• Fourteen •

94 5 11
                                    

Catalina Konan

°°°

May ilang araw din akong binabagabag ng balitang magpapakasal si Sir Claudius sa babaeng pinili ng Papa niya para sa kan'ya.

Hindi ko naman dapat 'yun iniisip pero kusa kasing pumapasok sa loob ko. Tuwing papasok ako sa office, umaasa ako na dadalaw si Sir Claudius pero mukhang naging mas abala sila ngayon sa trabaho. Gusto ko siyang tanongin kung okay lang ba siya pero hindi ko naman siya nakikita.

Saka hindi ako sigurado kung sasagutin niya ba 'yun ng totoo...

Lumabas ako ng convinience store at nilagok ang binili kong canned apple juice mula sa loob. Mariin akong pumikit habang tuloy-tuloy ang daloy ng juice sa lalamunan ko. Baka sakaling sumama rito ang gumugulo sa isip ko. Patahimikin mo na 'ko, please!

"Huh? Konan?"

Dumilat ako at bahagyang nagulat nang makita ko ang dati kong ka-trabaho sa Dwellsmith. Nakangiti siya sa 'kin at parang hindi makapaniwalang muli akong nakita.

"Regine..."

"Long time no see!" bati niya, "Kumusta? May trabaho ka na ba o... nag-a-apply ka palang?" tinignan niya ang formal dress na suot ko.

Nag-a-apply... mukha ba akong nag-a-apply sa itsura ko?

"Sana magkaroon ka na ng stable na trabaho. Miss ka na namin! Alam mo ba ‘yung pumalit sa ‘yo na bagong producer, sobrang istrikta! Kahit one minute late pinapahiya n‘ya! Nakakainis lang na parang hindi siya marunong makisama sa ‘min. Palaging nagsusungit!"

Hindi ako nakasagot agad at ngumiti na lang. Nahihiya ako sa kan'ya sa totoo lang. Alam ng mga dati kong staff ang stress na pinagdadaanan ko noon sa trabaho pero mas pinipili kong 'wag 'yun ipahalata sa kanila dahil ayoko silang mahawa, nakikita nila kung paano ako ipatawag at pagalitan ni Sir Bob pero pagkatapos no'n, niyayaya nila akong kumain para gumaan ang pakiramdam ko. Pero alam mo 'yun? Ngayong tinanggal ako sa trabaho, napagtanto ko sa huli na sila pala talaga ang nagbubuhat sa akin. Ako 'yung producer nila, pero ako 'yung pabigat.

Kaya nahihiya ako ngayon na nagkita kami... kasi sa totoo lang, hindi siya o sila makakaramdam ng inis ngayon kung magaling lang sana ako at nando'n pa rin ako.

"Sana hindi ka na lang natanggal..." usal niya pa.

Huminga ako ng malalim at tinawanan na lamang siya, "Gagi ka ba? Kung nanatili ako ro’n, luging-lugi na tayo sa rate! Kaya n‘yo ‘yan!"

"Pero saan ka na nga ngayon? Anong ina-applayan mo?" tanong niya.

"H-Huh?"

"Wala ka pang trabaho? Gusto mo ba ipasok kita sa HMDC? May kakilala ako ro’n!"

Umiling-iling ako at pilit na tumawa, "A-Ano ka ba ‘wag ka nga mag-abala diyan! Mukha ba talaga akong nag-a-apply?"

Tumawa rin siya, "Oo kaya! Ngayon lang kasi kita nakitang naka-formal dress. Ang cute-cute mo!"

"Woah! I have to agree with yah!"

Awtomatikong kumunot ang noo ko nang marinig ang pamilyar na boses na 'yun. Lumingon kami ni Regine sa pinanggalingan no'n at nakita ang nakapamulsa at prenteng naglalakad na si Seven palapit sa amin.

Seven...? Bigla-bigla na lang talaga siya sumusulpot.

"Konichiwa, Ma’am Konan!" mataas na bati niya.

Naramdaman kong lumapit si Regine sa akin at bumulong, "Sino ‘yan?"

"A-Ano, kasama---"

"Ma’am Konan! What are you doing here? Aren’t you busy at work? Inutusan mo na lang sana ako kung ‘yan lang pala ang bibilhin mo," bulalas ni Seven kaya nagtaka ang mukha ko.

Filed Up Feelings (Charity Series #2)Where stories live. Discover now