• Twenty Three •

79 4 7
                                    

Catalina Konan

°°°

5:45 ng hapon at magdi-dilim na nang makalabas ako ng office. Sobrang dami kong ginawa ngayong araw dahil nagsunod-sunod ang mga guest ko, which made me really happy. Yey!

"Nasaan ka na? I’m waiting here at the coffee shop. Walk faster but be safe going here," hindi makapag-hintay na bulalas ni Gavin sa telepono.

"Ito na pababa na ‘ko."

"I cooked you a food. Let's share it once we got home."

Hindi na 'ko pinuntahan pa ni Gavin sa office at sinundo rito dahil nanggaling siya sa bahay ng parents niya, bumisita. Dahil sabi ko nga, sobrang clingy niya sa 'kin, nag-alok siya na ipagluluto niya ako ngayong gabi ng pagkain sa bahay niya. Sino ba naman ako para tumanggi? Gusto ko rin namang nakikita siya ng madalas kaya pumayag na 'ko.

Natawa ako, "Ano namang pagkain ‘yan? ‘Wag mo sabihin pakakainin mo ulit ako ng durog-durog na omelette?"

"A-Atleast it tastes good! And it’s not omelette this time!"

"Uhm... sunog na bacon?"

"Konan!"

"Tubig na may halong sinigang?"

"Ughh! Don’t say that! Syempre natural lang ‘yon dahil pinag-aaralan ko palang ang pagluluto ng masarap. Just you wait!"

Lalo akong natawa sa kan'ya. Sa tinagal-tagal namin na palaging magkasama at lumalabas, hindi talaga niya ako binibigong pasayahin lalo na kapag nagpupumilit siyang ipagluto ako katulad ng mga nabanggit ko. Though I appreciate it, still, it's funny. Look how determined he is just to impress me.

Sa totoo lang, kahit hindi niya ako ipagluto, sobrang impress na 'ko sa kan'ya.

I love him.

Umawang ng bahagya ang labi ko at napahinto sa paglalakad nang maabutan ko si Sir Claudius sa lobby. Nagkatinginan kami, may kausap siyang matangkad at napaka gandang babae na nakasuot ng black fitted dress.

Nang makita niya kung saan nakalingon si Sir Claudius, nilingon din niya ako.

Naririnig kong nagsasalita si Gavin sa linya at tinatawag ako pero hindi ako makapag-salita sa hindi ko malamang kadahilanan. 'Yung puso kong normal na tumitibok kanina ay unti-unting bumibilis sa pagtibok.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal nagkatitigan ni Sir Claudius, napagtanto ko na lang na humarang ang babae sa pagitan namin at hinarap siya.

Binasa ko ang labi ko't nagsimulang maglakad para lagpasan sila. Sa isang iglap, bigla akong tinakasan ng lakas.

"Konan? Konan? Are you still there? Why aren’t you answering me?"

"U-Uhm... y-yeah. Sorry."

"May ginawa ka ba? Bakit hindi ka sumasagot kanina? Tinatanong ko kung nasa’n ka na eksakto. Rush hour na baka ma-traffic tayo."

Muling dumako ang mata ko sa kanila at parang nagsisi ako na ginawa ko pa 'yun dahil muli na namang nagtagpo ang mata namin. Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya, sa unang pagkakataon, nakita ko sa mata niya na parang nangu-nguwestiyon ang mga 'yun sa akin.

Agad akong umiwas at tuluyan na silang nilagpasan. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko ngayon. Sobra pa sa dalawang linggo ang ginawa kong pag-iwas sa kan'ya, kapag nagtatagpo ang mata namin ay umiiwas agad ako pero... ano na naman 'tong nangyayari sa akin? Ba't parang nanlalambot ako?

Sigurado ako na ayun 'yong babaeng fiancée niya. Siya si Lauren. Pero bakit niya 'ko kailangan tignan ng gano'n gayong wala naman siyang pakialam sa akin?

Filed Up Feelings (Charity Series #2)Where stories live. Discover now