• One •

507 18 12
                                    

I AM CATALINA KONAN.

Bata palang ako ay hindi na maganda ang relasyon ko sa mga magulang ko. Panganay ako at apat na taon ang tanda ko sa bunso kong kapatid na babae. Dalawa lang kami kaya... sa tingin ko, katanggap-tanggap na dahilan 'yun kung bakit palagi kaming pinagku-kumpara sa isa't-isa.

Tatlong taon na rin ako nagta-trabaho sa Dwellsmith Production bilang producer. Nakakahiya man pero madalas akong mapagalitan do'n. To be real, I'm a girl who always screw up.

As my boss said, "You've been working with us as producer for three years now but still... you lack performance. What should I do with you?"

Ang kasunod no'n, tinanggal ako sa trabaho at pinalitan ng isang propesyonal na producer.

Anong akala niyo? Isa akong bread winner por que panganay ako? Ang totoo niyan... hindi talaga 'ko napapansin sa pamilya. Sa aming dalawang magkapatid, si Katie ang madalas purihin. Maganda, matalino, mabait, magalang-- at candidate for suma cum laude pa 'yan ngayong darating na graduation nila.

Madalas akong i-itsapwera ng magulang namin. Sabi kasi nila, masyado raw akong mahina sa lahat. Hindi kasi ako nagmana ng gano'ng utak kagaya sa kanila. I'm not that intelligent, but atleast I have knowledge.

Isang linggo na matapos akong tanggalin sa trabaho at hindi ko pa rin iyon nasasabi kina Mama at Papa. Sa edad kong 'to, natatakot pa rin kasi akong mapagalitan nila. Sa t'wing nagkakamali ako sa school noon, iisa lang ang sinasabi nila sa 'kin...

"Wala ka talagang mararating, Konan. Hindi namin maisip bakit gan'yan ka. Ang baba ng grades mo! Dos? Mag-aral ka naman ng seryoso!"

"Kung sa bagay, mahina 'yang utak mo, e. Ano pa bang aasahan namin? Bakit kasi hindi mo namana ang talino sa amin. Hindi rin naman kami gano'n ka-tanga gaya mo pero bakit ganito?"

Having me hear that makes my heart sank. So I did everything I can and work as hard as I could to make them compliment me even for once... but the funny thing is, even at work-- I sucked. Nagtatagumpay lang naman ako sa tulong ng mga staff ko.

But in this season, I finally dropped down.

Ngayong hapunan, balak ko nang sabihin sa mga magulang ko ang nangyari sa 'kin. Bahala na kung magalit sila, sanay naman na 'ko ro'n. Sanay na 'ko pero... syempre ayoko pa ring marinig na galit sila sa 'kin.

I swallowed hard and forced a smile on my lips, "A-Ano... may sasa---"

"Graduation mo na sa susunod na buwan, Katie. May gusto ka bang regalo?" my words cut off when Mom suddenly asked my sister with a smiling face.

Dad nodded, "Oo nga, anak. Kahit ano okay lang. Bag? Damit? Sapatos? Pwede ring iPhone 12. Deserve mo naman 'yun sa pagsisipag mong mag-aral," he said.

Katie gently wiped her lips with a tissue and smiled sweetly, "Kahit ano po basta galing sa inyo."

Hinaplos siya ni Mama sa buhok, "Wala kang request kahit ano?"

Umiling ang isa at bumungisngis, "Kayo nang bahala."

Gusto kong masaktan sa paraan ng pagtingin nila kay Katie. Punong-puno 'yun ng pagmamahal, pag-iingat. Naiintindihan kong kamahal-mahal naman kasi talaga si Katie-- mahinhin, mabait, maganda, pala-ngiti.

Filed Up Feelings (Charity Series #2)Where stories live. Discover now