocked after seeing my swollen, red eyes from crying. Hindi pa ro'n nagtatapos, hindi ko mapigilang maluha ng paulit-ulit sa harapan niya.

Naitakip ko ang kamay sa bibig ko. Hindi ko alam kung paanong magsisimula, kung anong dapat kong unahin na salita. Sabi ko nga, gusto kong magsumbong agad sa kan'ya dahil sa mga nangyari pero hindi ko naman alam ang unang gagawin ngayong kaharap ko na siya.

His forehead creased as he became more worried. Ako dapat ang nag-aalala sa kan'ya.

"Who made you cry?" malalim na tanong niya.

Umiling-iling ako. Hindi ako makapagsalita dahil sa paghikbing ginagawa ko. Bakit gano'n? Akala hindi ako iiyak ng ganito sa harapan niya dahil na-miss ko siya, pero ano 'tong ginagawa ko?

"Konan."

Lumunok ako at dahan-dahan binaba ang kamay ko sa aking dibdib, pinilit kong magsalita, "A-Ang bigat lang ng loob ko k-kasi dahil sa ‘kin muntik na kaming mamatay ni Gavin. Paano kung hindi ko siya napahinto sa pagmamaneho? P-Paano kung ako ‘yung nakaligtas at hindi---"

Naputol ako nang mabilis siyang makalapit sa 'kin at hawakan ang kaliwang pisngi ko, "What did you say? Anong nangyari sa inyo?" seryoso niyang tanong.

Bumagsak ang luha ko habang nakatingala sa kan'ya, "Hindi ba hindi ako umaakyat sa office mo? Inamin ko na noong nakaraan kay Gavin na ikaw ang mahal ko pero hindi n‘ya matanggap. Gumawa siya ng paraan para hindi tayo magkita. Idagdag mo pa na hindi na rin tayo nakakapag-usap sa phone no’n. P-Pero kanina, nagkausap kami sa loob ng kotse ni Seven at doon ko mas diniin sa kan‘ya na ikaw ang mahal ko at kaibigan lang ang tingin ko sa kan‘ya."

"H-Hindi ko rin nagawa ‘yung sinabi ko sa ‘yo na hindi ako aalis sa tabi mo kasi pinili kong maghintay at manatili muna kay Gavin. K-Kasi... binantaan n‘ya ‘ko na magpapakamatay siya kapag iniwan ko siya," iyak ko pa.

Hindi nagsalita si Sir Claudius. Nakaawang lamang ng bahagya ang labi niya. Shock was written all over his face.

"Kaya kanina... kinuha n‘ya ‘yung pagkakataon na imaneho ang sasakyan ni Seven para sadyaing ibangga ‘yun at ma-aksidente kami. W-We almost hit the wall and died. H-Hindi n‘ya gusto ‘yung ideyang mapupunta ako sa ‘yo."

Sa totoo lang, kahit nagtitiwala ako kina Tiara, hindi ko pa rin matanggal-tanggal sa isip ko ang pag-aalala kay Gavin. Paano kung makagawa siya ng paraan para kitilin ang buhay niya? Paano kung may iniisip na siyang plano?

Pero bukod dito, alam kong ganito ang nararamdaman ko ngayon dahil nag-aalala rin ako sa kalagayan ni Sir Claudius. If I wasn't this over emotional, I would've ask his status first.

'Yun naman 'yung dahilan kung bakit pinapunta ako ni Hailey dito.

Recovering from his shock, Sir Claudius turned his face and sighed heavily. He put down the wine glass and massage his temple. I knew he is utterly displease about the news.

"He’s crazy," bulong niya.

"P-Pero kaya rin ako naiiyak ng ganito kasi... I wasn’t able to stay with you especially now that you’ve hit rock bottom. I was not there when you’re asking for me," parang may gumuhit sa puso ko nang maalala kung paano niya hilingin 'yun sa 'kin.

"Sorry... sorry that I failed to stay with you. I’m sorry! Sorry! Sorry---"

Natigil lamang ako sa gulat nang hatakin niya 'ko at ikulong sa bisig niya. Parang tumigil ang mundo ko nang maramdaman ang mainit niyang katawan na nakayakap sa akin. Naririnig ko ang lakas ng tibok ng puso niya, naamoy ko ang mabango niyang amoy.

Filed Up Feelings (Charity Series #2)Where stories live. Discover now