• Fourty One •

137 3 0
                                    

Catalina Konan

°°°

Paulit-ulit akong napabuntong hininga sa dami ng gamit na binili para sa 'kin ni Sir Claudius. Kauuwi lang niya kanina galing Canada at heto, sobrang dami niyang bitbit na malalaking paper bag.

Hindi naman ako nanghihingi ng pasalubong pero ang dami niyang binili. He's spoiling me a lot!

"Parang hindi na magkakasya 'yung mga gamit mo rito, Ma'am Konan. Saan ko ilalagay 'tong iba?" tanong ni Frederick habang bitbit ang tatlong malalaking kahon sa kamay.

"Uhm..." nilibot ko ang paningin sa walk-in closet ko. Actually, malaki talaga 'tong kwarto na 'to at puro gamit ko lang talaga ang nakalagay. Nagmukha siya ngayong masikip dahil sa mga bagay na binibigay sa 'kin ni Sir Claudius.

Tinuro ko ang tuktok ng malaking cabinet, "Doon na lang siguro. Wala na kasing space."

"Ganito po ba talaga si Sir Claudius sa inyo?" tanong niya habang inaakyat ang mga 'yun.

"Well, it's not like I'm asking for these."

"Woah," lumingon siya sa 'kin, "Ibig sabihin kusa n'yang binibigay lahat sa 'yo 'to?! Hindi mo hiningi sa kan'ya?! Hindi ka nagta-take advantage--- ahh!"

"Frede---"

Bago ko pa matapos ang pangalan niya ay nadamay ako sa pagbagsak ni Frederick mula sa tinutuntungan niyang wooden latter. Nagbunga ito ng malakas na ingay at talagang ramdam kong sumakit ang pwet ko sa pagbagsak-- isama mo pa na dumagan sa 'kin si Frederick.

Narinig ko siyang nagulat, "M-Ma'am Konan! Sorry!" dali-dali siyang tumayo at inalalayan ako sa kamay.

"Saan masakit? Sorry talaga hindi ko sinasadya."

"Aw aw aw," pikit matang kong daing saka dumilat at ngitian siya, "Kung anu-ano kasi sinasabi mo! Hindi ako nagta-take advantage 'no! Hindi ako gano'ng babae."

"Hehe. E 'di maganda," napapakamot siya ng ulo.

"What happened here?"

Katatayo ko lang mula sa pagkabagsak nang marinig namin ang seryosong boses ni Sir Claudius. Salubong ang kilay niya habang nakatingin sa kamay ni Frederick na nakaalalay pa rin sa siko ko.

Agad na lumayo si Frederick at yumuko kay Sir Claudius, "Good morning, Sir Claudius! I apologize for the accident."

"What?" malalim ang boses niya.

"Nalaglag po ako sa hagdan at nadamay ko po si Ma'am Konan. Please forgive my clumsiness."

"Ah---" pinulot ko ang mga nalaglag, "Okay lang 'yun, Frederick. I know it's an accident."

"Still, I'm very sorry!" yumuko pa siya ulit.

Sir Claudius blew a sigh and shot a glance at Frederick, "I hired you as her butler to do things for her 24/7. Why are you letting her pick those box up? Isn't it your job, huh?"

Nagkatinginan kami ni Frederick at mukha pa siyang nagulat na hawak ko ang mga box na nalaglag kanina kaya naman mabilis niya 'yong kinuha sa kamay ko.

"M-Ma'am Konan, ako na."

"And don't just touch her like you did, Frederick."

"Sir?"

He crossed his arms with a surly expression, "You held her hand just a minute ago. Don't ever do that again."

"C-Claudius, tinulungan lang n'ya 'ko."

Pero hindi niya 'yun pinansin at masungit lang na pumikit. Hindi ko akalain na pagseselosan niya si Frederick dahil sa pagtulong nito.

Filed Up Feelings (Charity Series #2)Where stories live. Discover now