56~Mother's Love~

29.2K 439 7
                                    

~

Magandang buhay sa ating lahat! :)...Thanks for the comment akotoangmahalmo16...dahil jan... here is the update...!:) Enjoy reading!

Pagkalipas ng isang taon, sa awa ng Diyos ay wala namang nangyaring masama sa pamilya ni Megan at iyon ang ikinababahala niya. Paano kung hindi pa pala tapos ang pagsubok? Makakaya kaya nilang mag-asawa? Natatakot siya para sa kanyang mga anak.

Isang taong gulang na ang kanilang kambal at sobrang napakakulit na nila lalo na't nakakalakad na silang dalawa. Sobrang nakakapagod pero masaya naman siya dahil nakakatuwa silang magkapatid.

Tipikal na makulit si Abby na namana nito sa kanilang nanay habang tahi-tahimik lang si Xander gaya ng kanyang ama.

Nakakapagsalita narin sila pero hindi nga lang buo. Medyo nabubulol pa sila. Ang unang salitang namutawi sa kanilang mga bibig ay Dada...Hindi nga niya maiwasan na hindi mangiti tuwing naaalala niya kung paano lumabas sa kanilang bibig ang mga salitang iyon.

Galing sa opisina ang aking asawa at parang pagod na pagod. Matapos akong bigyan ng mabilis na halik sa labi ay nagtungo na agad ito sa kanilang kwarto. Doon naman kasalukuyang katutulog ang kanilang mga kambal.

Naisipan niyang sundan ang kanyang asawa at nakita niyang plakda ang kanyang mag-aama. Ayun pareho pa silang nakangangang tatlo habang ang sarap ng kanilang tulog. Ang paa ni Abby ay nasa leeg na ng kanyang ama habang yakap yakap niya ang paa ng nakatalikod na si Xander.

Hahahaha. Nakakatuwang pagmasdan ang kanyang mag-aama. Hindi niya alam ang kung ano ang naisipan at kinuha niya ang Video Recorder at vinideohan sila at habang ginagawa niya iyon ay nagsasalita naman siya.

"Ang cute ng mga mag-aama ko. Tingnan niyo puro nakanganga pa silang tatlo. Haha. Like father like daughter and son. Hihi. Mahal na mahal kayo ni Mommy. Tandaan niyo yan okay? Kahit anong mangyari lagi niyong iisipin na mahal na mahal ko kayong tatlo. Kayo ang buhay ko. Awww ang baby damulag ko. Look oh he's so handsome ever"

"Babe ko...mahal na mahal kita. Alagaan mo ang mga anak natin ha? Mahalin mo sila kagaya ng pagmamahal mo sa akin. Huwag na huwag mo silang pababayaan. Dahil kapag may nangyaring masama sa kanilang dalwa? Naku! Lagot ka sa akin!"

Bahagyang tumigil si Megan sa pagsasalita ng mapagtanto niya ang kanyang mga sinasabi. Bakit feeling ko? Nagpapa-alam na ako? Ayst. Baliw na ata ako. Hindi ako mawawala noh! Gagawa pa kami ng basketball team remember? Hehe.

~

Nagising naman ang inaantok na diwa ni Kristan ng maramdaman niyang basang basa na ang kanyang mukha.

Nakarinig pa siya ng mga hagikgik ng kanyang mga anak. Kaya naman ay kunwa ay iniyakap ang kamay sa kanila at ikinulong sila pagkatapos ay kiniliti nya ang mga ito kaya naman tawa sila ng tawa.

"Hahahahahahah"

"Hihihihihihi"

"Da...da..........", sabi ni Abby

"Da.....da.....", sabi naman ni Xander

"Dada.....Dada..."at sabay nila sinabi iyon ng paulit ulit.

Natigil naman si Kristan sa pagkiliti ng marinig niya ang mga sinasabi ng mga anak!

Did they just call me Dada?

"Haha...Babe.... Itsura mo...para kang natuka ng ahas diyan!", natatawang sabi ng kanyang asawa na ngayon niya lang napansin na nakatayo pala sa may paanan ng kama nila at vinivideohan sila.

"Ma......ma......"

"Ma....ma...."

"Mama....mama..."

She is Daredevil's GirlfriendWhere stories live. Discover now