• Fourty •

109 2 0
                                    

Catalina Konan

°°°

Nagulat ako nang maabutan sa bahay si Mr. Lefebre at Lauren. Nasa malaking sala sila at umiinom ng wine kasama ang bagong hired na butler ni Sir Claudius na si Federick.

Kahahatid ko lang kay Sir Claudius sa airport dahil patungo siya ng Canada ngayon para sa isang business trip, kaya naman hindi ko inaasahan ang biglaang pagpunta rito ng kan'yang ama. On the other side, they won't come here for me and that's for sure.

Sumimangot agad ang mukha ni Mr. Lefebre nang mamataan akong nakatayo sa pinto. Awtomatiko tuloy akong ngumiti at bumati.

"G-Good afternoon to you, Mr. Lefebre and Lauren."

Hindi sila sumagot ngunit nandiyan si Federick na siyang bumati pabalik, "Good afternoon, Ma’am Konan."

"A-Ano pong kailangan nila?" nahihiyang tanong ko kina Mr. Lefebre, "Hindi kayo nagsabi na darating pala kayo. Nagpaluto sana ako kay---"

"Where is my son?"

"Uhm. Papunta po siyang Canada ngayong araw at kahahatid ko lang sa kan‘ya."

"What?" singhal niya.

Binaba ni Lauren ang hawak na baso at bumuntong hininga, "You should’ve called him first, Uncle. Our time got wasted," saad niya saka ako tinignan.

Bahagya akong nailang sa tingin niya kaya umiwas ako ng tingin. Bakit sila magkasama? Akala ko ba ay may usapan na sila ni Sir Claudius?

"That guy is really avoiding me, huh? He’s not picking up his phone, he’s pushing me away when I’m trying to visit him... and now this. He’s doing this again, I see."

"It’s a waste of time, Uncle," napailing si Lauren dito, "If he doesn’t want to marry me, then I don’t want as well. I told you, let’s not force it."

"Lauren, I believe in Anastasia. Wala akong pakialam sa mga ginawa n‘ya at mga sinasabi ni Claudius. What matters to me is your engagement. You must marry my son."

"Uh-huh? But what about the real lover?"

Sabay silang napatingin sa 'kin. Sa mga pinagsasabi ni Mr. Lefebre, hindi ko maiwasang masaktan na naman. Nitong mga nakaraang araw, sinubukan kong lapitan siya para mas magkakilala kami dahil ayoko namang manatili na gano'n ang tingin niya sa 'kin-- na hindi niya ina-apruba ang relasyon namin.

Bilang ganti sa mga surpresa at pagpapasaya sa 'kin ni Sir Claudius, gusto ko siyang bawian ng magandang balita. Gusto kong... matanggap ako ni Mr. Lefebre.

Kaya naman ginagawa ko ang lahat sa t'wing may pagkakataon na ma-bisita ko siya sa office. Dinadalhan ko siya ng pagkain, wine, niyayaya lumabas, pero ni isa ro'n ay wala siyang pinapayagan, idagdag mo pa ang pagsasalita niya sa akin ng masasakit.

"We’ll try to fix your relationship with Claudius, Lauren. And when that happen, Konan will have to get out of this house," matigas nitong ani.

Tumango-tango naman ang isa, "Okay."

"A-Ano... kumain na po ba kayo? Teka lang titignan ko lang kung---"

Filed Up Feelings (Charity Series #2)Where stories live. Discover now